Jahz' POV.
Pagkatapos naming kumain ni Izza sa canteen dumiretso agad kami papunta sa classroom namin. Pagdating namin doon agad kong hinahanap si Mika sa loob. B-bat wala siya dito? Napansin ko rin na ang lahat ng mga kaklase ko sa loob puro masasaya din.
Ano nanaman ba ang nangyayari dito? Kailangan talaga naming makita si Mika. Kailangan ko siyang tanungin tungkol sa nangyayari ngayon.
"Wala dito si Mika, Jahz.", Napaharap ako kay Izza.
"Kailangan natin siyang hanapin.", Pagkatapos agad kaming kumilos para hanapin si Mika.
Asaan ba siya ngayon?
Mika's POV.
Naglalakad lang ako ngayon sa corridor ng school tapos nakangiti kong pinagmamasdan yung paligid ko. Halos lahat talaga ng mga estudyante ng school masaya ngayong araw. Tama si Mr. Norman. Natulungan nga ako ng candy na binigay niya sa akin.
Paglingon ko sa likod ko bigla akong napahinto sa paglalakad nung may lumapit na dalawang estudyanteng babae sa akin. Ano naman kaya yung kailangan nila sa akin?
"Mika. Napag-alaman naming madami kang baong jokes parati. Pwede ka bang magsabi ng kahit isang jokes? Please.", Ah... ano bang pwedeng sabihing jokes sa dalawang 'to?
Ah... alam ko na. Feeling ko naman matatawa sila dito.
Jahz' POV.
Seryoso kaming naglalakad ni Izza. Kailangan talaga naming makita si Mika ngayon. Hindi na ako nagbibiro totoo na tong sinasabi ko. Sabay kaming napahinto sa paglalakad ni Izza nung bigla may humarang na tatlong estudyanteng babae sa harap namin.
"Excuse me lang. May kailangan lang kaming hanapin ngayon. Padaan muna.", Sinabi ko sa kanilang tatlo.
Nagtaka kami ni Izza nung bigla na lang tumawa yung tatlo. M-may nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Hahahah! Grabe yun na ba ang joke mo? Napakacorny naman.", Huh?
"Ikaw Izza may dala ka bang mga jokes jan?", Sabi nung isa kay Izza.
"Mga baliw. Hindi nagbibiro si Jahz. Tigilan niyo ang kaibigan ko ha.", Nagtaka ulit kaming dalawa. Nung tumawa nanaman silang tatlo.
Mga baliw na ata yung mga tao dito. Kailangan na talaga naming hanapin si Mika. Hindi na maganda yung nangyayari sa mga estudyante dito. Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko bigla si Mika na may kausap na dalawang estudyanteng babae.
Agad kong hinawakan yung kanang kamay ni Izza.
"Ayun si Mika. Halikana Izza puntahan na natin siya.", Nung maglalakad na sana kami palayo.
Hinarangan pa rin kami ng tatlo. Ano ba?!
"Wait hindi pa namin nasasabi yung mga jokes namin. Wag muna kayong umalis.", Ano ba yan?!
"Pwede ba may hinahabol kami ngayon. Wala kaming panahon para sa mga ganyan!", Galit na talaga ako.
Sabay kaming nagulat ni Izza nung biglang sumimangot yung mukha nung tatlong estudyanteng babae. A-ano ba ang nasabi kong masama?
"Hindi ka dapat nandito. Hindi ka marunong maging masaya. Kailangan kang paalisin dito!", Biglang hinawakan ni Izza yung kaliwang kamay ko.
Tapos hinatak niya ako palayo sa tatlong estudyanteng babae. Tumakbo kami nang tumakbo. Ano bang mali sa sinabi ko? Totoo namang wala ako sa mood para makipaglokohan eh. Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko na may iba na ding mga estudyanteng hinahabol kaming dalawa ni Izza.
BINABASA MO ANG
Class 2 - 3 | Tagalog Story
Mystery / ThrillerStarted : 03\31\16 "May hiwagang nangyayari sa Class 2 - 3." Isa-isa nating alamin ang mga misteryong nangyayari sa Class 2 - 3. By : hwangeunbb -inspired by the korean drama titled "Nightmare Teacher"-