Friendly Date

5 0 0
                                    

Habang naglalakad kami ni Francis sa mall ramdam ko ang pagdikit nya sakin.

"uy ha sobrang close mo sakin!"

"kung saan saan ka kase tumitingin!"

"bawal na bawal?"

"oo sabi ni Digong dapat ako lang nakikita mo!"

Sabay hawak nya sa kamay ko. Nagtungo kami sa isang clothing line. Halos dito lang sya madalas bumili ng damit na sinusuot nya. Dun nagsimula syang magsukat ng damit na bagay sa kanya.

"cess, ano?bagay ba?"

"lahat naman bagay sayo!"

"kasalanan ko bang maging gwapo?pinili ko bang maging magandang lalaki?" sabay kindat nya.

Matapos yun naglalakad na ult kami. Side seeing ganyan...

"Francis, minsan subukan mo rin pumorma ng simple lang. Yun bang Tshirt lang short ganian para naman d ako magmukhang basahan pag kasama mo!? Pwede?hahaha papogi ka lagi eh!"

umakbay na lang sya sakin sabay ngiti.

Miya miya napadaan kami sa Mcdo.

"uy gusto ko ng fries!"

"ano?gusto mo ng FRIES-cis?"

Hinila ng gunggong ang crew sa Mcdo at sinabing

"kuya, gusto daw nya ng FRIES-cis bigay mo nga ako sa kanya!"

Napapatawa na lang si kuya sa loko.

"ugok! French fries!"

"pero gusto mo ko?sabi mo kanina eh rinig ko gusto ng Francis!"

Napapatawa na ko pero pinipigil ko na lang.

"cess sayo na nga lang ako ohh ohh sayong sayo na!"

"ahh sir may promo po kame dito for couples!"singit ng crew.

"libreng fries and sundae po pag nag avail po kayo pag nagconfirm po kayo to celebrate your valentines here in Mcdo!"

Nagkatinginan kame ni Cess.

Hinawakan ko sya sa bewang nya,
"babe ano? Ok lang ba na dito na tayo mag valentines?"

"ahhh sige babe basta kasama kita!"

--

Lusot! Makuba lang namin ang libreng fries and sundae!

Hinatid ako ni Francis hanggang sa bahay.

Di pa ko nakakalayo bigla syang bumusina.

"ano na nama naiisip mo?"

"may event nga pala sa school yung sa publication punta tayo ahh! Nuod tayo imbitado rin kase mga alumni dun!"

"oh sige na! Babye ingat ka ahh!"

Mr. DreamboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon