Panimula

76 2 0
                                    

I am unloved, 17yrs old, bulacan. How 'bout you?. Message  sent.

Ganito lang ang araw-araw na buhay ni Venus, ubusin ang maghapon sa pakikipag text. Sobrang boring ng bakasyon niya at pinapanalangin na lamang niyang sana ay magpasukan na. Kakagraduate lamang nya nang highschool kaya't sa pasukan ay college na sya. Pasado sya sa entrance exam ng Bulacan State University kaya doon na nga siya mag-aaral ng kolehiyo. Matalino naman kasi talaga sya, yun lamang ay may katamaran taglay. Kagaya ngayon, maghapon na siya sa kwarto, ala singko na ng hapon ay nakahilata pa rin sya at di pa naliligo. Bumangon lamang siya kanina para kumain ng tanghalian pagkatapos ay bumalik na rin sa kwarto para magtext.

Ako si panget, 18yrs old, bulacan din. May bf ka na? Isang message ang nareceive nya mula sa bago niyang textmate. Kasali siya sa isang text clan kaya naman kung sinu-sino na lamang ang nakakatext niya. Alam niyang delikado ang ganitong bagay kasi maaaring masamang tao na pala ang katext niya. Kaya naman hindi agad siya nakikipag meet sa sinuman nakakatext niya. Nasisiyahan na sya na may nakakatext siya, nakakausap, nakakautuan at nakakabolahan sa araw-araw.

Oo may bf ako pero LDR kami. Reply nya sa bagong textmate na may codename na panget habang siya ay unloved ang gamit na code. At oo, may bf nga sya, si Topher, nasa Rizal ito para magtabaho. 4th year highschool si Venus nang maging sila. Mas matanda ito ng tatlong taon sa kanya. Hindi nya ito kaklase o kabatch, pinakilala lamang ito sa kanya ng kanyang kaibigan na si Marjie. Magpinsan si Topher at Marjie.

May bf ka pala eh bakit "unloved" ang codename mo? Reply ulit ni panget. Masyadong emo si Venus. Maramdamin, iyakin, madrama. Kaya naman nang kinailangan pumunta ni Topher sa Rizal para doon magtrabaho ay sobra siyang nalungkot. Paano ba naman kasi ay nasanay siyang lagi silang magkasamang dalawa. Ang hirap para sa kanya na mag-adjust sa ganoon set-up ng relasyon lalo na't tuwing ika-apat na buwan pa pwedeng umuwi si Topher.

Hindi naman kasi nya ako mahal, mas mahal nya trabaho nya. Yan ang nakatatak sa utak nya na dahil pinili ni Topher ang trabaho na malayo sa kanya ay pakiramdam nya hindi na sya mahal nito. Kung tutuusin ay napakababaw na dahilan nito para maisip na hindi siya mahal pero masisisi ba natin sya kung isang taon din puro si Topher ang nakakausap nya. Wala siya masyadong kaibigan. Sa totoo lang ay hindi niya ugali magkwento ng buhay nya sa ibang tao kaya't pag may poblema siya ay sinasarili na lamanh niya. Malungkutin siya at mapag-isa idagdag pa nga na masyado syang emo pero nagbago lahat iyo nang mahing sila ni Topher. Si Topher ang naging sandalan nya, natuto siyang mag open ng poblema dito. Pakiramdam niya ay lagi siyang may kakampi dahil nadyan lamang lagi si Topher. Pero hindi na ngayon. Malayo na sya.

Pero kayo pa? Tanung yan ni Panget pero parang tanong na rin nya yan sa kanyang sarili. "Kami pa nga ba?" Nang grumadweyt si Venus ay nagpaalam na si Topher na magtrabaho sa Rizal, wala naman siya magagawa. Hindi rin naman nya pwede pigilan ito dahil magiging unfair sya dito. Noong una ay madalas pa sila magkatext at magkatawagan sa telepono ni Topher pero habang nagdadaan ang mga araw ay padalang na ng padalang ang mga text nito. Minsan ay hindi na rin ito nagrereply sa mga text ni Venus. Kung tinatawagan naman niya ito ay hindi rin sumasagot. At ngayon nga ay mag iisang buwan na siyang walang balita mula dito. Kaya nga nagdesisyon na rin sya sumali sa text clan para naman may nakakatext sya, nakakausap, nakakautuan at nakakabolahan.

Oo yata. Simpleng tugon nya at sa wakas ay nalowbat na ang cellphone nya. Noon pa lamang nya napagdesisyunan maligo na habang nakacharge ang kanyang cellphone.

Bez, i love you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon