Agad tinawagan ni David ang mga kaibigan. Ibinalita niya sa kanila lahat mula sa taga resort na tumawag sa kanya hanggang sa mga na search niya. Ilang minuto lang nagsipagdatingan na ang mga kaibigan niya. "I'm sure sa resort nagpunta si Jade.." tugon ni Abby. "Yun nga din iniisip ko eh. So ano guys sasamahan niyo ba ako? Sundan natin si Jade?" si David. "Oo naman sasamahan ka namin David. Tara nah para mailayo pa natin si Jade sa kung ano mang maaari niyang kahinatnan." sagot ni Paul kaya agad2 nag-ayos ang lahat. Habang papuntang airport nag-inquire na sila ng ticket reservations. Pagdating sa airport nakaalis na ang plane na sinakyan ni Jade at after 1 hour pa bago ang next flight sa destination na pupuntahan nila. "Welcome ma'am!" Pagbati ng staff kai Jade. "Thank you." si Jade sabay tanggal ng shades niya at ibinalik din ng papunta na siyang front desk. "1 room please.." tugon niya at agad naman siyang hinanapan ng vacant room. Pagkatapos hinatid na siya. Pagkapasok niya ng room iniwan niya lang ang maletang dala niya at agad ng lumabas at nagpunta sa may tabing dagat. Samantala, gulat na gulat ang magkakaibigan sa nalaman nila. "Isang taon na ang lumipas ng mawala ang isang babaeng kinikilalang si Althea Guevarra at lalaking si mang Oscar matapos mag-outing sa isang isla. Ayon sa imbestigasion, kasama ni Althea nagpunta sa isla ang girl friend na si Wila Mateo pero ng bumalik ito sa resort mag-isa nalang siya at hindi na niya kasama si Althea. Inimbita ito sa presinto para magbigay ng pahayag pero nasiraan ng bait ang babae at walang matinong maisagot. Hanggang ngayon nanatili pa ring misteryo ang pagkawala ni Althea. Kung matagal na siyang patay, bakit hindi pa rin nila natagpuan ang kanyang mga buto at ganoon din si mang Oscar." kinilabutan silang lahat. "Ibig sabihin totoong multo sina Althea at mang Oscar? Oh my God! Natatakot ako guys! Tutuloy paba tayo?" si Sally na takot na takot. "Oo naman Sally nakalimutan mo naba susundan natin si Jade!" sagot ni Gab. "Di ba girl friend nakalagay dun? Di kaya lesbian si Althea? Kaya pala! Alam ko na kung bakit bumalik si Jade. Bakit nagbago siya sakin. Dahil siguro napaibig siya kay Althea pero hinding-hindi aq papayag!" tugon ni David na seryosong-seryoso sa sinabi.
"Althea? Althea nandito na ako.. Nasaan ka Althea?" pagbabakasakali ni Jade na maririnig siya ng babaeng mahal niya. Mag-iisang oras na siya sa may tabing dagat. Maya2 may lumapit na staff. "Hello po ma'am. Ok lang po ba kayo? Baka kailangan niyo po ng tulong magsabi lang po kayo." bati nito. "Yah I need your help. Gusto ko sana magpahatid sa isla ngayon na." tugon ni Jade. "Ayy ma'am kung mag-isa lang po kayo delikado po eh. Pero kung ok lang sa inyo pahintayin mo nalang ang driver ng bangka. Mahirap na po ma'am." paliwanag ng staff pero atat na si Jade kaya oo nalang siya ng oo. Ilang minuto lang ng dumating ang bangka. Agad siyang sumakay. Kinakausap siya ng driver pero tila wala siyang naririnig. Nakatingin siya sa malayo umaasa na baka makasalubong nila sina Althea. Samantala, kararating lang ng magkakaibigan sa resort. Diretso ng front desk agad nilang tinanong kung may nagcheck in ba na Jade Tanchingco. Di naman sila nabigo dahil meron nga. Kumuha sila ng rooms para iwanan ang gamit nila. At pagkaiwan lumabas sila. Tinungo ang kwarto ni Jade kinatok nila ito pero walang sumasagot. "Jade please open the door. Si David 'to! At may kailangan kang malaman tungkol kai Althea!" pakiusap ni David. "Mukhang wala siya dyan David. Puntahan natin sa may tabing dagat." tugon ni Pearl at nagsipagtakbuhan na sila. Pagkarating sa may tabing dagat, hindi pa rin nila nakikita si Jade. Ang iba sinisigaw na ang pangalan ng kaibigan habang ang iba naman nagpalingon2 hanggang sa may staff na lumapit sa kanila. Bumati ito at agad naman nilang tinanong at para mas madali pinakita nila ang picture ni Jade. "Siya nga po. Mga 30mins na po yata mahigit mula nung makaalis siya. Sinabihan ko nga po na hintayin nalang siya ng driver ng bangka kasi po delikado kapag mag-isa lang siya doon." paliwanag ng staff na lalo nila ikinataranta. "Please kailangan namin makapunta sa isla. Ikuha mo kami ng bangka." pakiusap ni Lester. "Naku, sorry po kasi sa araw nato tanging ang bangka lang po na yun ang meron tayo.. Hintayin niyo nalang po baka bumalik din yun." pagpapaliwanag ng staff. "Kuya, hindi po pwede kailangan po namin ngayon na!" medyo nagstrong na si Sally. "Eh ma'am sorry po wala na po talaga." panghihingi niya ng pasensya. Samantala, narating na rin nila Jade ang isla. Nag-ikot siya sa paligid habang tinatawag ang pangalan ni Althea pero nabigo siya kaya naupo nalang muna siya dahil nakaramdam siya ng pagod. Habang nag-iikot ang tingin niya sa paligid napahinto siya kung saan may nangyari sa kanila ni Althea. Pangyayari na hindi niya inaakala. Naalala niya ang bawat detalye. Kung paano siya pinisil ng halik ni Althea at paano rin niya ito ginantihan. Habang busy siya sa pag-aalala hindi niya napansin na nagmadali na palang umalis ang bangka na sinakyan niya. Paglingon ni Jade hindi na niya ito naabutan. "Kuya? Kuya!" halos mangiyak-ngiyakna si Jade. Paano kung hindi na siya balikan? Tumatakbo sa isip niya. Maya-maya umihip ang hangin. Nilalamig siya. Pero may biglang yumakap sa kanya mula sa likuran. Nung una medyo nagulat siya kalaunan alam na niya kung sino ang nakayakap sa kanya. Hinimas siya nito mula balikat pababa sa braso hanggang sa kamay niya at niyakap siyang muli sa may bewang ng mas mahigpit. "Salamat Jade at binalikan mo 'ko.." tugon ni Althea. "No. Ako ang dapat na magpasalamat dahil hinintay mo 'ko." si Jade sabay humarap ito at hinimas ang mukha ni Althea na kapwa nakangiti sila sa isa't-isa. Nagyakapan ulit ang dalawa. Nakangiti naman si mang Oscar na nakatingin sa kanila. "Kumusta po mang Oscar?" bati ni Jade sa matanda sabay humiwalay ng pagkayakap kai Althea. "Ok lang ako Jade." maikling sagot ni mang Oscar. Hinolding hands siya ni Althea at niyaya na maupo sa buhangin. "Teka saan kao dumaan? Di ko man lang kayo napansin." tanong ni Jade. Ang lalim kasi ng iniisip mo eh. Naabutan pa nga namin ang bangka na sinakyan mo pero nakakapagtaka nagmadali siyang umalis. "Buti nalang pala dumating kayo kundi hindi ko alam ang gagawin ko dito ng mag-isa lang." tugon ni Jade sabay sandal sa balikat ni Althea. Batid niya ang saya na kapiling na niya ito. "Mahal kita Jade. At gusto kong ikaw na ang makakasama ko." si Althea na hinaplos ang mukha ni Jade. Umayos naman ito ng upo at humarap sa kanya. "Mahal din kita Althea. At katulad mo ikaw rin ang gusto kong makasama. Pero si mama.. Hindi ba natin siya pwedeng puntahan bago tayo magsama?" nag-aalala niyang tayong. "Jade! Akala ko ba nag-usap na tayo?! Hindi ako pwedeng umalis dito! Jade, dito na ang buhay ko! Sabihin mo nga sakin, nagdadalawang isip ka ba? Ha?!" medyo tumaas ang boses ni Althea. Halatang nagalit ito sa sinabi ni Jade. "Althea I'm sorry.. Wag ka ng magalit please? Hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Mahal kita at buo na desisyon ko na sumama sayo. Sorry. Hindi na mauulit." sa sobrang pagkabahala ni Jade halos umiiyak na ito habang nagsasalita. "I'm sorry rin. Wag ka ng umiyak ha nabigla lang aq." paumanhin ni Althea.
Makalipas ang mahigit isang oras, nakarating na ng resort ang bangka na sinakyan ni Jade. Sinalubong ito nina David. "Manong, si Jade po? Bakit niyo po siya iniwan sa isla? Pakiusap po balikan natin siya.. Ihatid niyo kami dun magbabayad kami kahit magkano!" tuloy2 na tugon ni David pero tila hindi siya naintindahan ng driver. Mukhang takot na takot ang mukha nito. "A-ayoko na b-bumalik dun! H-hindi siya n-nag-iisa! M-may mga d-dumating!" putol-putol na salita ng driver. "Ano pong ibig niyong sabihin? Please po! Kailangan namin puntahan si Jade!" halos alugin na ni Paul para makapagsalita ng maayos pero sa halip na magsalita ito, mabilis siyang kumawala at nagtatatakbo. "Sh*t! Ano ng gagawin natin!" napamura pa tuloy si David. "Magtanong tayo saan natin pwedeng puntahan ang mga nagmamaneho ng bangka para tayo na mismo ang makiusap!" suggest ni Abby. Sumang-ayon naman ang lahat at halos patakbo ng pumunta sa may front desk ng resort. Samantala sa isla.. Masayang namingwit ng isda sina Jade at Althea habang nakahiga lang sa bangka si mang Oscar. "Andami nating kuha ah.. Makakain kaya natin lahat 'to?" tanong ni Jade. "Oo naman! Kaya natin yan.." sagot ni Althea sabay tawa at tumawa rin si Jade. Habang tumatawa agad naman siyang hinalikan ni Althea sa lips ng mabilis lang. Nagulat na natuwa si Jade. "Nagnanakaw ka ng halik ha.. Lagot ka sakin ngayon. Ako naman." pagbibiro niya pero tinakbuhan siya ni Althea kaya naghabulan sila. Nang mahuli siya ni Jade, hinayaan naman ni Althea na mahiga sa buhangin kaya pati si Jade natumba sa harapan niya. "Humanda ka sakin ngayon.." mahinang tugon ni Jade. "At bakit? Anong gagawin mo?" tanong ni Althea na kinakagat pa ang labi niya. "Secret.. Saka wag mo na akong akitin kasi matagal mo na akong naakit." si Jade na ngumiti pa ng nakakaloko. Naramdaman nilang papalapit si mang Oscar kaya umalis sa pagkakapatong si Jade. "Baka gusto niyong umalis na muna ako?" tanong nito na nakangiti pa. Ngiti lang ang iginanti ng dalawa pero tila na-gets na ng matanda. Bumalik na ito sa bangka, nagstart ng makina at tuluyan ng umalis. "Pwede na ba tayo magsimula?" si Jade na pumatong ulit kai Althea. Hinalikan niya ito mahina lang nung una hanggang sa unti-unti itong nagiging mapusok. Naggantihan na sila ng halik nang kumawala si Jade at tinitigan ang mukha ni Althea. Maya-maya may pumatak ng luha sa mga mata nito. Nagtaka naman si Althea kaya inilas niya si Jade sa pagkakapatong sa kanya. Umupo siya at ganoon din si Jade. Pinaharap niya ito sa kanya saka kinausap. "Jade, may problema ba? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Althea. "Ok lang aq Althea. Maybe tears of joy?" sagot niya sabay tawa kahit may luha pa rin na tumutulo. Niyakap nalang siya ni Althea at kumanti naman ito ng yakap. Si Althea ang unang kumawala. Hinalikan niya si Jade. Pareho silang napapikit habang dinadama ang paghahalikan nila. Hanggang sa humalik si Althea pababa sa leeg ni Jade habang binubuksan niya ang zipper mula sa likod nito at dahan-dahang ibinababa ang soot na damit. Mula leeg pababa sa balikat, sa braso at pabalik sa leeg. Nakapikit lang si Jade. Tanging sarap lang ang nararamdaman niya sa ginagawa ni Althea. Unti-unting pinapahiga siya nito. Humahalik na si Althea papunta sa hinaharap ni Jade. Doon na ito lalong nag-init. Nakahawak na siya sa ulo ni Althea para idiin ito. Samantala, sa resort.. Tila nananadya ang panahon. Wala pa rin silang makitang bangka na magmamaneho sa kanila papuntang isla. Ang balita mabilis kumalat kaya natakot ang lahat sa nangyari sa driver na naghatid kai Jade. Mag-aalas sais na. "Guys, tayo nalang kaya magdrive?" si David na desididong-desidido. "David, ipapamahak mo ba sarili mo? At kami ha? Pwede ba relax ka lang dyan! May tutulong din sa atin!" si Pearl sumagot. "Kung ayaw niyong sumama, ako nalang!" pagmamatigas pa rin niya. "David wag mo ng dagdagan ang problema natin!" si Lester. Tumahimik ang lahat at nagkanya2 ng upo sa buhangin. Lagpas alas sais na. May isang babae at dalawang lalaki ang papunta sa direksyon nila. "Kayo ba ang naghahanap ng driver ng bangka?" tanong ng babae ng makarating ito sa kinauupuan ng magkakaibigan. Agad naman tumayo ang lahat. "Oo kami nga. Bakit may kilala ka ba?" balik tanong ni David. "Meron. Ito kasama ko at si mang Angkong isang albularyo." sagot ng babae. "Para saan ang albularyo?" tanong ni Sally. "Alam kong alam niyo na ang kwento sa isla kaya gusto niyong pumunta dun para iligtas ang kaibigan niyo di ba? Gusto ko lang malaman niyo na kilala ko siya. Si Althea. At ako, ako si Wila ang girlfriend niya." pagpapakilala ng babae.TO BE CONTINUE..

BINABASA MO ANG
Lesbiana Sa Isla
FanfictionIt's a short bit of fantasy/reality JaThea story with some of the names of TRMD casts.. Hope you'll enjoy reading it. ^_^ All the love for Rastro. #WJR <3