Loser

75 1 0
                                    

Ella's POV.

Pumunta na ako sa counseling room. Pagdating ko doon naisipan ko munang kumatok bago pumasok sa loob para naman ipakita ko yung respeto sa mga nakakatanda. Pagkatapos kong kumatok dahan-dahan kong binuksan yung pinto.

Pagbukas ko nakita ko agad si Mr. Norman na nakaupo sa upuan niya. Buti naman andito siya. Kailangan ko siyang kausapin eh.

"Bat ka pumunta dito, Ella?", Dahan-dahan akong pumasok sa loob tapos sinarado ko yung pinto.

"Uhm. M-may gusto lang po sana akong tanungin sa--", Nung ipapakita ko sana yung band aid kay Mr. Norman. Nanlaki bigla yung mga mata ko nung biglang nawala yung band aid na nakalagay sa kanang wrist ko.

A-asaan na yun? H-hindi naman pwede na matanggal agad yun. Hindi naman pawisin yung wrist ko. Asaan na yun? Napatigil ako paghahanap nung tinawag ako ni Mr. Norman.

"Yung tungkol ba dito?", Napatingin ako sa kanya.

Hawak hawak niya yung band aid na binigay niya sa akin kanina. P-paano nangyari na napunta yun sa kanya?

"P-paano po napunta yan sa inyo eh... n-nasa kanang wrist ko yan eh.", Ngumiti siya.

"Tapos na. Natalo mo na si Sheena kaya tapos na yung misyon ng band aid na 'to.", Huh?

"Tapos na yung misyon ng band aid na yan? H-hindi ko po kayo maintindihan.", Tumayo si Mr. Norman.

"Diba sabi ko sayo... hindi pangkaraniwang band aid 'to? Actually, eto nga yung tumulong sayo kanina nung kinalaban mo si Sheena pero ngayon na natalo mo na siya kukunin ko na 'to.", Sabi na nga eh yan yung tumulong sa akin kanina para matalo ko si Sheena.

"Hindi po ba pwedeng hiramin ko ulit. M-may laban po kami ulit ni Sheena bukas. Sa pagkakataon po nun, kasama na yung mga kateammates namin. P-pwede ko po bang hiramin ulit yan?", Tumingin siya sa akin.

"Pwede namang mapasayo na 'to.", Talaga!?

"Talaga po?! Pero paano po mapapasaakin yan?", May inabot na isang papel sa akin si Mr. Norman.

Ano yan? Dahan-dahan kong hinawakan yun at tiningnan.

"P-para saan po 'to?", Lumapit sa akin si Mr. Norman.

"Isang contract. Ang kailangan mo lang gawin ay pirmahan yan tapos mapapasayo na yung band aid ko.", Sign... y-yun lang yung gagawin ko para mapasaakin yung band aid.

Binasa ko nang mabuti yung nakasulat sa kontrata. Pang habang buhay tong kontratang 'to. Edi... ibig sabihin nun habang buhay ko nang matatalo si Sheena! Astig! Sige pipirma na ako dito.

"Sige po Sir. Pipirma na po ako.", Nagulat ako nung biglang nahiwa yung balat nung isa sa mga daliri ko. Aray ko!

Lumabas yung dugo tapos tumulo doon sa kontrata. My goodness, n-nakasulat na yung pangalan ko! A-ang ibig sabihin ba nyan, nakapirma na ako?

[Contract Accepted] Ella.

"Good. Oh eto na yung band aid. Sayong-sayo na yan.", Nakangiting binigay sa akin ni Mr. Norman yung band aid.

"Maraming salamat po!", Pagkabigay niya sa akin agad kong nilagay yun sa kanang wrist ko ulit.

Ikaw na ang bahala sa laban namin bukas, band aid. Napatingin ulit ako kay Mr. Norman nung bigla niya akong tawagin.

Class 2 - 3 | Tagalog StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon