LSI - Chapter 3

1.5K 74 0
                                        

Masyado pang mainit kaya mayang hapon na namin plano magluto at magswimming. Nakababad naman sa tubig dagat ang mga isda para hindi masira. Maya-maya nakita kong nagpaalam si mang Oscar kai Althea mukhang aalis muna siya. Sinundan ko ng tingin ang papaalis na si mang Oscar at ibinaling saglit kai Althea ang paningin ko pero pagbalik ko ng tingin kai mang Oscar bigla nlng xang naglaho. Ganun ba siya kabilis magdrive kapag mag-isa lang siya sa bangka? Nakakapagtaka naman. Di ko napigilang kumunot ang noo ko. Ipinikit ko saglit mga mata ko dahil ayoko isipin mga nakita at nararamdaman ko. Katabi ko si David na nakahiga pero parang hindi ko siya maramdaman. "Whoah Jade wake up!" Ingay at talsik ng tubig sa mukha ko ang gumising sakin. Naliligo na pala sila. "Hi Jade.. Napasarap ang tulog mo ah." si Althea na nakaupo sa may paahan ko. "Di ko namalayan nakatulog na pala ako. Anong oras nah?" Tanong ko naman sabay nagbibinat ng katawan. "5mins before 5pm.. Kaya bumangon kana dyan naghihintay na ang mga nahuli nating isda." Sagot naman niya at ngumiti na parang nakakaloko. I wonder anong iniisip niya. Nakatitig na naman ang mga mata namin sa isa't-isa pero as usual aq na naman ang umiwas at ibinaling ang tingin sa mga kaibigan ko na naliligo nah at ang iba nag-iihaw ng isda. "Hmmmm ang bango.. Sariwang-sariwaang mga niluluto nilang isda." Tugon ko. "Isa lang yan sa mga bagay na matitikman mo sa islang ito." Si Althea. "Matitikman? Bukod sa isda wala naman na yatang pwedeng kainin dito. Ano kaya ibig niyang sabihin?" sa Isip ko nalang sabay bangon at tumayo pero agad naman siyang nakaalalay at hinawakan ang kamay ko para makatayo. Nagsimula na kaming mag-ihaw ng isda.. Habang busy ako sa pagpaypay si Althea naman tinitingnan lang ako. Gaya ng deal namin ipagluluto siya pero kailangan ba talagang titigan niya ako ng malagkit na tingin? Tila wala na siyang ibang nakikita kundi ako lang. "Matagal ka nabang tour guide dito sa Isla?" tanong ko para may mapag-usapan lang. "1 year?" patanong na sagot niya. "Ahhh medyo bago ka pa pala.." Dugtong ko naman. "Yup!" Tipid lang niya na sagot. After ng ilang minuto. "Oooops mukhang nangangamoy sunog na yan ah!" si Althea na agad ko namang ikinabahala. Binaliktad ko ang isda. Nasunog na nga. Tumingin ako sa kanya nagtaas balikat lang siya at sabay kaming tumawa. "Babe.. Tapos na kami. Kayo diyan?" Si David habang papalapit sakin. "Kasi po di moko ginising kaya ito late na ako nakapagluto." Pabirong sisi ko naman sa kanya. "Ang sarap kasi ng tulog mo kaya hinayaan na lang kita." Sabay yakap niya sa akin. Medyo nailang naman ako dahil nakatingin si Althea. "David cge na tapusin ko lang 'to." *** My POV: Nakalubog na ang araw ng matapos si Jade sa pagluluto ng isda. Habang busy siya kanina nakapaghanda naman ng pinaglagyan nila ng mga naluto ang mga kaibigan niya at nakapag bonfire na rin. Nakalabas na ang mga inumin. Si Lester hawak2 na ang gitara niya. "Guys, cheers para sa magandang outing natin na 'to! At sa mga nahuli nating isda!" Pangunguna ni Gab. Sabay2 naman sila nagtaas ng kani-kanilang bote at nagcheers sabay tawanan. Simula na ng inuman sabay pulutan ang sariwa nilang nahuling isda. Lahat nagkantahan sa pinamunuang paggigitara ni Lester. Maya2 sa kalagitnaan ng pagsasaya ni Jade bigla niyang naalala si Althea. Nilingon niya ito kung saan niya huling nakita. Matapos kc matikaman ang inihaw na isda ni Jade dumistansiya na si Althea sa kanila. Di naman nila ito pinilit at ganoon din si mang Oscar. Sa kakalingon ni Jade nahagip din ng mga mata niya si Althea pero nasa medyo malayo-layong parte na ito ng dagat. "Ngayon talaga niya naisipang maligo?" sa isip ni Jade. Habang nakatingin pa rin ito kai Althea na tila naghihintay na lumingon sa kanya. At hindi naman siya nabigo. Kahit malayo kitang-kita pa rin niya ang ngiti ni Althea sa kanya. Ngiting hinihila siya papalapit dito. Wala namang malay si Jade. Naglalakad na siya papalapit kay Althea at wala ni isa sa mga kaibigan niya ang nakapansin sa kanya. "Gusto mo rin pala maligo? Sana inaya kita kanina." Tugon ni Althea sa kanya ng malapit-lapit na ito. "Hindi ko nga rin alam bakit nagpunta ako dito." tanging naisagot lang ni Jade. Malamig ang parte ng katawan niya na hindi nakalubog sa tubig habang ang nasa ilalim naman ay mainit. Inabot ni Althea ang mga kamay niya kai Jade at humawak naman ito sa kanya. "Althea, I'm sorry.. Hindi ko talaga alam bakit sumunod ako sayo dito but I guess kailangan ko ng bumalik." Tugon ni Jade na sa totoo lang nalilito na siya sa kung anong nangyayari sa kanya. Pero bago paman siya makatalikod kai Althea nahawakan na siya nito sa braso. "Jade, hindi mo kailangan pigilan ang sarili mo.." Si Althea. "Pigilan saan?" sa isip ni Jade na lalo niyang ikinalito. Magsasalita na sana siya ng ikulong siya ni Althea sa mga braso nito at inilapit ang katawan nila na nagkadikit na. "Ito ba ang sinisabi niya na wag kong pigilan? Ang hirap..
Gusto ng isip ko na lumayo sa kanya pero bakit sinasabi ng puso ko na manatili ako?" Tumatakbo sa isip ni Jade habang unti-unti na ring nagkakalapit ang mga labi nila. Ramdam ni Jade ang hubog ng katawan ni Althea na nakadikit sa katawan niya. Gusto niyang magwala. Gusto niyang malaman ngayon na kung ito naba ang kukumpleto sa kanya , ang hinahanap niya. Nawala na sa isip niya kung makita man siya ng mga kaibigan lalo na ni David. "Jade.." pabulong nag pagkakatugon ni Althea na halos nadidikit na ang labi nila habang binabanggit niya yun. Sa mata nalang idinaan ni Jade ang sagot niya at dahan-dahang naglapat ang mga labi nila. Isang matamis na halik ang pinagsaluhan ng dalawa. Halik na unti-unting nadidiinan at nagiging mas mapusok! "Parang ayoko ng matapos 'to.. In my whole life ngayon lang ako nakaramdam ng contentment. Bakit sa halik ng isang babae? Ibig sabihin I'm a lesbian? Hmmmm she has this softest lips nah hindi nakakasawa." Sa isip ni Jade na hindi niya namalayang may naiilabas na pala siyang salita. "Hmmm Althea.." banggit niya ng mahiwalay saglit ang mga labi nila at nagpatuloy pa rin silang pagsaluhan ang matamis na halik.
Nagising si Jade na nasa loob na siya ng tent. Ang ingay sa labas di pa tapos ang kasiyahan ng mga kaibigan niya at parang lasing na ang mga ito. "Si Althea!" sa isip niya ng bigla niyang maalala ang mga nangyari kanina. Agad siyang kinabahan. Ang lakas ng kaba sa dibdib niya. "Paano ako napunta dito? Ang alam ko nasa may dagat kami ni Althea kanina.. At yung nangyari.." Tugon niya sa sarili at hindi itinuloy ang gusto niyang sabihin. "Best! Alam mo ang daya mo! Naligo ka ng dagat umahon ka nagbihis at natulog! Ano yun?! Yun ba ipinunta mo dito ha?" nagtatampong si Sally na biglang sumulpot sa may pintuan ng tent. Medyo nakainum na ito. Bago paman magsalita si Jade, dumating naman si Abby at Pearl na pawang nagtatampo rin sa kaibigan at pinagtulungan siya hatakin palabas ng tent. "Girls! Girls wait.. Tama ba narinig ko Sally? Yun talaga ginawa ko?!" seryoso niyang tanong. "Alam mo? Ikaw na ang artistahin! Pero dahil gising kana, di kana pwede magdahilan sa amin!" Si Abby naman ang sumagot. "But guys kaya nga ako nagtatanong dahil ang alam ko hindi ganun ang nangyari kanina.." paliwanag ni Jade na hindi na natuloy dahil patuloy na siyang hinatak ng mga kaibigan. Pinaupo siya sa tabi ni David na mukhang tinamaan na yata ng alak. Inakbayan siya nito at akmang hahalikan. Agad naman siyang nakailag. "David lasing kana!" Galit na pasita niya sa boyfriend. "Babe nakakatampo ka na. Mga kaibigan natin hindi mo ba nakikita ang sweet2 nila at kanina pa yan sila ganyan samantalang tayo ni hindi ka man lang nagpaalam na maliligo at pagkatapos natulog ka na. Ginigising kita hindi ka naman nagigising! Ano bang problema Jade? Hindi kaba nag-eenjoy?" Paglalabas ng sama ng loob ni David. Lalo naman naguluhan si Jade. Hindi niya mapagtugma ang mga pangyayari. Tanging natatandaan lang niya ay ang halik na pinagsaluhan nila ni Althea. "I'm sorry David.." tanging naisagot nalang niya at niyakap ang boyfriend. Habang magkayakap sila nagpalingon2 naman sa paligid si Jade. Sa may labas ng tent na tinulugan niya mga isang hakbang lang mula doon ang kinauupuan ni Althea. Kumawala ito sa pagkakayakap sa boyfriend. "Kanina pa ba siya diyan? Binantayan ba niya ako habang natutulog? Kailangan ko siyang makausap. Alam ko siya lang makakasagot sa mga tanong ko." Sa isip ni Jade at matapos ang mga thoughts niyang yun, umihip ang hangin na nagdala ng sobrang lamig sa paligid. Akma na sana siyang tatayo ng yakapin siya ulit ni David. "Babe, ang lamig payakap ha.." tugon ng boyfriend. Hindi na pumalag si Jade. Sa isip rin niya na kailangan niyang makabawi dito. Pwede naman cguro nilang pag-usap yun ni Althea mamaya o bukas. 20mins before 12mn na. Nauna ng magyayang matulog sina Gab & Pearl at sumunod na rin ang lahat. Iisang tent lang ang mga magkasintahan. Si mang Oscar sa bangka lang nahiga at si Althea.. "Althea.." Sambit ni Jade. Inuna na niyang ipasok sa loob ng tent si David para malapitan niya si Althea. "Jade.." sagot naman ni Althea sa kanya. "Gusto ko lang sana itanong kung totoo ba yung mga nangyari kanina?" Nag-aalangan niyang tanong. "Ang alin Jade?" balik tanong ni Althea. Kumunot ang noo niya. "Hindi ba niya talaga alam o nagmamaang-maangan lang xa?" sa isip nito. "Never mind!" maiksi niyang sagot. Baka mapahiya lang siya kapag sasabihin niya. "Wala ba kayong dalang tent ni mang Oscar? Pwede ka naman maki-share sa amin ni David magpapagitna nalang aq sa inyong dalawa.. Malamig kc dito eh and I don't think kakayanin mo ang lamig." Pag-iiba ni Jade sa usapan. "Totoo yun Jade.. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang pagdampi ng mga labi mo sa labi ko. Pero hindi pa tayo tapos bumitaw kana at umalis. Sinundan lng kita ng tingin at yun nga nagbihis ka lang at pumasok sa tent niyo. Pagkatapos kong maligo sinilip kita pero tulog kana kaya naupo nalang aq dito malapit sayo." kwento ni Althea. So it's real. Hindi mkpaniwala si Jade na nagawa niya talaga yun. "I'm sorry Althea.. Ang totoo hindi ko talaga alam anong nangyari o bakit nangyari yun maybe you're thinking na nababaliw ako o.." hindi pa tapos si Jade hinalikan ulit siya ni Althea. Pinagsaluhan ulit nila ang halik na ngayon niya lang naranasan. Halik na tila naghahatid ng kuryente sa buo niyang katawan. At habang naghahalikan sila dahan2 siyang niyaya ni Althea na tumayo at sumunod naman siya dito.. Di nila namalayan na nasa may tabing dagat na sila. Pinahiga siya sa buhangin ni Althea habang nakapatong naman ito sa kanya. Lalong nag-init ang pakiramdam ni Jade. Papunta na kaya sila sa iniisip niya? Gusto niyang tumigil. Tumututol ang isip niya pero tila nanghihina siya. Kulang ang lakas niya para itulak palayo si Althea lalo na ng pababa na ito sa may leeg niya. "Hmmmm.." tanging lumalabas sa bibig niya. Wala na silang pakialam kung may makakita man sa kanila. Mula sa leeg bumalik ulit sa labi ni Jade si Althea at pinisil ng halik.

TO BE CONTINUE..

Lesbiana Sa IslaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon