Writer

74 2 0
                                        

{Halos kumukunti na ang mga kaklaseng babae ni Jahz at Izza. Pati rin ba sila mawawala? Kagaya ng nangyari sa kanila Nin, Ruby, Leah, Faye, Joie, Lyn, Britney, at Cris. Magagawa bang makaligtas nila Jahz at Izza dahil sa alam na nila ang lahat-lahat?}

Jahz' POV.

Nakita ng dalawang mata ang pagkawala ni Cris. N-nawala na siya katulad nang nangyari sa iba pero... saan naman siya ngayon napunta? Napatigil ako sa pag-iisip nung hawakan ni Izza yung balikat ko. Tumingin ako sa kanya.

"Tingin ko Jahz. Kailangan na nating bumalik sa classroom. Wala na si Cris kaya wala nanamang maaalala ang mga kaklase natin tungkol sa kanya. Gusto mo tumambay muna tayo sa ibang lugar dito sa school para naman makalimutan mo ang mga nangyari ngayon.", Nginitian ko si Izza.

"Ok lang ako, Izza. Alam mo hinding-hindi ko na makakalimutan yung mga nangyari ngayon at nung dati. Nagawa kong pabayaan ang mga kaklase ko. Hindi ako karapat-dapat na maging isang class president ng Class 2 - 3. Wala akong nagawa para mailigtas yung iba nating mga kaklase... wala akong silbi.", Pagkatapos kong sabihin yung saloobin ko kay Izza. Dahan-dahan na akong naglakad palabas sa social hall.

Izza's POV.

Siguro sinisisi nanaman ni Jahz yung sarili niya sa nangyari. Hay~ ang magagawa ko lang naman ngayon ay ang icomfort ang kaibigan ko. Wait nga lang, bago ako lumabas dito baka may naiwan si Cris na kung anomang bagay dito.

Inikot ko nang inikot yung paningin ko sa paligid. Hanggang sa makita ko yung cellphone niya sa lapag. Dahan-dahan kong kinuha yun. N-nasira na yung cellphone niya. Kagaya nung nangyari sa mukha niya nung huling kita namin sa kanya.

May connection siguro tong cellphone niya sa mga nangyari ngayon pero alam kong tapos na at siguro may susunod ulit. Hinulog ko na lang sa basurahan yung cellphone ni Cris. Pagkatapos dali-dali na akong lumabas sa social hall para sundan si Jahz.

Jahz' POV.

Seryoso lang akong naglalakad sa corridor nang school hanggang sa makarating ako sa garden ng school. Nakita ko na masayang naglalaro doon yung ibang estudyante dito sa school. Meron ding mga nag-iisa pero mukha namang masaya sila.

Pagtingin ko sa gilid nakita ko si Angel kasama yung iba naming mga kaklaseng babae. Siguro pinag-uusapan nanaman nila yung boyfriend ni Angel na nanggaling pang ibang bansa. Hay~ sa kanila na nga lang muna ako pupunta.

Paglapit ko sa kanila agad akong napansin ni Angel.

"Uy Jahz andito ka pala. Halika, umupo ka muna sa tabi ko.", Mabait tong si Angel sa akin.

Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya. Pagkatapos seryoso kong pinapakinggan yung pinagkwekwentuhan nila.

"Ano na, Angel? Ituloy mo na yung pagkwekwento mo tungkol sa boyfriend mong taga ibang bansa.", Sabi nung isa kay Angel.

"Mahilig kumanta at sumayaw yung boyfriend kong yun. Kapag may time nga siya parati niya akong kinakantahan para makapagpahinga ako. N-napakaganda ng boses niya. A-ang sarap pakinggan.", Mahilig gumawa ng story tong si Angel.

Iniisip ko nga kung totoo pa ba ang mga pinagsasabi niya kasi magaling tong gumawa ng mga story eh. Ilang buwan niya nang kinukwento sa amin yung tungkol sa boyfriend niyang taga-ibang bansa. Pero hindi pa rin niya nagagawang ipakita sa amin kung ano ba talaga ang itsura ng boyfriend niya.

"Kailan ba namin siya makikita, Angel?", Tanong naman nung isa.

"Siguro hindi pa ngayon. Busy yun sa ibang bansa.", Ano bang ginagawa niya sa ibang bansa?

Class 2 - 3 | Tagalog StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon