Gusto ko lang siyan idedicate kay Champs Rona :)) Tag sipag eh XD
JUSTIN'S POV
Kakalabas lang namin ng Winter funland ngayon. Nasan na kaya sila Cassie? Bigla nalang nawala eh. Eto naman kasing si Xander subrang drama! Pero infairness ah. Pumatok yung gimik niya. Hahaha. Pero. . Gimik pa nga kaya yun?
"Oy Ash, nasan na sila Cassie?" tanong ni Ethan kay Ashley na ngayon ay nag babasa ng mga text messages.
"Nauna na sila umuwi. Mataas daw lagnat ni Xander eh." sagot naman ni Ashley.
"Ah, Sige. Yaan na natin sila. hahaha. San na next destination natin?" tanong ulit ni Ethan.
"Horror house na!" sigaw naman ni Clein.
"Eh! Ayoko dun. Bahala kayo mag horror house jan!" bigla namang sabi ni Sophia.
Teka. Takot siya sa horror house? Parang imposible naman ata yun!
"Oo, Justin. Takot si Sophia sa horror house. Parehas sila ni Cassie. Kaya nga kanina grabe sila maka-apela eh." sagot ni Megan sakin. Eh?!! Di ko naman siya tinanong ah?
"Teka. Pano mo nalaman na yun ang iniisip ko?" tanong ko sakanya.
"Halata kasi sa mukha mo na nagulat ka eh." sagot niya naman.
"Ah, eh ikaw? Matatakutin ka din?" pag uusisa ko.
"Hindi naman. Sapat lang." sagot niya.
Yes!! Makakaganti na ko sayo. Hahaha. Papakita ko sayo na hindi ako matatakutin! Napahiya lang talaga ko kanina dahil mali yung timing ko. >____<
Malapit na kami sa horror house pero si Sophia ayaw talaga sumama sa loob. Hihintayin nalang daw niya kami dito sa labas. Siyempre di naman papayag si Clein na si Sophia lang papaiwan kaya sasamahan niya daw si Sophia. Hahahaha! I can feel that love is in the air!! ^o^
"Sure ka bro? Ikaw Phia? Sama na kasi kayo sa loob." sabi ni Ethan sakanila.
"Sure ako. Ok pa kung mga kamukha mo lang yung mananakot eh. sanay na kasi ako sa mukha mo kaya di na nakakatakot. Kaso hindi eh! Kaya ayokong sumama." pang aasar na sabi ni Sophia kay Ethan.
"Grabe ka naman Sophia! Hahaha. Sige, sa halloween alam ko na dapat kong gawin. Hahahahahaha!" sabi ni Ethan.
Si Clein naman tiningnan lang si Ethan. Yung tingin na kung kutsilyo lang eh kanina pa natadtad si Ethan dahil sa sobrang talas. Hahaha.
"Joke lang Clein! Alam niyo namang mahal ko kayong dalawa eh. kaya nga di ko na kayo pipilitin. Hehehe." bawi niya.
"Good." tipid na sagot ni Clein.
"Oy! Awat! Pasok na tayo para makauwi tayo maaga. lapit na mag 12 oh." sita ni Ashley.
"Sige. Sige." sabi naman ni Ethan.
"Ingat sa loob ha? Enjoy! Hahaha." pang aasar naman ni Clein samin bago kami pumasok sa loob.
Bwiset din yun eh nu? Kinakabahan na nga ako eh.
Tiningnan ko si Megan, halata sa mukha niya na medyo natatakot siya. Nung una nauuna pa sakin si Megan.
*BOOOOM! BWAHAHAHAHAHA!*
Biglang may lumabas na bungong nakasabit tas may tawa pa. Kaya napatili si Megan at kumapit sa braso ko.
"Justin. . ." bulong ni Megan sakin.
BINABASA MO ANG
Sh*t!! im inlove!!
CintaDalawang taong.... Kung ituring ang pag ibig ay laro-laro lang, Mapagbago kaya sila ng isang laro lang din?? Kung ang unang magmahal ng totoo Ay siya ring masasaktan ng husto?? ituloy pa kaya nila ang nararamdamang tunay at totoo kung pareho silang...
