LSI - Chapter 1

3.3K 85 0
                                    

It's been 3mos since they've planned to have this vacation somewhere in Bohol..

Nasa airport na ang magkakaibigang Jade & David, Paul & Sally, Abby & Lester, Gab & Pearl..

"Ma, wag ka ng umiyak.. As if it was my first time na magbakasyon? I'll be fine ma. Kasama ko naman si David eh to take good care of me. Ok? I love you!" Si Jade sabay yakap sa umiiyak na ina.

"I know Jade pero alam mo naman ikaw nalang meron ako simula nung iniwan na tayo ng daddy mo kaya di ko mapigiling hindi mag-alala everytime napapalayo ka sakin." Sagot naman ng mama ni Jade na umiiyak pa rin.

"I understand ma.. Don't worry I'll go back home safe and tatawag ako madalas habang nandun pa kami." Pagpapatahan pa rin ni Jade.

"Yes tita I assure you Jade's safety.." Sabat naman ni David at tuluyan na silang nagpaalam. Tanging ang mama lang ni Jade ang naghatid sa airport at ang iba sa kanila ay nagpahatid lang sa mga driver.

"Bye ma.." Huling kaway ni Jade sabay nagflying kiss bago naglaho sa paningin ng ina.

It takes an hour before the plane safely landed at Bohol International airport.

"So we're finally here! I can't wait to explore the island that they are talking about!" Si Sally na naka-open wide sa mga braso niya. At sumang-ayon naman ang iba na nag-unahan pa na parang mga bata sa pagsakay sa shuttle bus.

Magkatabi ng upo ang mga magpartner.

"Are you ok Jade?" Tanong ni David ng mapansing parang balisa ang mukha ni Jade.

"Yah I'm fine David.. Pagdating nalang natin sa resort saka ko tatawagan si mama. Medyo sumakit kasi ang ulo ko." Sagot ni Jade.

"Ok mabuti pa nga at umidlip ka muna saglit habang nasa byahe." Sabay pinasandal ni David ang ulo ni Jade sa balikat niya at sumandal naman ito.

It takes another hour when they finally arrived at one of the resort in Bohol.

"Tamang-tama ang place.. Walang masyadong tao kaya I'm sure mas mag-eenjoy tayo!" tugon ni Gab pagkababa nila ng bus at nakapilyong tingin pa kay Pearl.

"Hoy Gab.. tigilan mo 'ko ha! Let's go inside nah." Agad naman binara ni Pearl.

May mga staff ng resort ang nagwelcome sa kanila at hinatid sa kanya2 nilang pina reserved na rooms.

Magkakasama sina Sally, Jade, Abby and Pearl sa isang room at ganoon din ang mga lalaki.

Mabilis lumipas ang oras.. 7pm na ng magising si Jade. Paglingon niya sa katabi na si Sally at sa kabaling kama, tulog pa ang mga ito. Bumangon siya at nag-ayos ng sarili sa banyo.

"Gising na kaya sina David?" Sa isip niya.

Paglabas niya ng banyo nagpalit siya ng damit. Pagkatapos naupo siya ng kama.

"Ang sarap naman ng tulog ng mga 'to.. Lalabas nlng muna ako baka gising na sila pagbalik ko." Tugon niya sa sarili.

Pagbukas niya ng pinto para lumabas, sumalubong sa kanya ang malamig na hangin. Nakakabingi ang katahimikan sa paligid. Nagpalingon2 siya pero wala siyang nakitang tao.

Nagpatuloy pa rin siya sa paglabas at nagpalakad2 patungo sa may tabing dagat.

"Antahimik naman dito. Kami lang yata ang tao.." tugon uli niya sa sarili sabay hawak sa magkabilang braso niya. Ramdam niya ang lamig ng hangin.

Nang malapit na siya sa may tabing dagat, may nakita siyang nagbo-bonfire sa unahan. Napabuntong hininga siya. Meron naman palang ibang tao bukod sa kanila.

Ninamnam niya ang lamig ng hangin sabay pinakinggan ang tunog ng alon ng dagat.

At sa gitna ng katahimikan may narinig siyang tumatawag ng kanyang pangalan.

"Jade.." tugon ng boses ng babae na tila nagmumula sa karagatan.

Tumayo ang balahibo niya at dahan2 siyang napaatras..

Lumingon siya sa mga nagbo-bonfire pero tila hindi siya napapansin ng mga ito.

Isa.. dalawa.. hanggang sa makalimang hakbang siya ng biglang may dalawang kamay na humawak sa balikat niya at kasabay nito napasigaw siya ng malakas!

"Aaaahhh!" Sigaw ni Jade.

"Jade! Babe.. ako 'to si David!" Tugon ng boses ng lalaki. Agad naman nilingon ni Jade at yumakap siya dito.

"Anong nangyari sayo ba't parang takot na takot ka?" Tanong ni David na napayakap na rin kai Jade at hinayod ang likod nito.

"Bumalik na tayo na kwarto David.. Tara na!" Si Jade sabay hawak sa kamay ni David at hinatak ito papunta sa kwarto nila.

Malayo pa lang sila tanaw na nila ang mga kaibigan na tila hinihintay sila.

"Jade, David.. Akala namin nauna na kau sa isla eh." Biro ni Paul.

"Balak ko lng sana magpahangin ng makita ko si Jade sa may tabing dagat naglalakad ng paatras kaya sinalubong ko ng bigla siyang sumigaw di ko naman alam anong dahilan eh bigla nlng nagyaya na bumalik na raw kami." Kwento ni David. Natahimik ang lahat.

Nasa restaurant na sila ng resort for dinner.

At habang kumakain sinimulan ni Jade magkwento.

"Jade baka naman imagination mo lng yun.. Isang beses ka lng naman tinawag dba?" Si Pearl na hindi naniniwala.

"I don't think so kasi talagang rinig na rinig ko.." Sagot naman ni Jade.

"Tama si Pearl baka nga imagination mo lng yun Jade." Sang-ayon ni Gab na hindi naman pinatulan pa ni Jade. Tumahimik nlng siya.

"Guys, kumain nlng muna tayo. Mamaya na natin pag-usapan yan." Si David na tila iniiwas sa hindi magandang patutunguhan na usapan nila.

Sumang-ayon naman ang iba at nagpatuloy na sa pagkain pero si Jade tila hindi mapakali. Napapalingon siya sa paligid.

TO BE CONTINUE..

Lesbiana Sa IslaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon