Hindi talaga ugali ni Venus ang makipag-meet sa kanyang mga katextmate dahil batid niya ang panganib na maaaring idulot nito sa kanya. Subalit sa anuman kadahilanan ay hindi rin niya alam kung paano siya napapayag ni panget na makipagkita dito.
Venus POV
Mag-aalas tres na pero nandito pa rin ako sa harap ng salamin at panay ang ayos. Nakakatawa lang isipin na ilang oras na rin ako dito pero wala pa rin nagbabago sa itsura ko. Asa pa ako di ba. Panay na rin ang text ni Panget sa akin, panay ang tanung nasaan na ako. Ngayon kasi kami magkikita. May halong takot ang excitement na nararamdaman ko. Sa totoo lang ay ayoko talaga ang ideya na ito pero sobrang curious kasi ako kung anu ba talaga itsura ng panget na ito. Naniniwala ako na opposite ng codename nyang panget ang itsura nya in person. I hope so.
"Nay, aalis muna po ako" paalam ko sa nanay ko na nanunuod ng tv sa sala.
"Saan ka pupunta?" balik na tanung naman nya.
"Sa bayan lang po, magkikita kami ng kaibigan ko." sagot ko naman.
Pumayag naman si Nanay at tuluyan na ako umalis. Nakasuot ako ng simpleng black shirt na may print ng paborito kong banda, Paramore, black skinny jeans at high-cut black converse shoes. Obviously, mahilig ako sa black. This is my usual outfit, trasher or rakista ang datingan.
Sumakay ako sa tricycle at nagpunta sa bayan kung saan namin napag usapan magkikita ni panget. Habang nasa byahe ay nasurpresa ako sa nagrehistrong tawag sa aking cellphone. Si Topher. "Aba't himala!" anya ko sa isip ko. Hindi ko muna ito sinagot at hinayaan maubos ang tawag hanggang maging misscall na ito.
Pababa na ako ng tricycle nang muling tumawag si Topher. Humanap muna ako ng tahimik na lugar bago ko sinagot ang tawag nya.
"Uhm, hello" bungad ko. Walang gana at mababakas ang walang kasabikan sa boses ko.
"Venus!" masayang bati nya. Kung hindi lang siguro ako nagtatampo sa kanya ay nadala na ako ng masiglang boses nya. Nakikita ko ang magandang ngiti sa kanyang labi ngayon na kausap nya ko.
"Oh, Topher kamusta? Bute napatawag ka." Nag-aalangan sabi ko. Hindi ako sigurado kung tama o mali ba ang sinabi ko. Pero yun na agad naisip ko kaya yun na rin nasabi ko.
Mukang di naman sya nadismaya sa sinabi ko at agad sya sumagot. "Miss na kasi kita."
"Miss nya ako? Bakit 'di ko ramdam." Bulong ko sa sarili ko. Nanatili ako walang imik kaya nagsalita siya muli.
"Venus, sabi ko miss kita" pag-uulit nya.
"Ah, eh. I miss you too Pher." Actually wala sa kanya ang atensyon ko. Palingap lingap ako sa paligid at nagbabakasakali na isa sa mga tao sa paligid ay si Panget.
"Uhm mukang busy ka. Anu ba ginagawa mo?" May pagtatampo ang tinig nya.
"Wala naman, nandito kasi ako sa bayan. Nautusan ako ni Nanay, may pinabili lang" pagsisinungaling ko.
"Ah ganun ba, sige mamaya na lang ulit ako tatawag pag-uwi mo. Tatawag muna rin ako kila mama sa bahay." At tila ako nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig kong banggitin nya ang kanyang mama.
"Ang mama niyang matapobre, hayst!" napopoot kong nasa isip.
"Okey sige." iyan lamang nasagot ko at nag-end call na.
Napabuntong hiniga na lamang ako nang maisip ko si Topher at ang mama nya.
Nasa kalaliman ako ng aking pag-iisip ng may kumalabit sa aking likod. Nagulat ako at agad hinarap kung sino ito. Naestatwa na lamang ako nang makita ang isang gwapong lalaki sa aking harapan. Matangkad ito at maputi, may kapayatan pero sakto lang naman tingnan. Maganda ang mga mata niya na kulay brown. Naghuhumiyaw din ang kanyang kissable lips na mamula mula at bumagay sa kanyang maputing complexion.
BINABASA MO ANG
Bez, i love you!
Teen FictionIto ang kauna-unahang kwentong isinulat ko dito sa wattpad. Maraming editting na rin ito napagdaan, minsan naisip ko na rin i-delete na lamang ito pero salamat sa mga motibasyon ng mga kaibigan ay na-inspire ako iayos at tapusin ito. Maraming salama...