LSI - CHAPTER 5

1.2K 59 2
                                    

"Jade, nandito ka lang pala!" Si Abby ng matagpuan ang kaibigan kasama si Althea na nakaupo sa may bato. Kasama niya ang mga kaibigan maliban kai David na nagpaiwan sa may bangka. "I'm sorry guys sa mga nangyari.." tanging nasabi lang ni Jade. "It's ok Jade. Normal lang yan sa magkasintahan. I know maayos niyo rin yan ni David. Saka ba't ba pati kami parang nilalayuan mo? Nakakatampo kana ha!" sabat ni Pearl. "Hindi naman sa nilalayuan ko kayo siguro gusto lang na wag muna kami yung tipong nagkikita ni David!" tila wala sa isip ni Jade ang mga sinabi. "Hello? Are you out of your mind best? Ang liit lang ng islang to para hindi kayo magkita ni David! Alam mo wag kanang mag-inarte! Go! Mag-usap kayo para maayos niyo na yan!" si Sally na naguguluhan na rin sa nangyayari sa bestfriend niya. Pero sa halip na tumayo, nanatili lang si Jade sa kinauupuan niya. Nagpailing-iling naman ang mga kaibigan kahit ng mga lalaki isa2 na ring nakiusap sa kanya pero parang wala xang naririnig. "I guess this is over! Mabuti pa umuwi nalang tayo guys!" medyo galit na tono ng boses ni Paul. "Tama si Paul it's useless.. Ano Jade? Pakikipagbati ka ba kai David or uuwi nalang tayo?" seryosong tanong ni Gab. Di naman nakasagot si Jade. Tiningnan niya si Althea. Tila nag-uusap ang mga mata nila. "If you don't mind guys, hayaan niyo muna na aq ang kumausap kai Jade." pakiusap ni Althea at pinagbigyan naman siya ng mga ito. Hinayaan muna nila ang dalawa at tuluyan ng iniwan. "Ano sa tingin mo Althea? Uuwi na muna kami?" tanong ni Jade ng makaalis na ang mga kaibigan. "Pero babalikan mo ako di ba? Jade, nangako ka sakin.. Maghihintay ako sayo.. Dito." balik tanong ni Althea. Bago sumagot si Jade hindi niya napigilang tumulo ang mga luha. "Pangako Althea babalikan kita. Sayo ko lang naramdaman ang tunay na saya. Mula nung namatay si daddy, kami nalang ni mommy ang naiwan, akala ko hindi na ako magiging masaya pero dumating ka. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maipaliwanag kung bakit pero dito sa puso ko nararamdaman kong mahal na mahal kita." sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ni Jade habang nagsasalita. "Mahal na mahal din kita Jade kaya naniniwala ako na babalik ka dahil alam kong mahal mo rin ako." nagsimula na ring tumulo ang mga luha ni Althea at nagyakapan silang dalawa. "Nag-iyakan na tuloy tayo.. Tama na nga!" si Jade na natatawa habang nagpupunas ng mga luha niya. "Kasalanan mo eh nauna ka!" tumawa na rin si Althea at sinabuyan ng tubig si Jade. Sabay naghabulan pa sila. Bakas sa mukha ni Jade ang saya habang tumatakbo. Nang maabutan siya ni Althea niyakap siya nito ng mahigpit mula sa likod niya. "Huli ka!" pabulong na pagkasabi ni Althea. "Talagang magpapahuli naman ako sayo eh.. Wag mo 'kong pakawalan ha?" Tugon ni Jade sabay humarap sa kanya. "Hinding-hindi Jade." Sagot naman ni Althea na nakahawak pa sa mukha ni Jade. Naglakad na sila pabalik sa mga kaibigan parang walang nangyari at hindi naman halata na nag-iyakan sila. "Hindi ko na nabago ang isip ni Jade.. So pa'no, ihatid na namin kayo?" tugon ni Althea. Tumango lang sila. At nagsipagbalikanna sa pagsakay ng bangka. Tahimik ang lahat. Kanya-kanyang tingin lang sa paligid. Mag-iisang oras ang lumipas ng madaanan nila ang unang isla na kanilang pinuntahan. At isang oras ulit ng marating nila ang resort. Nagsipagbabaan na ang lahat. Si Jade ang huling bumaba. Bago ito makababa binulungan siya ni Althea, "Jade, hihintayin kita." at tuluyan na siyang nakababa. Pagbaba niya agad niyang nilingon uli si Althea na nakangiti sa kanya at ginantihan naman niya ito ng ngiti. Saglit lang ng maglaho na sa paningin nila ang bangka nina mang Oscar at Althea. May bigla namang naalala si Jade. "Yung boses niya. Sounds familiar. Parang yung boses na una kong narinig nung unang gabi na dumating kami dito." sa isip niya. "Jade! Mukhang may nakalimutan tayo ah!" Si Pearl na nauna na sanang maglakad kasama ang iba pero bumalik ito. "Meron ba? Ano naman yun?" tanong ni Jade dahil wala naman siyang maisip na nakalimutan nila. "Meron! Hindi pa tayo nagbabayad kina Althea." paalala ni Pearl. "Pa'no yan? Baka pwedeng iwanan nlng natin sa resort? Siguro naman magtatanong sila diba?" suggestion ni Jade at sumang-ayon naman si Pearl. "You're right! So let's go!" at nagtatakbo na sila para makahabol sa mga kaibigan. Time runs.. Nasa may front desk na sila ng resort habang nakaupo ang iba naghihintay ng shuttle bus going airport, sina Jade at Sally naman ang nagsauli ng susi ng mga kwarto nila. "Thank you ma'am." Pasalamat ng staff pagkaabot nila ng susi. "Ahm miss, nakalimutan kasi namin magbayad dun sa bangka na naghatid sa amin sa isla. Pwede po ba na iwanan nalang namin sa inyo ang pera?" tanong ni Jade. "Ma'am sa amin naman po talaga nagbabayad bago nila kayo ihatid. Hindi po pala kayo nakapagbayad kahapon? Pakisulat nalang po ang pangalan ng driver po ng bangka. Thank you." Sagot ng staff sabay abot ng papel at ballpen. "Yup. Hindi po. Ahm, Ok.." si Jade.
Maya2 dumating na ang shuttle bus.. Habang magkatabi ang magkakasintahan, magkahiwalay naman ng inupuan sina Jade at David. Sa airport, "Jade, pwede ba tayong mag-usap? Please?" Pakiusap ni David habang papasok na sila sa may waiting area. "We can talk but not now David. Sana maintindihan mo." sagot naman ni Jade na lalong binilisan ang lakad. Sumabay siya kina Sally at Paul habang si David napapailing nalang sa girlfriend. On board now. Makalipas ang isang oras nasa NAIA na ang magkakaibigan. Walang sumundo sa kanila dahil wala naman nakakaalam ng maagang pag-uwi nila. Nagrent lang sila ng van para ihatid sa kani-kanilang bahay. Sina Pearl, Sally at Jade iisang van lang. Sina Gab, Paul at David naman iisang van lang din. Sina Abby at Lester naman kumuha din ng sarili nilang van. "Bye guys." Paalam nila sa isa't-isa. Batid naman ni Jade na siya ang dahilan kung bakit nasira ang bakasyon nila pero nangingibabaw pa rin sa kanya si Althea. "Namimiss ko na siya.." sa isip niya. "Best, tulala kana naman.. Alam mo, wag ka ng mag-isip ng kung ano. All of this happens for a reason." si Sally sabay yakap sa bestfriend. "Maybe best.." tanging tugon ni Jade. Nauna ng inihatid si Pearl at pagkatapos si Sally. Si Jade naman ang huli. Pagkapasok niya ng bahay nila, wala ang mama niya. Dumiretso siya sa kwarto at nahiga sa kama. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. "Jade.. Jade.." tawag ng familiar na boses. "Althea? Althea, ikaw ba yan?" pilit niyang inaaninag ang mukha ng babaeng tumatawag sa pangalan niya. Sinusubukan niya itong hawakan pero tila may pumipigil sa kanya. "Althea alam kong ikaw yan.. Pls wag mo naman akong pahirapan." ginagawa na ni Jade ang lahat para mahawakan lang ang babaeng hindi pa rin niya maaninag ang mukha. "Jade." Bulong ng boses ng babae na nasa likuran na pala niya na bigla siya niyakap ng mahigpit at hinila pailalim sa tubig. Nahirapan siyang huminga. Sobrang higpit ng pagkakayakap sa kanya hindi niya magawang umahon. "Jade.. Jade.. (tawag ng boses) Jade!" na naging totohanan na sa pandinig niya. Nagising siya na humihingal. "Jade anak! Binabangungot ka!" Si mama Amanda na kanina pa gumigising sa kanya. "Mama!" sabay yumakap ng mahigpit sa ina. Takot na takot siya. Pakiramdam niya totoong nangyari yun sa kanya.
