Kabanata 6

15 0 0
                                    

Venus POV

Hinayaan ko na lang si "Mr. Gentleman pero suplado", naisip ko kasi na baka kaya hindi sya kumibo kanina nang magpasalamat ako ay dahil mahigpit ang bilin ng nanay nya na "don't to talk to strangers specially to a beautiful lady like Venus". "Chos!"

Hindi naman kasi talaga ako kagandahan pero hindi rin naman ako pangit. Sabi ng tatay ko kapag may nagsabi raw na pangit ang anak nya papa-salvage raw nya. Kaya naniniwala ako na hindi ako pangit kasi walang nagtatangkang magsabi na pangit ako.

Hindi rin naman ako katangkaran, nasa 5'4" lang ang height ko. May slim na body figure ako at kaayusan laki ng dibdib. Meaning to say, hindi ako kasali sa tatlong bibe na kumakanta ng "flat, flat, flat".

May morenang kutis ako, unlike my boyfriend Topher na mistiso. Ako yun tipong kapag nainitan ng araw ay imbis na mamula ay lalong nangingitim. Kaya hindi kami close ni Sunshine, di ko sya friend. Mas gugustuhin ko pa na lagi ako nasa loob ng bahay kesa mag-gagala. Katwiran ko ay lalo ako iitim pero ang banat naman nila ay wala naman daw magbabago pa. Tanggapin ko na raw ang masakit na katotohanan. Isinilang akong morena at mamamatay na akong morena. "Eh deh wow, di ba?"

Si Mr. Gentleman kaya may pag-asa pang pumuti? I mean kahit konti, very very light lang naman. Kasi parang toasted pandesal ang kulay nya. Pero hindi naman nya ikinapangit yun, infact, I find it hot. Sa sobrang hot nga nya ay nasunog na sya. "Lol"

"Shemay! Mga naiisip mo Venus!" saway ko sa sarili ko na nagsisimula ng lumandi.

Kaya bago pa man magising ang mga malalanding cells ng aking katawan ay pinigilan ko na ang sarili ko sa kakaisip kay Mr. Gentleman. Nagpasya ako na pagtuunan ng pansin ang talagang sinadya ko dito sa Bulacan State University - ang mag-enrol.

Ang Bulacan State University ay kilalang unibersidad hindi lamang dito sa Bulacan kundi sa iba't ibang lugar sa bansa at maging internasyonal. Ang unibersidad na ito ay sikat sa pagkakaroon ng mga mahuhusay na graduates sa iba't ibang kurso pero ayon sa marami ang talagang nagpa-angat sa kalidad ng unibersidad ay ang mataas na antas ng kahusayan ng mga engineers at teachers na nagmula dito.

Papasok na ako ngayon ng main gate ng BulSU at mula dito ay kitang kita ang malawak na Covered Activity Center, dito marahil ginagawa ang mga Physical Education Activity. Maraming bleachers sa paligid. May park din na katabi ito. Sa gitna ng park ay kapansin pansin ang rebulto ni Gat. Jose Rizal. Ito na siguro ang sinasabi ng kuya Vincent ko na Rizal Park sa loob ng BulSU. Sa gilid ng park ay matatanaw ang dalawang puting building. May malaking pangalan ang bawat building. Ang isa ay may nakalagay na College of Law samantalang College of Nursing naman ang isa.

At mula sa paglilibot ng aking mata ay natanaw ko rin ang isang mahabang pila ng mga kabataan. "Seryoso, ganito na agad kahaba?" Sabi ko sa sarili ko na may pagkabigla.

Lumapit ako sa unahan ng pila at tinanong ang isang guard na naroon.
"Good morning po sir, para saan po ang pila na 'to?" Tanong ko.

"Mga freshman yan, mag-eenrol ka ba?" Anya ng guard.

"Ah opo, first year din po ako." Sagot ko naman.

"Ganun ba, eh dito ka rin pipila. Admission office ito. May ibibigay sa inyong form dyan." Sabi ni manong guard. "Hala, dito talaga? Grabe alas sais pa lang ay ganito na kahaba ang pila?" Naisip ko na lang habang tinatanaw ang dulo ng pila na malapit na sa building ng college of nursing.

Binigyan pa ako ng ilang instructions ni manong guard kung paank ang proseso ng enrolment, ang mga kailangan ko at kung saan opisina ako pupunta. At dahil hindi ko alam saan makkkita ang mga opisina na ito ay binigay niya sa akin ang mga direksyon papunta sa mga ito. Napakabait ni manong, paano na lamang ang mga katulad kong freshman na walang alam sa proseso ng enrolment kung wala ang mga kagaya ni manong guard na handa kami i-assist. Blessings in disguise ang mga tulad nya. Nagpasalamat ako sa kanya at pumunta na sa dulo ng pila upang maghintay ng alas otso kung kelan magbubukas ang admission office.

Bez, i love you!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon