Kabanata 3

28 1 0
                                    

Venus POV

Pasado alas syete na nang ihatid ako ni John sa bahay. Sa labas lamang ng gate ako nagpahatid sa kanya, gusto pa nga sana niyang pumasok sa loob ng bahay para daw makilala nya si Nanay at Tatay pero tumanggi ako. Ang sabi ko ay saka na lang dahil pagod na ako at gusto ko nang magpahinga. Hindi naman sya nangulit pa at umalis na sakay ng kanyang motorbike.

Pagpasok ko ng bahay ay inabutan ko si tatay at nanay na nanunuod ng tv sa sala. Nagmano ako at nagpaalam na papanik muna sa kwarto ko para makapagpalit ng damit.

"Oo nga pala, tumawag si Topher kanina." Sabi ni nanay bago pa ako makapanik ng hagdan.

Tila naman ako nabuhusan ng malamig na tubig at nataranta sa tinuran ni nanay. Naalala ko na nagsinungaling ako kanina kay Topher at sinabing inutusan ako ni nanay kanina kaya ako nasa bayan.

"Ano po sabi?" Natatarantang tanung ko na medyo naglakad pa pabalik sa kinauupuan nila nanay.

"Wala naman, nangamusta lang." Simpleng tugon lang ni nanay at binalik na ang atensyon sa pinapanuod habang si tatay ay wala naman imik.

Hindi na ako nagtanung pa ulit kay nanay dahil mukang wala naman nga itong ibang nasabi kay Topher. Sabagay kung nalaman nito na nagsinungaling ako ay tiyak tatawag na yun sa akin upang kumpirmahin.

Habang papanik ng hagdan ay binisita ko ang cellphone ko nasa loob ng aking pouch. May ilan mga messages doon na galing marahil sa mga miyembro ng text clan. May message din dun si Topher pero mas naexcite ako nang makitang may message rin doon si John.

Thank you for this day. See you again Venus. Agad ko binasa ang message ni John at halos magtitili ako nang makapasok na sa sariling kwarto.

Ok. Salamat din. Nakauwi ka na ba? Reply ko sa kanya habang abot tenga ang aking ngiti.

Subalit napawi rin ang ngiti ko ng nagrehistro ang isang tawag sa aking telepono. Si Topher.

"Uhm, hello." Matabang kong bati.

"Hi Venus, nakauwi ka na ba?" Just exactly what I asked to John. Napabuntong hininga na lamang ako bago sumagot.

"Oo, kanina pa." Pagsisinungaling ko nanaman. Napapansin ko na napapadalas na pagsisinungaling ko. Hindi ito maganda. Hindi ko gusto na ganito ako.

Nag-usap lang kami ni Topher habang nakahiga ako sa kama. Nagkwento lang sya sa mga araw-araw na gawain nya dun sa workplace nya. Maayos naman daw sya doon kaya lang ay masyadong maraming gawain kaya napakadalang niya ako itext o tawagan. Kung nagtetext naman daw o tumatawag ako ay hindi nya agad napapansin dahil laging nasa locker ang cellphone nya. Mahigpit daw kasi ang boss nya kaya kailangan mag-ingat at magsipag sa pagtatrabaho. Day off lang daw nya ngayon kaya nya ako natatawagan pero kung may pasok raw sya ay napaka labo nyang magawa na matawagan ako kasi lagi silang may OT sa trabaho. Pag umuuwi naman sya sa tinutuluyan na apartment ay nagluluto pa sya ng sariling hapunan at kung minsan ay naglalaba pa ng mga damit. Ang sabi ko nga sa kanya ay dapat nagpapalaba na lamang sya o dinadala sa laundry shop ang mga labahin nya pero tumanggi sya at ang sabi ay sayang lang daw ang ibabayad nya doon. Itatabi na lamang daw nya ang perang ibabayad nya doon para pandagdag sa ipon nya.

Napaisip na lamang ako. Napakabuting tao talaga ni Topher. Alam ko kaya niya ginagawa lahat ng ito ay para matulungan ang lola nya na nagpalaki sa kanya. Sa kaibuturan ng puso ko ay nakaramdam ako ng guilt feelings. Sobrang unfair ng ideyang matagal ng tumatakbo sa utak ko. Gusto ko na syang iwan. Gusto ko na makipagbreak.

Oo, matagal ko na sya gustong iwan. Hindi ko lang magawa dahil mahal ko sya.

Parang tanga lang nuh? Mahal ko naman pala tapos gusto kong iwan.

Sa totoo lang ay wala naman talaga sa kanya ang poblema, nasa akin. Hindi ko kasi kayang ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya lalo't mama nya ang kalaban ko. Sino ba naman ako di ba? Girlfriend lang ako, nanay nya yun. At sa maraming pagkakataon ay naramdaman ko ang agwat ng pagpapahalaga nya sa nanay nya at sa akin.

Ilan beses na nga ba akong naetchapwera dahil sa mga pakulo ng mama nya na kating kati na paghiwalayin kaming dalawa.

Yes, she's good to me. At iyon ay pagkaharap lang si Topher, only child kasi ito at sobrang mahal ng mama nya lalo na ng papa nya na nasa Amerika. Kaya kahit ayaw nya sa akin para sa anak nya ay hindi niya maipakita ng hayagan kay Topher. Alam ko ayaw nyang magalit ang nag-iisang anak nya sa kanya kaya naman pwede na sya bigyan ng best actress award sa sobrang kaplastikan. Tila sya anghel 'pag kaharap ang anak pero nagbabagong anyo bilang dyablo kung wala na si Topher sa paligid.

May langit akong narating sa piling ni Topher pero kapag nasa eksena na ang kanyang mama, wala na, impyerno na.

Bez, i love you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon