Angelic Voice

116 1 0
                                    

Jahz' POV.

Seryoso kong pinapakinggan si Lyn habang kumakanta sa loob ng counseling room. B-bakit siya nandirito? P-pinapunta ba siya ni Mr. Norman? Nanlaki yung mga mata ko nung biglang sumagi sa isipan ko na baka si Lyn na yung susunod na biktima ni Mr. Norman.

Hindi ko naman hahayaan yun. Nagulat ako nung may biglang tumawag sa akin. My goodness! Sino yun? Agad akong lumayo sa pintuan ng counseling room at humarap sa tumawag sa akin. Hay naku~ si Izza lang pala.

"Anong ginagawa mo jan?", Tumatambay.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?", Binalik ko lang naman yung tanong niya sa akin.

"Hinahanap kita. Andito ka lang pala. Magpapatulong lang ako sa lesson natin kanina. Hindi ko gaanong naintindihan tsaka no.1 ka naman sa klase. Alam kong matutulungan mo ako. Tulungan mo na ako please...", Hay naku~

"Sige sige. Tutulungan na kita. Halikana balik na tayo sa classroom.", Nginitian ako ni Izza. Pagkatapos sabay na kaming naglakad pabalik sa classroom.

Lyn's POV.

Natapos din ako sa pagkanta pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang boses ko yun knina. H-hindi naman ganun kaganda yung boses ko. Alam ko na maganda talaga yung boses ko pero yung kanina talaga eh.

Para bang may pumasok na angel sa katawan ko tapos bigla na lang akong nagkaroon ng angelic voice. Grabe ang ganda talaga ng boses ko kanina.

Napatigil ako sa pag-iisip nung magsalita bigla si Mr. Norman. Napatingin ako sa kanya.

"Wag na wag kang mahihiyang iparinig yang maganda mong boses sa madaming tao. Malay mo madiscover ka pa dahil sa ganda ng boses mo.", Tama si Mr. Norman pero may itatanong lang ako.

"P-pero Sir p-parang hindi ko naman boses yung lumabas kanina.", Napangiti siya bigla. M-may nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Boses mo yun Lyn. Pinaganda ko lang.", Pinaganda mo? H-huh?

"H-hindi ko kayo maintindihan, Mr. Norman. A-ano po ba yung ibig niyong sabihin?", Hindi ko talaga naintindihan yung sinabi niya eh.

"Yung malamig na tubig na ininom mo kanina. Yun ang tumulong sayo para mas gumanda lalo yang boses mo.", Huh? Eh malamig na tubig yun.

"P-paano po ako natulungan nun?", Hindi ko magets.

"Hindi pangkaraniwan yung tubig na yun. Ako lang ang mayroong ganun tubig. Tutulungan ka nun na magkaroon ng napakagandang boses at tutulungan ka din na magkaroon ng lakas ng loob.", Hala p-parang gusto kong humingi ng ganyang tubig. Parang kailangan na kailangan ko yan.

"Kayo lang po ang mayroong ganyan. P-pwede po ba akong makahingi? Tingin ko po bagay na bagay para sa akin yung tubig na yan.", Sobrang bagay talaga.

"Bago mo makuha yun. You need to sign a contract first.", Contract?

"Anong pong klaseng kontrata?", Dahan-dahan niyang inabot sa akin yung contract na sinasabi niya.

Ah eto pala yung contract. Nakasulat dito panghabang buhay ko tong magagamit. Edi habang buhay ding magiging maganda yung boses ko. Parang ang ganda nun ah.

"Sige po. Tatanggapin ko na po tong kontrata. Pwede po ba akong makahiram ng ballpen para mapirmahan ko na?", Nakita ko na nginitian lang ako ni Mr. Norman.

Class 2 - 3 | Tagalog StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon