Flashback
"Ma, this is Venus, girlfriend ko." Pagpapakilala ni Topher sa kasintahan. Nasa ika-apat na buwan na sila ng kanilang relasyon kaya't nagpasya na siya ipakilala ang girlfriend sa mama nya. Nasa Amerika ang papa nya dahil pinamamahalaan ang kanilang mga negosyo doon.
Binigay ni Venus ang kamay sa mama ni Topher upang magmano sana pero laking gulat nya ng hagkan siya nito.
"Welcome to our humble home, Venus" ang ganda ng mama ni Topher. Maputi rin ito tulad ni Topher. Hanggang bewang ang haba ng straight hair nito. Animo ay hindi ito sikwenta anyos dahil batang bata pa rin ang itsura nito.
"Thank you po tita" anya ni Venus.
"Naku Topher hindi mo naman sinabi na ang ganda ganda pala nitong girlfriend mo." Marahang pinisil pa nito ang mga pisngi ni Venus. "Nice meeting you hijah, ako ang mama ni Topher, Mama Aida na lang ang itawag mo sa akin ha." Nakangiting wika nito.
"Ah, sige po, nice meeting you rin po mama Aida." Nahihiyang sagot naman ni Venus. Sinulyapan niya si Topher na nasa tabi nya, nagtama ang kanilang mga mata at kapwa ngumiti.
Ang totoo ay sobra siyang kinakabahan bago pumunta sa bahay nila Topher. Matagal din bago siya napapayag nito na sumama sa bahay upang pormal na mapakilala sa nanay ng boyfriend. Hindi siya sanay sa ganitong set-up dahil first boyfriend nya si Topher. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maipapakilala siya ng lalaking minamahal nya sa pamilya nito. Magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman nya pero higit na namamayani ang kaba.
Aminado naman kasi siyang walang espesyal na bagay sa pagkatao nya, isang simpleng dalaga lamang sya na nagmula sa isang simpleng pamilya. Ang nanay nya ay simpleng maybahay samantalang ang kanyang tatay ay welder. May sarili silang talyer sa labas nang kanilang bahay. Bukod doon, wala na. Hindi gaya ni Topher na kahit papaano ay may kaya sa buhay.
Wala pang isang taon si Topher ay iniwan na sya ng kanyang mga magulang upang magtrabaho sa Amerika. Tanging ang lola Linda niya ang nag-alaga sa kanya habang nasa banyagang bansa ang kanyang mga magulang. Nang nasa Amerika, una ay naging domestic helper ang kanyang mama Aida samantalang manager naman sa isang maliit na restaurant ang kanyang papa Fred. Nagtulungan ang mag-asawa at pagkatapos nga ng sampung taon pagtitiis at pag-iipon ay nakapagpatayo sila ng sariling mini grocery store sa Amerika, karaniwang mga produktong pinoy ang mabibili rito kaya naman agad nag-click dahil na rin sa dami ng Pilipino na nandoon. Hindi naglaon, pagkatpos ng dalawang taon ay nakapagpatayo na rin sila ng dalawa pang branch ng grocery store sa iba pang lugar sa Amerika. Tumigil na sa pagiging DH ang mama ni Topher at inasikaso na lamang ang kanilang negosyo. Ang kanyang papa naman ay nagpasyang magpatayo rin ng isang filipino restaurant doon. Noong nakaraang taon ay naisakatuparan na nila ito, agad din ito naging sikat sa mga Pilipino doon dahil bukod sa puro filipino dishes ang inihahain dito ay patok na patok ang mala-bahay kubo na yari ng restaurant na isinunod sa pangalan ng nag-iisa nilang anak-TOPHER RESTAURANT.
Kung may maipagmamalaki man siya sa ibang tao ay iyon ay matalino siya lalo na ang kuya niya na si Vincent. Nasa ika-apat na taon na ito sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Civil Engineering. Siya naman ay nagtapos sa highschool bilang salutatorian. Kaya naman nagawaran siya bilang iskolar ng kanilang bayan na naging daan upang magkaroon siya ng pagkakataon makapasok sa kolehiyo. Sa totoo lang kasi ay hindi naman talaga kakayanin ng mga magulang nila na sabay silang pag-aralin sa kolehiyo kaya't laking pasasalamat niya sa scholarship na nakuha.
"Kumain ka muna Venus, anak." Si lola Linda iyon. Bakas sa mukha ng matanda ang napakabuting pagkatao nya. Tulad ni Topher ay may maganda itong mga mata na tila laging nangungusap. Maging ang pananalita nito ay napakalumanay, hindi nakakapagtaka na kaya naging mabait si Topher ay dahil ang matanda ang nagpalaki dito. Natitiyak ni Venus na binusog nito ng mabuting pag-uugali si Topher.
"Salamat po lola Linda pero mamaya na lang po siguro. Hihintayin ko muna po si Topher, may kinuha po yata sa garahe." Nakangiting sagot ni Venus sa matanda.
Tumango lamang ang matanda at iniwan na siya. Mag-isa na lamang siya sa sala dahil nasa kusina ang ibang miyembro ng kanilang pamilya. Dumating din kasi ang tito, tita at ilang pinsan ni Topher upang makilala siya. Hindi inaasahan ni Venus na ganito ka-big deal para sa pamilya ni Topher ang makilala sya at kailangan pa na pati ang iba nitong kamag-anak ay imbitahan.
Ilang sandali pa ay nilapitan siya ng mama ni Topher. Sinalubong pa nya ito ng ngiti subalit laking pagtataka nya na iba na ekspresyon ng mukha nito ngayon.
"Mama, may poblema po ba?" Buong pagtataka niyang tanong sa nasa harap na matanda.
Ngumisi lamang ito at tinaasan siya ng kilay. Umirap muna ito sa kanya saka nagsalita.
"Ang akala mo siguro ay gusto talaga kita para sa anak ko?" Malaki ang gulat ni Venus sa ipinapakitang pag-uugali ngayon ng mama ni Topher. Kanina lamang ay tila ito anghel na tanggap na tanggap siya sa paraiso subalit ngayon ay nagbago ito at nagpalit anyo bilang lobo na handa siya sagpangin anumang oras. Kay tatalim ng mga tingin na pinupukol nito sa kanya, tila ba sa isipan nito'y nilalamon na siya ng buhay.
"A-ano po ba ibig nyo sabihin?" May halong takot at pagkagulat na tanong ni Venus.
Muli pa'y ngumisi muna ang matanda bago nagsalita. "Hindi kita gusto sa anak ko, 'yon ang ibig ko sabihin". Dinuro duro pa nito si Venus na halos mangiyak ngiyak na.
Kahit naiiyak na sa takot ay nakuha pa rin tumugon ni Venus sa tinuran ng ina ng kasintahan. "Pero kanina lamang po ay ni-welcome nyo pa ako? Ano po dahilan at nagbago agad ang isip nyo?" aniya.
"So, naniwala ka naman? Oh my goodness Venus, matalino ka lang sa academic pero kulang pa ang kaalaman mo pagdating sa pagkatao ng mga taong nasa paligid mo. Don't you know that I am such a big fake here." Natatawang wika ng matanda. "Pwede na pala ako bigyan ng best actress award dahil napaniwala kita na tanggap kita sa pamamahay ko!" Muli ay dinuro nito si Venus. "Itatak mo ito sa kokote mo babae ka, ayoko sa'yo para sa anak ko. Kaya't kung ayaw mo maging impyerno 'yang buhay mo ay mabuti pa ngayon pa lang humanap ka na ng iba."
Tuluyan nang bumuhos ang luha ni Venus. Nag-uunahan ang mga ito sa pagpatak. Nais pa sana niya magsalita at tanungin ang mama ni Topher kung bakit agad agad ay inayawan na siya nito subalit sa tuwing susubukan niya ibuka ang bibig ay hikbi lamang ang lumalabas dito.
"How pity you are my darling" hinaplos ng matanda ang pisngi ni Venus, marahan nitong pinunasan ang luha ni Venus gamit ang sariling kamay. Ngayon ay nakahawak na ito sa dalawang pisngi nito na tila inihaharap talaga sakanya ng husto ang kausap. "Iayos mo yan sarili mo, ayoko malalaman ni Topher na nagkausap tayo. My son is so precious, hindi mo alam kung gaanong hirap ang tiniis ko sa ibang bansa para lamang mabigyan sya ng magandang buhay. I couldn't imagine na sa kagaya mo lamang sya mapupunta. Kaya't kung ako sa'yo hijah, back off! Nagkakaintindihan ba tayo?" May mataray na tingin muli itong binato sa kanya.
Tumango na lamang sya bilang tugon. Saka lamang sya tinigilan ng matanda. Iniwanan siya nito sa sala na hinang hina ang mga tuhod. Napaupo na lamang siya sa isang malapit na couch. Napahawak na lamang ang dalawa niyang kamay sa kanyang bibig upang mapigilan ang mga nagbabadyang kumawalang mga hikbi.
This is too much. In her age of 16, hindi niya akalain magiging tila pang-Telenovela sa telebisyon ang first attempt nya na magboyfriend.
Bigla naman dumating si Topher na may masiglang ngiti.
Habang papalapit sa kanya ang binata ay napaisip sya, itutuloy pa ba nya ang relasyon nila? Ngayon pa lamang nga sila nagsisimula pero eto sya at nagbabalak nang itigil. Totoong nasindak talaga sya sa mga pananakot at pagbabanta ng mama ni Topher. Pero ano nga ba aasahan natin sa murang edad at baguhan pa lamang sa mga ganitong pangyayari.
Takot. Iyan lamang ang namamayani ngayon sa buong sistema ni Venus. Isang matinding takot.
End of flashback
BINABASA MO ANG
Bez, i love you!
Ficção AdolescenteIto ang kauna-unahang kwentong isinulat ko dito sa wattpad. Maraming editting na rin ito napagdaan, minsan naisip ko na rin i-delete na lamang ito pero salamat sa mga motibasyon ng mga kaibigan ay na-inspire ako iayos at tapusin ito. Maraming salama...