Laking gulat ng lahat ng kumuha si Jade ng malaking bato at binuhat ito. "Jade! Jade wag!" halos sabay-sabay na pigil nila. Pero patuloy pa rin si Jade sa pag-angat ng bato. "Ok lang aq Jade.. Masaya dahil makakasama na kita at hindi na ako malulungkot pa dito." sagot ni Althea sa kanya. "Masaya din ako lablab.. Tayo nah." at naglakad na sila papasok sa kweba habang sa nakikita nila konting-konti nalang ibabagsak na ni Jade ang bato sa ulo niya. "Altheaaaaaa!!!" biglang ni Wila. Agad naman napalingon si Althea dahil sa pamilyar na boses na narinig niya. Pagkalingon agad niyang binitawan ang kamay ni Jade at sa nakikita nila, dahan-dahang ibinababa nito ang bato. "Althea? Babe! Nandito na ako.. Ako nalang isama mo please. Mahal na mahal kita at wala na akong ibang mamahalin pa. Pakawalan mo na si Jade." pakiusap ni Wila habang walang tigil sa pagtulo ang luha. "Akala ko hindi ka na babalik. Akala ko tuluyan mo na akong kinalimutan. Pero bumalik ka.." si Althea sabay naluha rin dahil sa nakita. "Sorry kung natagalan ako Althea.. Sana mapatawad mo ako. Pakiusap ibalik mo na si Jade sa kanila. Ako pa rin ang mahal mo di ba?" si Wila. As if naririnig at nakikita nila ang isa't-isa pero hindi tanging nagpapakiramdaman lang sila. Ang hindi alam ng mga kaluluwa nina Althea at mang Oscar, ginamit ng albularyo ang kahinaan nilang yung para tuluyan na silang maitaboy at matunton kung saan man ang mga buto nila matatagpuan. "Sandali ko lang nakilala si Jade pero naramdaman ko sa kanya ang totoong pagmamahal. Patawarin mo rin ako Wila pero si Jade na ang gusto kong makasama!" bumalik ang sigla ni Althea at pinilit niyang paglabanan ang orasyon. Muli niyang hinawakan ang mga kamay ni Jade. "Althea, sino siya? Sino sila?" naguguluhang tanong ni Jade at tila nawala lahat ng ala-ala niya. "Jade sasama ka sakin di ba? Sumama ka na Jade saka ko nalang ipapaliwanag sayo!" si Althea at dali-dali ng nagpatuloy sa pagpasok sa kweba. Limang minuto nalang para mag alas dose. Nakaangat na sa ulo ni Jade ang batong muli na naman niyang hawak-hawak. "Lalapitan ko siya! Pipigilan ko si Jade!" desididong si David. "Wag! Gumagawa na ako ng paraan. Kapag lumapit ka dun may posibilidad na makontra mo ang ginagawa ko." pigil ng albularyo kaya sina Paul at Gab pinigilan si David. "Althea!" nagbabakasakaling si Wila pero hindi na siya pinakikinggan. Malapit na. Isang minuto nalang para mag-alas dose. Sina Sally, Pearl at Abby sabay-sabay na nagdasal. Limampong segundo.. Bumalik sa reyalidad si Jade at nakita niya ang duguang itsura ni Althea. Bigla siyang napasigaw at binitawan ang hawak-hawak na bato sabay napaatras. "Jade! Nangako ka sakin na sasama ka sa mundo namin.. Humawak ka sa kamay ko Jade." pakiusap ni Althea. "No! Ayoko pang mamatay Althea.. I'm sorry." tanggi ni Jade at unti-unti naglaho sina Althea at mang Oscar kasabay ng biglang pagkahimatay ni Jade. "Natapos na." tugon ng albularyo at lahat sila pumasok sa kweba para tingnan kung ano ang nangyari. Nakita nilang nakahiga si Jade at walang malay. Agad naman nilapitan ni David at binuhat. Samantala sinabi ng albularyo na nandoon lang ang hinahanap nila. Ginamitan nila ito nga flashlight at nakita sa may sulok na may mga batong nakatabon. Pinagtulungan nilang kunin ang mga bato. Hanggang sa matagpuan nila ang mga buto ng dalawang tao. "Althea! Althea!" iyak ng iyak si Wila ng mapatunayan niyang si Althea nga 'yun dahil sa singsing nito na nasa buto ng daliri. Maya-maya, nilisan na nila ang isla at pagkarating sa resort agad na nagrequest ng masasakyan para dalhin si Jade sa ospital. Kasama ang lahat maliban kina Wila at ng albularyo na sa police station dumiretso. Pagsikat ng araw agad na pinuntahan ng mga pulis, imbestigador at kasama si Wila ang mga buto na kanilang natagpuan. Inembestigahan at napatunayang kina Althea at mang Oscar nga ang mga butong 'yun.
