Jahz' POV.
Nagawa naming makaalis ni Izza sa social hall. Pag-alis namin dumiretso agad kami sa loob ng dressing room ni Lyn. Sana pagdating namin doon. Andoroon pa siya. Dali-dali kaming tumakbo papunta doon pero pagpasok namin sa loob. Napahinto kami sa pintuan nung makita namin na inaayos na yung mga gamit.
A-asaan na si Lyn? Ang nag-aayos ng mga gamit sa loob ay ang Music Teacher namin kaya agad akong nagtanong sa kanya.
"Ma'am?", Tumingin siya sa akin nung tinawag ko siya.
"Uy ikaw pala Jahz. Anong maitutulong ko sayo?", Sabay kami ni Izza lumapit sa kanya.
"Itatanong lang po namin kung nakita niyo po ba si Lyn?", Biglang nagtaka si Ma'am.
"Sino si Lyn?", Nanlaki yung mga mata ko nang dahil sa sagot niya.
H-hindi na niya naaalala si Lyn.
"Jahz. Pakinggan mo yung sinasabi ng mga estudyante sa labas.", Dahan-dahan akong lumapit kay Izza na nasa labas ng dressing room.
Ano ba ang sinasabi nila?
"Friend. Bat ba tayo pumunta sa social hall? May nagperform ba? Wala akong maalala.", Sabi nung isang estudyante sa kaibigan niya.
"Ako din wala akong maalala. Wala nga din maalala yung mga teachers kung bakit tayo nandito eh.", Sabi nung kaibigan.
Pagkatapos dahan-dahan na kming pumasok ni Izza sa loob ng dressing room. A-ang ibig sabihin ba nito. Nahuli nanaman ako? Niyuko ko yung ulo ko dahil parang biglang nakaramdam ako ng lungkot. Pagyuko ko nakakita ako ng isang plastic bottle.
Pinulot yun ni Izza. Tumingin ako sa kanya.
"K-kay Lyn 'to diba?", Hmm.
Tumango na lang ako. Hinawakan ko yung braso ni Izza. P-parang wala akong ganang maglakad. G-gusto ko nang bumalik sa classroom. Gusto kong magpahinga. P-para kasing ang daming nangyari ngayon. Napagod ako nang sobra sobra.
Madami ngang nangyari pero hindi ko pa rin nailigtas si Lyn.
"Izza. Bumalik na tayo sa classroom. Gusto ko nang magpahinga", Inakbayan ako ni Izza.
"Jahz. Ok ka lang ba?", Dahan-dahan akong tumingin sa kanya.
"Hmm. Kailangan ko lang magpahinga ngayon.", Pagkatapos sabay na kaming naglakad palabas ng dressing room para bumalik na sa classroom.
Pagdating namin sa classroom agad kaming pumasok ni Izza sa loob. Pagpasok na pagpasok naming dalawa. Nagulat ako nung biglang sumigaw si Britney. Ang kaklase kong babae na napakainggay at napakadaldal.
"Andito na si Class President! Hindi na tayo malulungkot pa. May magbabantay na sa atin!", Pasigaw na sinabi ni Britney. P-parang galit ka pa na nandito na ako.
Pinaupo na ako ni Izza sa upuan ko. Pag-upo ko inalukan niya ako ng tubig.
"Jahz. Uminom ka muna. Mukhang pagod na pagod ka nga.", Dahan-dahan kong kinuha yung tubig na inaalok sa akin ni Izza.
"S-salamat dito Izza ha.", Nginitian niya ako pagkatapos uminom na ako.
Pagkatapos kong uminom dahan-dahan kong hiniga yung ulo ko sa desk. Gusto ko talagang magpahinga. Pinikit ko yung mga mata ko para makatulog ako pero... si Britney ang ingay talaga.
"Guys! Nakikita niyo ba tong bola na 'to. Mawawala to in three... two... one! Tada!", Argh. Please tumigil ka na. Nagpapahinga ako dito oh.

BINABASA MO ANG
Class 2 - 3 | Tagalog Story
Misterio / SuspensoStarted : 03\31\16 "May hiwagang nangyayari sa Class 2 - 3." Isa-isa nating alamin ang mga misteryong nangyayari sa Class 2 - 3. By : hwangeunbb -inspired by the korean drama titled "Nightmare Teacher"-