Buwan at mga araw ang lumipas. Akala ko naman forever kuya na role nya sa buhay ko. Tanggap ko na . Wala eh may kanya kanya naman kaming mundo. At siguro makakapasok lang ako samundo nya bilang isang kaibigan at hindi ka-ibigan.
Gayunpaman,naging malapit na kami sa isa't isa. Ayos na rin siguro yun ang mahalaga di sya nawawala sa buhay ko. Pwede ko pa syang kuning ninong ng mga future anak ko..
"kkkrrrriiiinggg"
"cess!"
"Francis napatawag? Miss mo agad ako?"
"sige lang mag assume ka kaya ka nasasaktan!"
"hugot pa Francis!"
"seriously, are you free today?"
"oh bakit?date mo ko?"
"oo ba basta libre mo ung date natin"
Palabiro pero parang pilit ang patawa nya.
"sunduin kita bihis ka!"
"bakit nga kaseeee"
"road trip tayo!"
"yahhhooooooo sige sige hahaha!"
Ngayon malayo ang narating namin. Hindi katulad ng mga lugar na paulit ulit naming napupuntahan ng mokong nato...
Dinala nya ko sa lugar na di ko pa napupuntahan...ordinaryo na siguro sa iba pero sa akin na di pa nakakagawi sa lugar na ito...ito ay kakaiba.
Matapos ang mahigit isang oras na byahe,narating namin ang Lipa City Bahagi sya ng Batangas province, pumunta kami sa Bluroze.
Simpleng lugar. Maganda at maappreciate ng mga nature lover lalo na ng pamilya at magjowa..
Magaling sana kung mapagkakamalan kaming mag you know hahaha eh di sana appreciated ko sya..
Aba naman ikaw na mapaligiran ng mga nagmamahalang halatang mahalang mahalan! Bakit ba naman kase dito pa ko pinagka dala dala! Tapos sya ayun kung maglakad akala mo walang kasamang babae nauna na!
"huy bilisan mo naman!"
"aba matinde ka PA mo ba ko?!letse to!"
Lalo ko pang binagalan nakakainis kase sya na tong nag aya tapos....
"cess! Samahan mo naman ng konting bilis!"
Sa inis ko tumigil na lang ako.Para sya naman yung lumapit sakin at sabayan ako. Aba naman gumana ang aking pasusot lumapit nga sya!
"ahh at talagang binagalan mo pa ahh!"
Huuuuuhhhh bigat mo rin pala ahh!"uy flFrancis ibaba mo nga ako!"
"bagal na bagal mo kasi! Ano bang mabigat sayo?bukod jan sa eyebags mo? Yang bundok mo?oh yannggggg"
"ano?ano?oh sige tuloy mo?!!"
"Wala hahah"
Binuhat nya ko. Hahah kinikilig ako kahit alam kong bunga lang unJ ng pagiging pabebe ko. May kwenta rin pala minsan ang pagging pacute at painis factor!"san ba tayo pupunta?"
"basta!"
Sobrang peaceful ng farm na yun, maraming hayop, ansarap tignan may lugar din kung saan pwede maupo at magstay.
Hays kainggit naman ang mag couple na magkatabi sa duyan halos putaktihin na sila sa ilalami ng puno!
Tapos mamaya break hahaha.Napapakunot na lang ako. Nakakamiss magkaboyfriend. Nakakainggit pero ok lang. Siguro kung may boyfriend ako di naman magiging ganito kalaya kasama si Francis.. Ang aking prinsipe.
"uy cess!nu ba! Wag paka titig sa kanila! Baka masabunutan ka ng mga girlfriends ng mga yan katitingin mo sa kanila!"
"Nakakainggit kase!nakakainis!" sagot na tila ba ako ay nagbabata bataan.
"gusto m ba ng instant boyfriend?"
"akala naman neto ganun lang un!"
"oh sige cess! Sinasagot na kita! Medyo matagal ko na namang ramdam na may gusto ka sakin eh so puputulin ko na paghihirap mo! Oo na!cess oo na!Tayo na!"
"Leste to!"
"ayaw pa mo?ayaw pa mo?!"
"Bakla ka!"
"Mahalin kita jan!"
Jusme!Matapos ang mahabng paglalakad namen. Eto naman!Aakyat kami sa isang mataas na parang tore!aba gusto ata neto na hingalin at asthmahin ako!
"boy!kung gusto mong mamatay ng maaga go ka na! Wag mo na ko isama kase may tampo pa sakin si bro!ok ?"
"ano ka ba?aakyat lang tayo dito para mahangin!"
"Francis, don't you know I'm afraid of heights?"
"ayaw mo nun?ako kasama mo na maiovercome yang fears mo!"
"edishing!"
At the end of the day, susunod pa rin nama ako sa gusto ng makulit na 'to. Habang nakakailang baitang na kami pataas,nakikita ko kung gano na kami kataas mula sa lupa.Nanginginig na ko at kinakabahan.Pero di na lang ako nagsasalita tuloy ang akyat. Ilang baitang na lang at andun na kami sa rurok,ramdam ko na din ang hangin. Anlakas at anlamig. Habang si Francis nauna na,walang sweetness sa katawan ni di man lang ako inalalayan.Sa pag iisip kung gano na ba kataas ang aming naakyat napatingn ako sa baba. Shet!Nanginig ang tuhod at pwet ko sa takot! Sobrang taas na namin! Unti umuurong ang mga paa ko at pinapawisan na ko sa takot pero pinilit kong marating ang tuktok.
Hayssss salamat!subalit tila naninikip ang dibdib ko sa takot at kaba!
"cess!you made it!" sigaw ni Francis.
Napangiti na lang ako.
"bakit parang nangingitim ka?ok ka lang?"
Napaupo na lang ako habang habol ang hininga.
"Cess!ok ka lang?" tanong ko habang tarantang nakatitig sa kanya. Di ko alam ang gagawin ko. Hinawakan ko sya na may halong takot na baka kung ano ang mangyari sa kanya.
Hindi makahinga si Cess,takot pala talaga sya. Sa sobrang pag iisip ko kung pano mapapaluwag ang paghinga nito ay nilapat ko ang labi ko sa kanya. Hinalikan ko sya sa pag iisip na madugtungan ang kinakapos nyang paghinga...
Miya miya ay napansin kong napatitig sakin si Cess.
"plakkkkkk"
At isang malmig na dampi ng palad ang dumampi sa aking pisngi.
"abusado ka Francis!ikaw na nga tong sinamahan ko kahit takot ako tapos pagsasamantalahan mo ko!"
"wow cess ahh!ang ganda mo!ikaw na nga jan ang tinulungan huminga!" sabay bitaw sakin.
"aray ha!aray!"
However,mejo lumuwag talaga ang paghinga ko nun. Sarap nya humalik hahahaha.
Tumayo ako mula sa aming kinatatayuan. Pinipilit kong labanan ang takot ko.
"gusto mong tumingin sa baba?"tanong niya na halatang sincere naman.
"natatakot ako" malumanay akong sumagot.
"halika,wag kang matakot,hawak kita"
Pumunta si Francis sa aking likuran. Niyakap nya ako sa aking likod na parang sinisecure ako mula sa lahat ng kapahamakan.
Ansarap at ang init ng yakap nya.habang sinasampal kami ng hangin. Analamig.Muli akong sumilip sa ibaba at di an ako muling natakot.
"are you enjoying the view?"
Bulong ni Francis sa aking tenga habang patuloy na nakayakap pa rin sa akin.Ngumiti na lamang ako.
BINABASA MO ANG
Mr. Dreamboy
RomantizmPag ibig na di inakala. Pano kapag bumalik ang dating mahal mo pero may gusto ka ng iba? Pano kung yung gusto mo ay nanatili sa nakaraan nya?