Nakakabato. Nakakasawa rin pala na laging malungkot. Nakakapagod magalit. Araw araw na lang.
Ako nga pala si Jefrey Santillan. Simpleng estudyante pero patapos na. Matalino daw sabi nila. Mula ako sa pamilya ng mga guro. Kase professor sa UST ang daddy ko habang Dean naman ng College of Law si mama.
Hindi naman talaga ako ganito. Something has changed me. Kaya ako nagka ganito. Pero sabagay kasalanan ko rin naman. Pero I never thought things would be like this.
Bukod sa pag aaral, si Celestine ang naging mundo ko. Ang babaeng minahal ko ng sobra.
Pero sabi nga nila love is not enough daw to make things work out. Nagkulang ako sa kanya. Itinaboy ko sya. At di ko sya napahalagahan.
Sa kagustuhan kong magawa ang expectations ng pamilya ko, nakalimutan kong maapreciate lahat ng ginagawa nya at sya mismo.
And the biggest mistake I have done is, I tried to eventually change her to be person she isn't para lang sa pamilya ko. Para lang magustuhan sya which is pagsisihan ko habang buhay.
"Jef, itigil na natin to."
"Bakit Cess? Ano bang problema?okay nama tayo di ba?"
"hindi tayo okay.hindi ko na kaya."
"ha? Ok nama tayo ah? Kina mama pati sa family mo. I don't see any problem"
"kase ikaw ang mismong problema!" may konting taas ng boses nya.
"babe ano bang nagawa ko? Ayusin nama natin oh" makaawa ko.
"Im tired. I can't be the girl you wishes me to be, para lang maging pride sa family mo." habag umiiyak.
"pagod ka na satin. Pagod ka na sakin" napatungo na lang ako.
"ano ba Jef!ang problema di mo ko magawang ipagmalaki sa family sa pagiging ako yun!" galit na may halong pagluha sa kanya.
"hindi mo naman kelangan gawin yun" pagsusumamo ko.
"but you make me feel that way! Mahal kita pero ayokong ipagsisiksikan ang sarili ko sa family mo!"
"babe, pls. Dont make this as an issue,we can work it out."
"it is never an issue. Hinayaan kitang baguhin mo ko sa paraang di ko gusto . Sorry Jef pero itigil na lang natin to." sabay tayo nya sa upuan. Lumabas sya ng star bucks ang lugar kung saan madalas kaming nagkukuwentuhan l. Dun nya ko sinagot at dun nya rin ako iniwan.
Sinubukan kong makibagbalikan sa kanya. Kase alam kong mahak nya ko at mahal namahal pa rin nya ako.
"cess! Pwede ba kitang makausap?" sambit ko habag hinahabol ko sya sa hallway.
"tungkol san Jef?" Malamig at kalamadong sagot nya. Parang nagpapaka formal.
"I'm sorry. Sana maayos natin lahat ulit. Ala kong kasalanan ko lahat."
"It's not that easy." pilit nangiti nya.
"Liligawan na ba kita ulit?"
"Gawin mo na lang yan kapag ready ka nang panindigan ako. Iharap ako sa family na kung pano talaga ako. Mahal kita at hihintayin ko pa rin ang pagkakataong yun." Sabay hawak nya sa kamay ko at ngumiti.
Nagpatuloy na sya ng paglalakad patungo sa labas.
Mula sa sinabi nya lumakas ang loob ko. Alam kong mahak nya ako. Naging mas ganado ako sa pag aaral.
Sa sobrang kampante ko na di mawawala si Cess, nakalimutan ko na masyado na palang matagal yung hinihinta nyang lakas ng loob ko. Napansin kong mas napapalapit na sya sa iba. Mas napapangiti na sya ng iba. At nahulog na pala sya at sila na pala ni Francis isang engineer na kakatapos rin lamang.
Matapos kong malaman lahat. Nagalit ako sa kanya. Di ko na sya muling kinausap. Di ko na sya hinayaang magpaliwanag. Alam kong napagod sya pero sana hindi na lang sya nangako.

BINABASA MO ANG
Mr. Dreamboy
RomancePag ibig na di inakala. Pano kapag bumalik ang dating mahal mo pero may gusto ka ng iba? Pano kung yung gusto mo ay nanatili sa nakaraan nya?