Francis' POV
Ilang linggo na rin kaming di nag uusap ni Cess. Matapos ang nangyari di na nya ko pinapansin.
Di ko naman sya sinisisi alam kong kasalanan ko lahat. Nasaktan ko sya.
Namimiss ko na yung mga araw na lagi kaming magkasama. Lagi ko syang kausap at madalas ko syang pinapangiti.
Ngayon parang magkakilala na lamang kami.
Anlakas lakas ng ulan. Parang nakikiayon sa damdaming tinatago ko. Sa sakit na nararamdaman ko matapos ang huling araw na sinaktan ko sya.
Anlakas ng ulan subalit nanatili ako sa loob ng sasakyan ko. Tumigil ako sa harapan ng bahay nina Cess, baka sakaling sumilip sya. Baka sakaling makita nya ko. Baka sakaling pansinin nya ko. Baka sakaling maitama ko pa lahat. Baka sakaling bumalik sya sakin.
Kagaya ng lakas ng ulan di ko napigilang mapaluha dahil naiisip kong unti unti nang nawawala ang babaeng mahal ko....
"Cess!cess!"
Lumabas ako sa sasakyan at nagtungo sa gitna ng malakas na ulan. Mas gusto kong umiyak sa gitna ng ulan. Natutuhan ko 'to bata pa lang ako dahil sa paboritong kong si Mr. Bean.
Sabi nya, " i always want to walk under the rain so no one can see me crying."Kaya eto isinasabay ko na sa ulan ang patak ng mga luha ko.
Di ko sya kayang mawala."Cess! Pansinin mo naman ako ohh! Cess!"
Nabuhay ang ilaw sa taas,subalit wala pa ring Cess na lumalabas...
Ilang minuto na subalit wala pa rin talaga.
Galit sya.
Nasaktan ko sya.
Pinaasa ko sya.
At hinayaan ko syang mapagod at mawala.
Kalahating oras na subalit wala pa rin ang Cess na hinihintay ko. Yung babaeng di ako kayang tiisin.
Maybe I pushed her away.
Nanginginig na ko sa gitna ng ulan.pero di ako umalis. Naupo ako sa kalsada.
HIhintayin kong magbukas ang pinto nila.
Miya miya isang maliwanag na ilaw ang sumagi sa mga mata ko.
..pppppprrrrrrrtttttt...kuya wag kang humara sa kalsada!" sigaw ng isang driver.
Tumigil ito sa tapat ng bahay nina Cess.
Bumaba ang isang babae...
Ang mommy ni Cess."oh bakit anjan ka Francis?" tanong nya sakin.
Di ako nagsalita. Isang payong ang lumapit sa akin. Lumapit sa akin si Cess. Subalit di sya nagsasalita.
Nginig na ko sa lamig.
"Cess, im so sorry please." malungkot kong makaawa.
"Bakit ba anjan ka? Arte arte mo anlakas lakas ng ulan!"
"please give me one more chance to prove how much i really love you!"
"Bakit ka ba andito? Kung kelan malakas ang ulan."
"I was shouting, i just thought you we'te inside. I was waiting for you to come over me."
"ahh!hahaha wala kame sa loob so kung di kame dumating di ka aalis dito?"
"hindi until mapatawad mo ko. Sorry na"
"timming mo talagang umuulan para maawa ako eh no?"
"so you can't see me crying."
Ngimiti sya na para bang pilit na nangangahulugang ok na.
Napangiti ako. Sinagi ko ang payong na hawak nya. Sa ilalim ng ulan niyakap ko sya sa paraang matagal ko ng gusto.
Yung mahigpit.
Yung gigil.
Yung may pagmamahal
At yung totoo.
Bumulong sya sa akin.
"kung di lang kita mahal!"
Hinawakan ko sya sa mga pisngi nya.Idinikit ko ang aking mukha sa kanya habang seryosong nakatitig sa mata ni Cess.
"prrrrrrrrrrttttttt pare kung iidlip ka muna Ayusin mo naman parking mo di kami makadaan ng ayos oh!" medyo inis na sabi ng isang matandang lalaking nakasakay sa kotse....
Tumila na pala..
Nakatulog na pala ako.
Napanaginipan ko sya.
BINABASA MO ANG
Mr. Dreamboy
RomancePag ibig na di inakala. Pano kapag bumalik ang dating mahal mo pero may gusto ka ng iba? Pano kung yung gusto mo ay nanatili sa nakaraan nya?