Singer

102 1 0
                                    

{Hindi namatay si Joie dahil kinuha lang ni Mr. Norman yung kaluluwa niya para ikulong sa loob ng salamin na pagmamay-ari niya. Kagaya nung dati, nabura nanaman yung mga memories ni Joie sa mga utak ng mga kaklase niya pati sa lahat ng mga estudyante doon. Katulad ng nangyari sa kanila Nin, Ruby, Lea, at Faye. Pero si Jahz. Alam na alam na niya ang lahat ng mga pangyayari pero ni isa wala pa siyang naiiligtas. Tingin niyo magagawa niyang iligtas yung susunod na biktima ni Mr. Norman?}

Izza's POV.

Seryoso lang kaming nakadungaw ni Jahz sa rooftop. Aray! Nasilawan ako ng araw kaya napayuko ako at pumikit. Pagdilat ko bigla akong nagtaka nung makakita ako ng isang ladies shoes. Pati ba sapatos iniiwan na lang kung saan saan? Hay naku~

Agad kong kinuha yung isang ladies shoes at pinakita ko kay Jahz.

"Jahz. Tingnan mo oh. May isang babae dito na iniwanan yung sapatos niya nang mag-isa. Kawawa ka naman tong sapatos. Iniwan ka na nga ng nagmamay-ari sayo nag-iisa ka pa.", Nagulat ako nung biglang kinuha ni Jahz yung sapatos na hawak hawak ko.

Jahz' POV.

A-alam ko kung kaninong sapatos 'to. K-kay... kay Faye 'to! Pagtingin ko sa gilid ko may nakita akong isang eyeglass. Dahan-dahan kong kinuha yun.

"Pati ba eye glass iniwan niya. Grabe naman siya.", Narinig kong sinabi ni Izza.

Y-yung eyeglass na 'to k-kay... kay Joie 'to. Etong sapatos kay Faye at etong salamin kay Joie naman. Kinukonsensya ba nila ako dahil hindi ko sila naligtas? Ano ba 'to? Agad akong napaupo sa sahig. Nabigla naman si Izza dahil sa ginawa ko.

"Uy ano nanamang nangyayari sayo?!". Dahan-dahan akong tumingin sa kanya.

"Bakit ba hindi ko sila naligtas? Ako dapat ang nag-aalaga sa kanila dahil ako ang class president ng Class 2 - 3 pero wala akong nagawa, nawala pa din sila...", Wala talaga akong kwenta.

"Alam mo Jahz sa lahat ng mga sinabi mo sa akin... yan lang yung hindi ko maintindihan pero... bahala na. Dadamayan na lang kita. Kailangan kitang icomfort ganun ang gawain ng isang kaibigan eh.", Napatigil ako sa pagsisi sa sarili ko nung may kumanta.

M-may kumakanta sa studio ng school. A-alam ko kung kaninong boses yan. K-kay...

"Kay Lyn! Kay Lyn yung boses na yan!". Tsk sasabihin ko na sana. Naunahan ako ni Izza.

A-ang ganda talaga ng boses niya. Nakakapagpagaan ng kalooban. Hay~ ngayon pakiramdam ko. Ok na ako dahil sa angel voice ni Lyn. Nakaramdam ako nang pagkagaan ng kalooban.

"Uy halikana Izza bumalik na tayo sa classroom.", Tumingin naman siya sa akin.

"O-ok.", Pagkatapos sabay na kaming naglakad pabalik sa classroom.

Lyn's POV.

Nagustuhan ko lang kumanta kaya pumunta ako sa studio ng school at doon ako kumanta. Wala akong magawa eh. Wala kaming klase ngayon kaya wala talaga akong magawa sa loob ng classroom kaya eto na lang ang ginawa ko... ang kumanta.

Halos lahat naman ng mga estudyante dito sa school gustong-gustong pakinggan yung boses ko. Naging sikat ako dahil sa ganda ng boses ko kaya araw-araw parati ko tong inaalagaan. Hindi ako umiinom at kumakain ng mga malalamig na pagkain.

Parang pangprofessional lang no? Pagkatapos kong kumanta seryoso lang akong naglakad-lakad sa corridor ng school. Wala nanaman akong magawa. Naglalakad-lakad ako nang mag-isa. Napahinto ako sa paglalakad nung may mabangga ako.

Class 2 - 3 | Tagalog StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon