LSI - Chapter 8

1K 57 0
                                    

Samantala sa isla.. "Alam mo si mang Oscar? Parang tatay ko na 'yan. Never niya akong iniwan." kwento ni Althea. "Thank you po mang Oscar dahil sa pagsama niyo kay Althea at pag-iingat sa kanya kaya ngayon nagkakilala kami." tugon ni Jade sabay sinamahan pa ng matamis na ngiti. "Parang anak ko na rin yan si Althea kaya pareho lang kami." si mang Oscar at ngumiti din ito. "At magiging mas masaya na kasi tatlo na tayo. Di ba lablab sasama ka na sa amin ni mang Oscar?" malambing na tanong ni Althea. "Oo lablab sasama ako sa inyo. Pero sayang di niyo makikilala si mama parang bagay pa naman kayo nun mang Oscar." biro ni Jade. Tumawa lang ang matanda. "Walang mananakit sa atin dun Jade.. Walang gagalaw sayo." biglang seryoso si Althea sabay niyakap siya. Humawak naman siya sa pagkakayakap. "Tayo na lablab?" yaya ni Althea. "Aalis na ba tayo? Bakit di nalang muna tayo magspend ng gabi dito lablab?" tanong ni Jade. "Lilipat tayo sa kabilang isla. Sa may kweba di ba mas maganda dun?" sagot sa kanya. "Ah ok akala ko kasi aalis na tayo.. Saka yung bag ko rin nasa resort pa. Siguro naman kukunin pa natin yun lab?" tanong uli ni Jade. "Di mo na kailangan yun." maiksing sagot ni Althea. "Sigurado ka?" pagtataka naman ni Jade. "Oo magtiwala ka lang." sagot nito at sumakay na sila sa bangka. - Flashback - Nang matapos na ang tatlo sa panggagahasa kai Wila, tiningnan nila si Althea kung sakali baka nagising pa pero paglingon nila, wala na ito sa kinahihigaan niya. "Nasan?!" galit na tanong ni Tommy. "Malay ko pare eh nandiyan lang naman siya kanina." Pilosopong sagot ni Lucky. "Hanapin natin! Patay tayo kapag nakatakas yun!" tugon ni Junjun. "Ikaw! Nakita mo ba saan siya pumunta?!" Tanong nila kay mang Oscar at tinuro naman nito ang direksyon kung saan si Althea nagpunta. Patakbong tinungo ng tatlo ang direksyon na itinuro sa kanila. Hanggang sa makarating sila sa may kweba. "Di mo kami matatakasan.. Humanda ka sa amin kapag nakita ka namin." pananakot nila. Ang hindi nila alam nakasunod si mang Oscar sabay pinalo niya ng bato si Junjun na siyang nahuli sa tatlo pero daplis lang dahil nakaramdam ito at nakailag kaya pinagtulungan nila ang matanda hanggang sa mawalan ito ng buhay. Di naman napigilan ni Althea na mapasigaw sa nakita. "Mang Oscar!" sabay nilapitan niya ito. Dahil sa takot ng tatlo, walang awa din nilang hinampas ng bato si Althea at parehong inilagay sa kweba ang katawan ng dalawa at tinabunan ng mga bato. Alas dose na ng gabi ng mangyari ito. Matapos matabunan, bumalik ang tatlo sa kinalalagyan ni Wila. Isinakay nila ito ng bangka at sila na mismo ang nagmaneho. Narating naman nila ang resort mahigit dalawang oras. Tahimik ang paligid at ni isang tao wala silang makita. Dali-daling nagtatakbo ang tatlo at iniwanan si Wila sa bangka. Maliwanag na ng may makakita sa kanya at agad siyang dinala sa hospital. Pagkagising niya tulala na siya. Inimbestigahan siya at nalaman nilang na-rape nga siya at dahil na rin sa mga pasa sa katawan niya. Dahil may nakakilala sa tatlong lalaki, naging wanted ang mga ito pero isang taon na rin ang nakalipas ni anino ng isa sa kanila di rin nakita. - End of Flashback - Narating na rin nila ang isla. Nagsipagbabaan na ang lahat. Naiyak na naman si Wila ng maalala niya ang mga nangyari sa lugar na yun. "Jade! Jade!" nagsimula ng maghanap si David. "May bakas ng paa! Panigurado kay Jade 'to!" si Paul ng mahagip ng flashlight niya. "Baka nakaalis na sila. Kailangan na natin pumunta sa kabaling isla." tugon ni Wila. "Tara!" halos sagot ng lahat at agad na nagsipagbalikanng sakay sa bangka.
"Nandito na tayo lablab.." si Althea pgkarating nla sa kabilang isla. Nauna siyang bumaba at inalalayan si Jade. "Salamat lablab." tugon nmn ni Jade na may kasamang matamis na ngiti. "Lablab masaya ako na dumating ka sa buhay ko at salamat kasi tumupad ka sa pangako mo na babalikan mo ako at sasama ka sakin. Mahal na mahal kita Jade." halos mangiyak sa saya si Althea habang hawak2 sa mga palad niya ang mukha ng babaeng mahal niya. "Lablab, sabi ko naman sayo ako ang dapat na magpasalamat di ba? Dumating ka sa buhay ko at naging masaya ito. Mahal na mahal din kita Althea." ganoon din si Jade sabay nagyakap ang dalawa. Naglakad na sila papuntang kweba. Magkahawak ang kamay at habang papalapit na sila, hinihigpitan ni Althea ang pagkakahawak sa mga kamay ni Jade. Samantala, "2yrs na kami ni Althea. Minsan na aqng nagmahal ng lalaki pero nabigo aq at sa kanya lang aq naging masaya. Siya lang ang tumanggap at nagtiis sa ugali ko. At nung time na yun advance celebration dapat namin yun para sa 3rd anniversay namin pero ang masaklap, yun pa ang nangyari." umiiyak na namang nagkukwento si Wila habang papunta na sila sa kabilang isla. Magkahalo tuloy ang emosyon nila. Awa, takot at pag-aalala kay Jade. Balik naman sa isla. "Lab, gusto mo bang maligo muna tayo ng dagat?" tanong ni Althea. "Sure lablab." agad namang sang-ayon ni Jade. Magkahawak kamay sila habang papunta sa dagat ng biglang kumalas si Jade at nagpapahabol sa lablab niya. Di naman siya nabigo. Masayang naghabulan ang dalawa. "Habulin mo 'ko.." si Jade na hindi pa rin nahuhuli. "Akala mo ha di kita maabutan." sagot naman ni Althea sa kanya. Malayo-layo na ang agwat nila. Lumingon si Jade kai Althea at nakita niya malayo pa ito kaya huminto na muna siya. Yumuko siya saglit dahil sa sobrang pagod niya sa kakatakbo at ng umangat na siyang muli para tingnan kung malapit naba si Althea, laking gulat niya ng makarating na agad ito sa likuran niya. "Ah!!!" napatili siya. "Huli ka!" sabay yakap at tawa ni Althea pero hindi umimik si Jade. Dinama niya ang puso niyang gulat na gulat. "Lab? Ok ka lang ba? Sorry nagulat yata kita.." tugon ni Althea ng mapansin niya ito at hinigpitan pa lalo pagkakayakap at humalik sa pisngi. "Kasi naman lablab ang alam ko malayo kapa tapos sino mag-aakalang nasa tabi na pala kita." sagot naman ni Jade na hinihingal pa rin. "Nakalimutan ko yatang sabihin sayo ah na runner ako dati." kwento nito sa kanya. "Hmmmm! Tara na nga maligo na tayo.." si Jade di na dumugtong pa sa usapan. Nasa tubig na sila. Nagbabad silang pareho. Nagsasabuyan naman ng tubig. "Ayoko na!" pigil ni Althea sa nananaboy pa rin ng tubig at lumapit siya dito. Walang sali-salita. Inilapit lang niya ang mukha kai Jade. Humalik ito sa noo, sa ilong, sa cheeks at sa lips. Isang matamis na naman na halik ang kanilang pinagsaluhan. Habang sa ilalim kung saan-saan na napupunta ang kanilang mga kamay. Pero ang totoo, mag-isa lang si Jade sa tubig. Mula sa isang isla hanggang dito sa kabilang isla. Samantala, tuloy pa rin ang dalawa hanggang sa yayain siya ni Althea papunta sa kweba at doon pinaupo siya sa iyang bato at dahan-dahan ibinaba ang soot niya damit. Hubo't-hubad na silang pareho. Tuloy pa rin sila sa pagpapainit sa bawat isa. "Lablab.." tanging lumalabas lang sa bibig ni Jade habang huling-huli ni Althea kung saan ang kiliti niya. Hanggang sa nailabas na nila pareho ang dapat ilabas pero hindi pa sila agad na nagbihis. Humalik pa ulit si Althea sa labi ni Jade sabay niyakap niya ito. Samantala, narating na nina David ang isla at pagkababa agad na nag-ikot ang lahat. Bakat ng paa. Nakita nila ang bakat ng paa ng isang tao lang. "Nandito si Jade! Kailangan natin siyang makita.." tugon ni David. Lahat halos pinagsigawan ang pangalan ni Jade. Pero hindi sila naririnig ni Jade dahil tanging si Althea lang ang naririnig niya at si mang Oscar. Emosyonal si Wila habang napapalayo na ang lahat sa kakahanap, siya naman nanatili pa sa kung saan niya naalala ang mga kaganap sa lugar na yun. "Althea, nandito na ako.. Binalikan kita. I'm sorry kung natagalan ako ha? Magpakita ka sakin Althea. Magsasama na tayo." sabay ang mga luha na walang tigil sa pagtulo. Napaluhod pa siya sa may buhangin. Samantala, narating na nila ang isla. Laking gulat ng lahat ng makita si Jade na nakaupo sa bato ng mag-isa at nakahubad. At tila may kausap.. "Kailangan mo ng makatawid lab. Mag-a-alas dose na." tugon ni Althea. At binihisan na niya si Jade. "Jade! Jade!" tawag ni David pero wala itong reaksyon. Pagkatapos magbihis tumayo na sila ni Althea. "May kasama siya.. Isang kaluluwa ng babae at may kaluluwa rin ng lalaki sa tabi." biglang tugon ng albularyo. Dali2 siyang nagsindi ng kandila at sinimulan ang isang orasyon. Unti-unti nakaramdam sina Althea at mang Oscar ng kakaibang pwersa na tila nagtataboy sa kanila. "Jade, tayo na.. Sumama kana sa amin." tugon ni Althea at hinigpitan ng hawak sa kamay si Jade. "Lablab ok ka lng ba?" nag-aalalang tanong ni Jade.

TO BE CONTINUE..

Lesbiana Sa IslaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon