Jahz' POV.
Nakita kong unti-unti nang pumipikit yung mga mata ni Izza. H-hindi ko magalaw yung sarili ko. A-anong nangyayari sa akin? H-hindi... hindi ako pwedeng iwan ni Izza. Hindi siya pwedeng mamatay. Nanlaki yung mga mata ko nung binitawan na siya ng pekeng Jahz.
Pagbitaw kay Izza ng pekeng Jahz bigla na lang natumba si Izza. A-anong nangyari kay Izza? B-bat hindi siya gumigising? H-hindi ba siya babangon jan? K-kailangan pa niyang labanan yung pekeng ako! H-hindi siya pwedeng humiga lang jan!
Izza... hindi mo ako pwedeng iwan! Dahan-dahan kong sinandal yung ulo ko sa harap ng salamin habang nakatingin ako kay Izza. Wala ba siyang balak kumilos?! Tsk baka nagkukunwari lang siya! Baka kung anong gawin sa kanya ng pekeng Jahz.
"Izza! Izza tumayo ka jan! Hindi ka pwedeng humiga lang jan. Izza tumayo ka na! Izza...", Tinititigan ko nang masinsinan si Izza.
Umiyak na ako nang umiyak nung mapansin ko na parang hindi na siya humihinga. Hindi. Hindi ako iiwan ng bestfriend ko. M-mamaya lang, sigurado ako na gigising si Izza. B-baka nawalan lang siya ng malay pero sigurado ako mamaya gigising na din yan.
Minsan talaga maloko yan si Izza. Tsk alam ko na yung mga gawain mo, Izza kaya please... tumayo ka na jan.
Unti-unti akong napaatras nung nakita kong tumingin sa akin yung pekeng ako. P-pinatay mo ang kaibigan ko... w-wala kang awa! Natulala na lang ako bigla nung unti-unti niya akong nginitian. M-masaya ka pa sa ginawa mo?
Napatingin ako sa baba nung mapansin kong parang may nahulog na isang bagay sa paahan ko. Nakita ko yung picture na hiningi ni Mr. Norman kay Izza. Dahan-dahan kong kinuha yun. Naiyak nanaman ako nung makita kong... may ekis na yung mukha ni Izza.
Hindi. Hindi pa patay ang kaibigan ko. Hindi niya ako iiwan. Hindi...
Napalingon ako sa likod ko nung mapansin kong parang may tao sa likod ko. Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko si Mr. Norman.
"Jahz.", Unti-unting tumulo nanaman yung luha ko sa mga mata ko.
"M-masaya ka na ba? W-wala na yung kaibigan ko. Tingin ko a-ako na yung susunod. Sige... patayin mo na ako ngayon. Hindi na ako lalaban pa. M-mas gugustuhin ko nang mamatay ngayon. Wala na rin saysay yung buhay ko kung mabubuhay ako... dahil wala na akong kaibigan.", Nakatingin lang si Mr. Norman sa akin.
Wala ka bang narinig?
"Jahz. Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin alam kung bkit ko 'to ginagawa?", Napaisip ako bigla nang dahil sa sinabi ni Mr. Norman.
"B-bakit niyo nga ba 'to ginagawa?", Ngumiti siya.
"Bibigyan kita ng isang clue. Eto ang nangyayari sayo kapag natutulog ka.", Nanlaki bigla yung mga mata ko nang dahil sa sinabi ni Mr. Norman.
"E-eto ang nangyayari sa akin pag natutulog ako... isa lang tong panaginip.", Ngumiti nanaman ulit si Mr. Norman.
"Hindi ito totoo. Isa lang tong panaginip.", Nanigas ako nung biglang hinawakan ni Mr. Norman yung ulo ko.
"Isang bangungot...", Nagulat ako nung may biglang humawak sa balikat ko.
Hindi ko na nagawang lumingon sa likod dahil hindi ko na kayang igalaw yung sarili ko. Para bang nanghihina na ako. Ano na ba ang nangyayari sa akin? Dahan-dahan akong tumingin sa gilid ko. Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko si Izza. Siya yung humawak sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
Class 2 - 3 | Tagalog Story
Misteri / ThrillerStarted : 03\31\16 "May hiwagang nangyayari sa Class 2 - 3." Isa-isa nating alamin ang mga misteryong nangyayari sa Class 2 - 3. By : hwangeunbb -inspired by the korean drama titled "Nightmare Teacher"-