Kabanata 2

40 1 0
                                    

Niyaya mo akong mamasyal sa zoo,
Ang sabi mo kasi
Kelangan mo ng kasama.
Sumama naman ako kasi crush kita noon pa.
Kung sabagay gusto ko na rin magka-alam mo na...

Pagkatapos kumain tayo sa labas.
Kinuwento mo,
Ang iyong nakaraan, ang iyong nakaraan.
Iniwanan ka na pala ng iyong girlfriend,
Kasi ayaw nya,
Sa bagong mong buhok.

Mahal ka ba nya, talaga?
Mahal ka ba nya, talaga?

"Mahal ba nya talaga ako?" Nasa isip ni Venus pagkatapos nyang kumanta. Nakapikit siya habang nag iisip ng malalim ng sumigaw si John.

"Woah! Ang galing mo Venus." Buong galak nyang sabi na pumapalakpak pa.

Nagdilat siya ng mata at nginitian na lamang ang kasama. Naalala niya si Topher pag ganitong kumakanta siya. Laging sinasabi nito na siya ang no.1 fan nya.

Kung tutuusin ay wala naman poblema kay Topher. Mabait ito, masipag, maunawain at mapagmahal. Sa loob ng isang taon relasyon nila ay wala naman naging poblema si Venus dito. Naging mabuti itong boyfriend sa kanya. Sa mga pagkakataon na kailangan nya ng masasandalan dala ng iba't ibang poblema ay laging nariyan si Topher para alalayan siya. Ni minsan ay hindi rin nito nasaktan ang damdamin nya. Loyal si Topher at kahit pa nagkalayo sila ay wala siyang naging poblema kung may third party ito.

Ang tanging bagay o mas magandang sabihin ay tanging tao na nagpapalabnaw ng kanilang solidong relasyon ay ang mama ni Topher. Hindi kasi kagandahan ang ugaling pinapakita nito kay Venus.

"Bakit ang tahimik mo?" Noon lamang niya naalala na kasama nga pala nya si John. "Para sa kanya ba yan kinanta mo?" tanung pa nito sa kanya.

"Pasensya ka na. Ganito lang talaga ako pagkumakanta, naaalala ko ang iba't ibang pangyayari sa buhay ko." Napabuntong hininga na lamang siya.

"Alam mo kasi John, para sa akin ang mga paborito natin mga kanta ay repleksyon ng pangkasalukuyan kalalagayan ng ating buhay. Yung mga lyrics ng kanta ay salamin ng bawat masasaya o malulungkot na bahagi ng buhay natin." Pagkasabi nya nito ay sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa.

"Alam mo tama ka" si John ang bumasag ng namamayaning katahimikan. "Kasi sa twing nag-gigitara ako ay naiisip ko rin ang iba't ibang pangyayari sa buhay ko. Yun lamang ay hindi ako kasing galing mo kumanta" nakangiti nanaman sya na nagpagaan naman ng nagsisimula ng bumigat na kalooban ni Venus.

Pinili nyang iisang tabi muna ang mga bagay na tungkol kay Topher at sa mama nito. Napagdesisyunan niyang pagtuunan ng pansin ang kasama dahil mukang makakagaanan naman niya ng loob ito base sa pakikitungo nito sa kanya ngayon. Naisip niyang mukang mabuting tao naman itong si John kaya't naging panatag na siya makipagkwentuhan dito. In the first place, ito naman talaga ang purpose ng pagkikita nila, upang magkapalagayan sila ng loob sa personal at hindi lamang sila sa text nag-uusap.

Sa mga panahon kasi na ito ay kailangan nya talaga si Topher pero dahil wala ito ay laking pasasalamat niyang may John na dumating sa buhay nya.

"Talaga? Marunong ka mag gitara? Ay galing." Masigla na lamang siyang nakipagkwentuhan kay John at umaasa na isang mabuting kaibigan ang nasa harap nya ngayun.

Bez, i love you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon