Kabanata 5

27 1 2
                                    

Venus POV

Nagising ako sa sunod-sunod na katok at sigaw ng nanay ko sa labas ng pinto ng aking silid. Kinapa ko agad sa gilid ng aking higaan ang cellphone ko upang tingnan kung anong oras na, ala singko pa lang ng madaling araw. "Bakit kaya ang aga manggising ni nanay" humihigab ko pang naisip.

Kahit mabigat pa ang aking katawan dahil sa labis na antok ay agad akong bumangon upang pagbuksan ng pinto ang si nanay.

"Ayan na po!" Hiyaw ko pa habang papalapit sa pinto at nag iinat pa.

"Naku, bata ka, kung di ka pa gisingin ay 'di ka babangon" bungad sa akin ng nanay ko.

"Ang aga pa nay, bakit po ba?" Naghihigab ko pang sabi.

"Anong maaga pa, nakalimutan mo na ba na ngayon ang enrolment mo?" Pagkasabi ni nanay nito ay halos mapalundag ako sa pagkabigla.

"Oo nga pala!" Nasabi ko na lang sabay labas ng kwarto at nagmamadali ako pumanaog ng hagdan. "Nay, paki kuha na lang ako ng damit, maliligo na ko!" Huli kong sinabi at iniwan ko na si nanay sa harap ng kwarto ko.

Mabilis na mabilis ako gumayak. Kailangan ko magmadali dahil ayon kay kuya Vincent ay laging block buster ang mga pila sa BulSU tuwing ganitong enrolment. Kaya kahit 8am pa ang bukas ng admission office, registar at cashier ay kailangan makapila na ako. Kung hindi, naku, isang linggo ako sa proseso ng enrolment dahil sa haba ng pila. Ika nga, sa pila pa lang may forever na.

"Aalis na po ako nay." Paalam ko kay nanay habang sinusuklay ko pa aking buhok. Makapal at mahaba hanggang bewang ang aking buhok kaya't kung aayusin ko pa ito ay mamaya pa ako tiyak makakaalis. Dinala ko na lamang itong suklay upang sa tricycle na lang makapagsuklay bago ako sumakay ng jeep papunta sa university.

"Heto, ibaon mo na lamang itong agahan mo nang 'di ka gutumin sa pila. Naku ikaw talaga Venus! Panay kasi yang pagtetext mo kaya pati yan enrolment mo ay nawala sa utak mo." Sermon pa sa akin ni nanay habang binibigay sa akin ang baunan na may lamang almusal.

"Nasisi nanaman ang pagtetext ko." Naiiling na lamang ako sa naisip ko.

Si nanay sobrang allergic sa pagtetext ko. Ayaw na ayaw nya nakikitang hawak ko ang aking cellphone. Hindi ko naman sya masisisi kasi naman malakas talaga makaubos ng oras ang pagbababad sa cellphone. Maghapon lang ako nasa kwarto at hindi na halos nakakatulong sa mga gawaing bahay. Kung uutusan naman ako, sumusunod naman ako, kaso pagkatapos pa ng ilang minuto. Kasi nga hindi ko agad mabitawan ang cellphone ko. Kaya maswerte na rin ako dahil hindi ako binabalibag ng kaldero o nahahampas ng sandok ni nanay. Hay! Buhay bakasyon! Sana talaga ay pasukan na.

Tuwing may pasok sa paaralan ay hindi kami inoobliga ni nanay at tatay na gumawa ng mga gawaing bahay. Ika nila'y mas dapat namin bigyan ng prayoridad ang aming mga pag-aaral. Ayaw nila na may nakakahati sa oras ng aming pag-aaral. Kaya nga pati ang pagbo-boyfriend ay noong una'y tinutulan din nila. Pero nangako ako kay tatay at nanay na hindi masisira ahg pag-aaral ko dahil kay Topher, kaya naman napapayag ko sila sa kondisyon na dapat ay maging valedictorian ako.

Nag-aral ako maigi, sinuportahan naman ako ni Topher. Hindi nya ako inaabala sa mga panahon na kailangan ko magreview ng mga lessons lalo na kung may exam. Tinutulungan nya din ako sa ibang mga projects ko. Pumupunta sya sa bahay para tulungan akonat nakikita 'yon ng mga magulang ko. Dahil dito naging maluwag na ang pagtanggap nila sa relasyon namin ni Topher. Natutuwa sila kay Topher dahil hindi raw ito nagiging hadlang sa pag-aaral ko bagkus ay nakatutulong pa.

Kaso hindi ko pa rin natupad ang pangako ko kila nanay, hindi kasi ako ang naging valedictorian ng batch namin. Wala naman ako duda sa katalinuhan at talento ni Roxan na naging valedictorian namin. Kaya hindi rin naman gaano sumama ang loob ko ng maging salutatorian lamang ako. Ang ikinalulungkot ko ay ang katotohanang nabigo ko ang mga magulang ko.

Bez, i love you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon