Ang hindi nila alam sa may tent nagising si David. Masakit ang ulo nito at nahihilo pa rin sa sobrang kalasingan. "Jade? Babe?" Sambit niya ng hindi makapa sa tabi ang girlfriend. Akma na itong lalabas ng tent habang tinatawag pa rin si Jade. Pagkalabas niya ng tent nagpalingon2 ito sa paligid pero malabo ang paningin niya. "Jade nasaan ka ba?" sa isip ni David. Hanggang sa may naaninag siya sa may tabing dagat isang babae na nakahiga. "Jade? Jade! Anong ginagawa mo diyan babe? Bakit diyan ka nakahiga?" Tugon niya habang naglalakad papalapit pero malabo pa rin ang paningin nito at nakakahawak lagi sa ulo dahil sa sobrang hilo. Ilang hakbang nlng makakalapit na siya ng mapandol siya sa isang bato natumba siya ng padapa sa buhangin. Iniangat niya ang ulo at sinubukan pang tawagin si Jade na mag-isang nakahiga sa buhangin pero wala ng boses na lumalabas sa kanya at tuluyan na siyang nawalan ng malay.
"Jade, mahal mo ba aq?" pabulong na pagkakasabi ni Althea. "Hindi ko alam Althea kung paano nangyari pero oo mahal kita.." sagot naman Jade sabay pinisil siya ulit ng halik. Gumaganti naman si Jade na para bang sabik na sabik sila sa isa't-isa. "Jade, maipapangako mo ba sakin na hindi mo ako iiwan? Sasama ka sa akin ha Jade?" tanong na naman ni Althea. At humalik si Jade sa leeg niya bago ito sumagot."Oo Althea sasama ako sayo.. Hinding-hindi kita iiwan pangako yan." bulong ni Jade sa tenga nito. At doon na sinimulang angkinin ni Althea ang katawan ni Jade at ganoon din si Jade kai Althea. Nagliyab ang mga katawan nila na siyang dahilan kung bakit hindi na nila napansin ang lamig ng paligid. Nang makaraos pareho silang nakatihaya sa buhangin na magkahawak ang kamay. Sabay na nilingon ang isa't-isa at ngumiti. Lumapit si Jade kai Althea sabay pumatong at hinalikan niya ito sa labi. "I love you.." sambit niya. "I love you too." sagot naman ni Althea. Nagbihis na ang dalawa at magkaakbay pa na tinungo ang tent. Bakas sa mukha nila ang saya. Distansya sila ng konti kay David kaya di nila ito napansin. Pagdating sa tent. "Oh nasaan si David?" tanong ni Althea. "I don't know.." sagot naman ni Jade na nagsimulang kumabog ang dibdib. Iniisip niya na baka nakita sila ni David. "Hanapin natin?" yaya ni Althea. Tumango lang si Jade. Hinanap nila at natagpuan nga nila si David. Sinubukan nilang gising pero ayaw magising kaya pinagtulungan nila itong buhatin papunta sa tent. Nang maipasok na nila ito, sinubukan nila ulit gisingin. "David!" si Jade sabay palo sa mukha ng boyfriend pero hindi pa rin talaga nagigising kaya hinayaan nlng nila at nahiga na rin para matulog. Pinaunan ni Althea ang braso niya kay Jade at humalik sa noo nito bago tuluyan na silang natulog. Kinaumagahan: Maagang nagsipagligo ng dagat ang magkakaibigan para pantanggal sa hang-over nila maliban kay Jade at David na tulog pa. Masayang nagbabatuhan ng buhangin ang mga lalaki na parang mga batang nagtatatakbo pa.. Nakababad naman sa tubig ang mga babae. Maya2 naunang magising si David. Hinahawakan ang ulo niya na masakit pa rin. Sa kanila kasing magkakaibigan, si David ang hindi malakas uminom. "Babe.." tugon niya sa katabi at niyakap ito na siya naman nagpagising kai Jade. "David!" medyo galit na tugon nito. "Bakit hindi ba kita pwedeng yakapin Jade?" nagtatakang tanong ni David. "Bumangon na nga tayo! Nakakahiya sa kanila kakagising lang natin. "Si Althea nga pala.. Kanina pa ba siya nagising?" sa isip ni Jade. Agad naman bumangon si David na nagpailing2 ang ulo dahil sa hindi nakaharap si Jade sa kanya. "Ano nga pala ginagawa mo sa may tabing dagat bakit dun ka nakahiga?" tanong nito. Kinabahan si Jade. Nakita ba niya? Pero bakit parang hindi naman siya galit? Mga salitang tumatakbo sa isip ni Jade. Sasagot na sana siya pero muling nagsalita si David. "Lalapitan sana kita kaya lang hilong-hilo talaga aq at ang sakit ng ulo ko hanggang sa mapandol pa aq sa bato, di ko na alam anong nangyari. Babe, bakit ka ba talaga nahiga dun? Di ka man lang nakaramdam ng lamig?" si David. "Ako lang ba nakita mo na nandoon?" tanong ni Jade na naninigurado. "Oo ikaw lang nakahiga ka pa nga eh.." sagot naman ni David. Di naman napansin ng dalawa ang paglapit ni Althea at bigla itong sumabat sa usapan nila. "Hindi mo ba aq nakita David? Magkasama kami ni Jade nung mga oras na yun." tugon niya. Lalo naman kinabahan si Jade. Ano bang iniisip niya? Sa isip nito sabay sumisenyas kay Althea na tila sinasabi nitong wag ng magsalita. "Kaya lang naliligo aq habang nakahiga si Jade sa buhangin na naghihintay sakin.." Pagpapatuloy Althea at biglang kindat kanya ng hindi makatingin si David kaya natawa nlng siya. "Ah ganon ba.. Di kasi kita nakita Althea kaya inakala ko na si Jade lang mag-isa dun." tugon ni David at napailing lang ang dalawa sabay lumabas na ng tent si Jade. Tumakbo ang dalawa palapit sa ibang kaibigan nila at naligo na rin. Ilang minuto pa bago sumunod si David. Ang dalawa naman tila may sariling mundo at nakadistansya pa talaga sa iba. Nagtatawanan, nagkukulitan. "Weird ni Jade ngayon pare parang mas nag-eenjoy pa siya na kasama si Althea.." sambit ni Gab ng makita si David na nakatingin sa dalawa. "Malay ba natin na may napagkasunduan lang sila sa isang bagay." pagtatakip naman ni David sa girlfriend kahit batid niyang may nagbago talaga kay Jade. *** Mabilis na lumipas ang oras.. Tapos na silang maligo at kumain ng agahan. Cowboy style ang lahat walang nag-inarte dahil alam naman nilang wala sila sa kani-kanilang mga bahay. It's 10am now. "Guys, are you ready for our trip to the other island?" Tanong ni Althea. Sumagot naman ang lahat na ready nah. Isa-isa na silang sumakay ng bangka. Nagpahuli si Jade ng akyat. Nauna sa kanya si Althea na siyang nag-abot ng mga kamay niya para makaakyat ng bangka. Naglaan ng space si David pero hindi siya tumabi sa boyfriend. Mangha na naman ang lahat sa ganda ng kanilang nakikita.
Malinaw na tubig ng dagat at magandang tanawin. Mag-iisang oras din bago nila matanaw ang isla. Pagkarating nila hindi na nagpahuli si David nauna siyang tumayo at niyaya si Jade na sumunod sa kanya. Pero hinawakan ni Althea ang braso ni Jade. Di maipagkakailangmay namoong tensyon sa pagitan nilang tatlo. "Jade, hurry up! Bumaba ka na at excited na kaming malibot ang isla!" Tugon ni Pearl kaya naman napilitang bumaba si Jade. Sabay ng pagbaba niya hinila siya ng boyfriend at dumistensya sa mga kaibigan. "Jade, sabihin mo nga sakin, may problema ba tayo? Saka anong meron bakit dikit ka ng dikit ng Althea?" panggigiliitingtanong ni David. "David, wala tayong problema and pls don't tell me pinagseselosan mo si Althea? Don't be too childish David!" galit naman na sagot ni Jade. "Kung may childish man dito ikaw yun Jade! Di ko alam anong nangyari sayo. Ok naman tayo ah! Pero nagbago ka bigla. Nakalimutan mo na yatang boyfriend mo aq!" galit na rin si David. "Ayun! Dahil boyfriend kita gusto mo sayo aq magdidikit? David hindi ba pwedeng makipagkaibigan? You're exaggerating! Kahit babae pinagseselosan mo!" sabay nagwalk out si Jade. Pagtalikod niya kai David di niya alam na nakatingin pala ang lahat sa kanila maliban kai Althea na naupo lang sa may tabi at dumiretso siya doon ng punta. Umupo at yumakap siya kai Althea. Samantalang ang iba nilang kaibigan kai David pumunta. Nagcooldown muna ang lahat lalo na sina David at Jade.. After some minutes of silence, tumayo si Althea. "Guys, kung ano man ang hindi pagkakaintindihan ng dalawa sa mga kaibigan niyo sana set aside niyo muna. Nandito kayo to enjoy, right? So cheer up!" pagpapalakaw niya ng loob. "Althea is right guys kaya tuloy na natin ang ligaya! Whoa!" sang-ayon naman ni Sally at nagtayuan na ang lahat. May dala silang volleyball set at nagsimulang maglaro. Ang pinagkaiba lang ng islang ito ay may kweba pero hindi sila doon nakapwesto. "Ok ka lang ba Jade?" tanong ni Althea. Wala pa rin ito sa mood. "I'm fine Althea. It's just that ayoko ng lumapit pa kai David. Pero paano ko sasabihin na wag na siyang lumapit sakin?" Malungkot na sagot ni Jade. "Just tell him the truth Jade.." payo ni Althea sa kanya but she doubted it. Sigurado siyang hindi siya matatanggap ng mga kaibigan niya. Wala siyang nisagot kaya si Althea na ulit ang nagsalita. "Tara! Samahan mo nlng ako may pupuntahan tayo.." Tumayo ito at hinila si Jade para makatayo rin at nagtungo sila sa may kweba. Pagkapasok nila sa loob nawala lahat ng iniisip ni Jade na nagpapasakit ng ulo niya. Isang napakagandang kweba ang nakita niya. May tubig na nakakapasok at sobrang linaw. May mga corals sa loob. May bato na tama lang ang laki at doon sila naupo. "Jade, diba nangako ka na hindi mo ako iiwan? Na sasama ka sakin? Please Jade kapag nakapagdesisyonka na, balikan mo ako dito ha? Dito aq maghihintay sau Jade.." seryosong tugon ni Althea. "Ang seryoso mo naman. Bakit hindi ka nlng sumama sa amin pag-uwi ng Maynila? Althea, ipapakilala kita sa mama ko and I'm sure magugustuhan ka niya.." si Jade sabay nginitian si Althea pero hindi ito gumanti ng ngiti. "Oo Jade seryoso ako. Bumalik ka dito, balikan mo aq at saka na tayo magdesisyon ulit kapag buo na ang loob mo." seryoso pa rin ito. "Ok, para sayo babalik ako. Basta ba ipangako mo ring may babalikan pa aq ha? Sa dami ng chix na makikilala mo baka makalimutan mo na aq." pagbibiro ni Jade. "Hinding-hindi mangyayari yun Jade kasi panghahawakan ko ang pangako mo." sabay hinalikan ang mga kamay ni Jade at gumanti naman ito ng matamis na ngiti.TO BE CONTINUE..

BINABASA MO ANG
Lesbiana Sa Isla
FanfictionIt's a short bit of fantasy/reality JaThea story with some of the names of TRMD casts.. Hope you'll enjoy reading it. ^_^ All the love for Rastro. #WJR <3