Nagkamalay na rin si Jade mula sa 12hrs na pagtulog. Nagmulat siya ng mata at si mama Amanda niya ang kanyang unang nakita. "Mama!" tanging nasabi lang niya at bahagya siyang bumangon yumakap sa ina ng umiiyak. "Jade anak salamat sa Diyos at nagising kana. Sobrang nag-alala ako sayo anak ko." tugon naman ng mama niya habang hagod2 ang kanyang likod. "I'm sorry mama!" si Jade at patuloy pa rin sa pag-iyak. Pinaharap siya ng mama niya at pinunasan ang mga luha. "Tama na anak. Ligtas kana at matatahimik na rin ang kaluluya nung sinasabi nilang si Althea. Kaninang umaga nakuha na ang mga buto nila doon sa isla at isinakay na papuntang Maynila ang kai Althea. Sa driver naman ng bangka kinuha na ng pamilya niya dito." kwento ng mama niya. "Si Althea.. Mama gusto kong makita ang mga buto niya." Muli umagos na naman ang mga luha sa mata ni Jade. "Kapag pwede kana makalabas dito anak uuwi na rin tayo sa Maynila at sasamahan kita ha?" si mama Amanda na nagpunas na naman ng luha ng anak. "Salamat mama." sabay yumakap ulit si Jade. Pumasok naman si David at laking tuwa ng makitang gising na pala si Jade. Kumalas ito sa pagkakayakap sa ina para masalubong din ng yakap si David. "Thanks God Jade nagising ka na. May masakit ba sayo ha?" pag-aalala ni David. "I'm fine David. Thank you." sagot ni Jade. Nagsipagpasukanna rin ang mga kaibigan nila at isa-isang kinumusta si Jade. Time runs.. Kinahapunan din nakalabas na si Jade at agad sila nagbooked ng ticket pabalik sa Maynila. Umuwi muna sila sa kani-kanilang bahay nagpahinga dahil kinabukasan pupuntahan nila kung saan pinaglamayan ang mga buto ni Althea. "Jade.. Salamat sayo dahil alam kong magiging masaya na ako kung saan man ako ngayon. Mahal na mahal kita." tugon ng babaeng nakatalikod at unti-unting naglalaho. Nagising si Jade na may luhang tumutulo sa gilid ng kanyang mga mata. "Mahal na mahal din kita Althea." sa isip niya at nakatulog uli siya. Muli, nagising siya sa haplos ng mama niya. "Jade? Mag-a-alas otso na. Kailangan natin umalis ng maaga para hindi natin maabutan ang traffic." tugon nito. Nagmulat naman si Jade sabay bumati sa mama niya. Time runs again.. Isang van lang ang sinakyan nila. Sa may tapat mismo ng bahay nina Althea sila huminto. Pamilyar ang babaeng palapit sa kanila. Si Wila at may kasama itong babae na parang lalaki. "Hi. Tuloy kayo.. Si Batchi nga po pala kaibigan namin ni Althea. Tol, si Jade, si mama niya at mga kaibigan niya." bati ni Wila. Isa-isa naman silang nakipagkamay at bumati. Pagkapasok sa loob pinakilala di sila sa mga magulang at kapatid ni Althea. Kwentuhan dito, pakikiramay doon. "Hello po. Ano po pangalan niyo? Ang ganda niyo po." bati ng isang bata kay Jade. "Ako si Jade, ate Jade nalang. Bata ka pa bolero kana ha pero salamat.Ikaw anong pangalan mo?" sagot ni Jade at balik tanong naman nito. "Ako po si Miggy bunsong kapatid po nina ate Althea." sagot ng bata. "Cute naman ng name mo. By the way, may iba kapa bang kapatid bukod kay ate Althea mo Miggy?" tanong ulit ni Jade. "Meron po si ate Aleana kaya lang po di siya makakauwi eh naka kontrata po kasi siya sa Taiwan at after 3mos pa raw po uwi niya." Sagot naman ng bata at napa-aaah lang si Jade. Tatlong araw ang lumipas inilibing na ang mga buto ni Althea. Di mapigilan umiyak ni Jade. Parang panaginip lang ang lahat. "Bakit kailangan pa niyang dumating sa buhay ko? Kung hindi ko rin naman pala siya makakasama dahil magkaiba kami ng mundo?" sa isip ni Jade habang umiiyak at hagod-hagod naman siya sa likod ng mama at bestfriend niya. "Mami-miss kita lablab. Alam ko matatahimik kana. Wag kang mag-alala magkikita pa rin tayo sa mundo kung saan puro saya lang. Mahal na mahal kita." dugtong niya at sabay-sabay na nilang binitawan ang mga puting lobo na hawak-hawak nila. *** Mabilis lumipas ang mga araw. Dalawang buwan na ang nakalipas matapos ang mga naranasan nila sa isla. Sa loob ng mga araw na 'yun, marami ring nangyari. Nagtapat si Jade kay David na hindi na mababago ang pagiging lesbian niya. Tinanggap naman ito ng lalaki. At isang linggo lang matapos ang libing ni Althea, sumuko si Junjun ang isa sa suspect ng pangre-rape kai Wila at pagpatay kina Althea at mang Oscar. Nakonsensya daw siya lalo nung napanood niya sa TV ang pagkakita sa buto ng mga ito. Kasabay ng pagsuko niya, itinuro din niya kung saan nagtago ang mga kasamahan niyang sina Tommy at Lucky. Nahatulan ang tatlo ng habambuhay na pagkakulong. "Oh, saan naman tayo magbabakasyon? Well, after 1mo pa naman yun pero mas mabuti ng naka plano." si Sally habang kausap ang bestfriend sa telephone. "Palawan?" suggestion ni Jade. "Sige Palawan!" sang-ayon nito at agad ibinalita sa mga kaibigan. After 1 month, namasyal sa mall sina Jade kasama ang mama niya. Habang namimili ng bag, napatingin si Jade sa kabilang store, napatigil siya sa kanyang nakita. Tinutukan niya ulit ito. Hindi siya pwedeng magkamali. Nakaside view lang ito at ng humarap nah, "Althea?" banggit niya.
Pinuntahan ni Jade ang babaeng nakita. Pero hindi paman siya nakakalapit, umalis na sa store na pinasukan ang babae. Hinabol niya ito saan man magpunta. Malapit na sana siya ng biglang magring ang cellphone niya. "Hello?" sagot ni Jade pero patuloy pa rin sa paglakad at hindi humihiwalay ang babae ang mga mata niya. "Saan ka? Siguro naman nakapaghanda kana.. After 3 days hello Palawan na tayo!" si Abby na nasa kabilang linya. "Don't worry handa na ako. I'll call you later Abby. Bye!" pagmamadali ni Jade at agad pinatay ang tawag. Maya-maya nagring na naman. Mama calling.. "Hello mama!" sagot ni Jade. "Anak bakit nawala ka dito kung saan kita iniwan?" tanong nito. "Mama, may hinahabol lang po ako. Magkita nalang tayo sa may Starbucks. Love you!" nagmadali ring sagot ni Jade at pinatay na ang cellphone pero pagtingin niya ulit sa babae, nawala na ito. "Althea? Ikaw ba talaga 'yun?" sa isip niya at nagtungo nalang sa starbucks kung saan sila magkikita ng mama niya. Wala siya sa sarili habang naglalakad kaya di niya namalayan ang isang bata na dumaan sa harapan niya. Nagkabangga silang dalawa. "Ayy sorry baby boy! Nasaktan ka ba?" si Jade sabay inalalayang makatayo ang bata. Pagkatayo nito tumingin sa kanya sabay nagsabing, "Ok lang po". Nagulat naman siya, "Miggy?" sambit niya. "Ate Jade?" si Miggy sabay yumakap sa kanya. "Kumusta kana Miggy? Tagal din natin hindi nagkita ah. Sino kasama mo?" tanong ni Jade. "Oo nga po eh. Ok lang po ako ate Jade. Si ate Aleana po kasama ko. Maaga siyang nakauwi ngayon kumpara dati. Namasyal lang po kami saglit." sagot ni Miggy. "Ganun ba? Saan ang ate mo? Gusto ko sana siyang makilala." si Jade. "Miggy! Miggy.. Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap!" tugon ng isang babae na medyo hiningal. Nung hinarap ni Jade, mas lalo siyang nagulat. "Althea?!" sambit niya dito. "Ate Jade, hindi po siya si ate Althea.. Siya po si ate Aleana kakambal ni ate Althea. Di po ba gusto niyo siyang makilala?" sambat ni Miggy. "Hi. Ikaw pala si Jade? What a small world. Nice to meet you. Nakwento kana kasi sakin nina Wila at Batchi." bati nito na nakangiti. Awkward. Yan ang pakiramdam ni Jade. "N-nice to meet you too Aleana.." tipid ng sagot. Jade's POV: Sobrang magkamukha talaga sila ni Althea. Di ko mapigilang tumutok sa mga mata niya. At sa labi niya pero agad din akong umiwas. "So Jade, may kasama ka ba? Let's have some coffee." yaya ni Aleana sa akin. "Sure. Tamang-tama my mom is waiting there sa starbucks." sagot ko naman at nagtungo na kami. Nakita kong nakaupo mag-isa si mama. Pagkalapit namin ipinakilala ko siya. Magkatapat pa talaga kami ng upuan. Kung may pinagkaiba man sa kanila, siguro si Althea, mahal niya ako samantalang si Aleana, hindi pa ako gaano kakilala. After 3 days, kami nalang ang hinihintay sa airport ng mga kaibigan ko bago kami magcheck in. Pagkadating namin, parehong naka-shades at sabay nagtanggal. "Althea?!" sabay2 na sambit nila. Iba-ibang facial expressions. "Guys relax!" tugon ko sabay tawa at ipinaliwanag ko sa kanila saka pa sila nakampante. Kasama din namin si Batchi at Miggy. Sobrang nag-enjoy kami sa 3days vacation sa Palawan. Kahit minsan di ko mapigilang ma-miss si Althea dahil nakikita ko siya kay Aleana. Hanggang mahigit isang taon na ang lumipas. Naging malapit kami ni Aleana sa isa't-isa. Di namin namalayan isang araw na nahulog na pala ako sa kanya at ganoon din siya sakin. Si Aleana. Oo siya na nga at hindi ko na nakikita pa si Althea sa kanya. Bago kami pupuntang Japan para magbakasyon, dinalaw muna namin sa sementeryo si Althea. "Kambal kumusta kana diyan? Ako, eto, kasama ang mahal natin. Si Jade. Wag kang mag-alala hindi ko siya sasaktan. Alam ko naman na ganun ka rin sa kanya di ba? Mahal natin 'to eh. Magbabakasyon lang kami ha? Balik rin kami agad. I love you tol." tila totoong kaharap ni Aleana kung makipag-usap sa kambal niya. "Althea, sana masaya kana diyan para katulad namin, masaya na tayo pareho. We miss you. Siguro nga may dahilan ang lahat. At salamat dahil hindi mo ako hinayaan mapunta sa kung sino. Mahal na mahal namin ni Aleana ang isa't-isa at sa harap mo pangako di ko siya sasaktan kasi alam ko mahal mo rin 'tong utol mo. I love you." tugon ko naman. Hinigpitan ng hawak ni Aleana ang mga kamay ko sabay napasandal ako sa balikat niya at humalik siya sa ulo ko. Maya-maya umalis na kami. Magkahawak ang kamay at may ngiti sa mga labi habang naglalakad patungo sa sasakyan. Sadyang ang buhay ay mahiwaga. Kapag umibig ka, hindi mo maiwasang mapunta sa ibang mundo pero wag kang mag-alala dahil sa huli, nabigo ka man sa taong inakala mong siya na talaga, matatagpuan mo rin naman ang taong magkapareho na ng mundo ang iniikutan niyo.- THE END -
A/N:
Thank you so much guys! Another story of mine had ended. Kung wala po kayo di ko rin magagawa 'to kaya salamat ulit sa inyo. Sana nagustuhan niyo ang pagtatapos ng kwento. Hanggang sa susunod! God bless us. Lablab lang <3 <3 <3
#WJR2016LSIFinale :*
![](https://img.wattpad.com/cover/71073983-288-k452888.jpg)
BINABASA MO ANG
Lesbiana Sa Isla
Fiksi PenggemarIt's a short bit of fantasy/reality JaThea story with some of the names of TRMD casts.. Hope you'll enjoy reading it. ^_^ All the love for Rastro. #WJR <3