Cellphone rings.. Unknown caller. "Good evening sir, si Mr. David Limjoco po ba 'to?" bati ng boses ng babae na nasa kabilang linya. "Yes speaking. Sino 'to?" sagot naman ni David. "Sir from the resort here in Bohol. May lilinawin lang po sana ako. Di ba po kasama niyo si Jade Tanchingco?" tanong ng babae sa kanya. "Yes! Bakit? Anong tungkol kai Jade?" Balik tanong ni David. "Ang sinulat niya kasi is Althea & mang Oscar dito sa papel na pinasulatan ko po sa kanya kung anong pangalan ng sinakyan niyong bangka and sir sad to say pero wala po kaming binabayaran so far na may ngalan na ganito." paliwanag ng babae. "Sigurado po ba kayo? Kasi yun po yung sinabi nila na pangalan." Tanong ni David. "Yes po sir and usually driver lang po ng bangka ang naghahatid sa inyo at sasabihin niyo lang anong oras kayo magpapasundo." sagot ng nasa kabilang linya. "Ok pero wala po bang nagpunta dyan baka bago lang din yun sila.." tugon niya. "Ayy naku sir di sa tinatakot ko po kayo ha pero nasa sa inyo na po yun kung maniniwala kayo o hindi pero ang sabi nila may nagmumulto daw po sa kabilang isla.." Medyo mahina pa na pagkasabi ng babae. "Anong ibig mong sabihin na multo yung kasakasama namin? Di aq naniniwala sa multo. Saka tigilan mo yang pananakot mo ha baka yan pa maging dahilan mawalan kayo ng customer! Bye!" sabay off ng tawag. Nag-init ang ulo ni David sa narinig. "Kalokohan!" sa isip niya. Samantala sa Tanchingco mansion, "Jade anak ok na ba pakiramdam mo? Natakot talaga ako sayo kanina.." si Amanda na halata ang pag-aalala sa mukha. "Ang weird lang po kasi ng napanaginipan ko mama. May humila daw sakin pailalim sa tubig at hindi ko magawang umahon dahil hawak-hawak niya ako. Hirap na hirap akong huminga." kwento ni Jade. "Wag mo ng masyadong isip yun ha? Dahil lang siguro yun sa pagligo nyo doon sa dagat. Anak bakit nga pala bigla kayong umuwi? Nagka problema ba?" nag-aalala pa ring tugon ng mama niya. "Siguro nga po mama. Ahm, si David po kasi. Di ko maintindihan ma pero hindi ko na maramdamang mahal ko siya. Iniiwasan ko siya dun at pati mga kaibigan namin apektado kaya nagdecide kami na umuwi nalang." sagot niya. "Nag-usap naba kayo nak? Hiniwalayan mo na ba siya? Anyways, kung saan ka masaya Jade susuportahan kita kung ayaw mo na kai David, it's your choice but please pag-usapan niyo kasi kawawa rin yung tao di ba?" pakiusap ng mama niya. "I'll talk to him mama maybe bukas." sagot ni Jade. Time runs. Mahimbing ng natutulog si Jade ng may marinig siyang boses na tinatawag ang pangalan niya. "Althea? Ikaw ba yan?" tanong niya sa tumatawag sa kanya. "Jade, tulungan mo 'ko kailangan kita.. Pls Jade bumalik ka na." habang unti-unting lumilitaw ang mukha ni Althea. Basang-basa ang buong katawan at pilit inaabot ang kamay ni Jade. "Hintayin mo 'ko Althea.. Babalikan kita." sabay nagising si Jade na humihikbi. Nang ibuka niya ang mga mata niya tuluyan na siyang nag-iiiyak. Kinaumagahan, maaga siyang bumangon at inayos ang mga damit na dadalhin. Habang naliligo siya nagpahanda na siya ng agahan. After 20mins, bumaba na siya at naupo na sa mesa. Mabilis lang siyang kumain. Paalis na siya ng magising ang mama niya. "Jade anak. Saan ka pupunta?" si mama Amanda at dali2 bumaba ng hagdanan. Sinalubong naman siya ni Jade at niyakap. "I love you mama. May babalikan lang po ako. Hindi ako matatahimik eh kailangan niya ako at alam kong kailangan ko rin siya. I'm sorry ma." di napigilan ni Jade ang umiyak at tuluyan ng lumabas sumakay ng kotse. "Jade, bumalik ka ha? I love you anak. Mag-iingat ka." tugon ni Amanda. Umiiyak habang papalayo na ang anak niya. "Lord wag niyo pong pababayaan ang anak ko. Hindi ko man alam kung saan siya pupunta o anong gagawin niya, ibalik niyo lang po siya sa akin Lord." tanging dasal nlng niya. Time runs.. On board na si Jade. Destination is Bohol Airport. On the other side, nagsearch si David sa kung anong mga kwento meron sa resort na yun at sa isla. Hindi nga siya naniniwala pero tila kusang gumagana ang kamay niya. "Isang isla sa Bohol kung saan nawawala ang isang babaeng bakasyonista at driver ng bangka." isa sa mga nabasa ni David. Biglang nagring ang cp niya. "tita Amanda calling..." sinagot niya ito. "Hello tita. Kumusta po? Sorry tita hindi ko na nahatid si Jade diyan sa inyo pero siguro naman po na-kwento na niya kung bakit.." paunang banggit ni David. "Yes David sinabi na Jade at alam kong nasasaktan ka ngayon pero David nakikiusap ako baka alam mo kung saan nagpunta si Jade pwede mo ba siyang sundan o samahan? Kinakabahan kasi ako maaga siyang umalis at para siyang nagpapaalam na hindi na babalik. David, si Jade nalang meron ako. Hindi ko kakayanin mawala ang anak ko." tuloy2 na pagsasalita ni Amanda. "Tita umalis po si Jade ng hindi niya sinasabi sa inyo kung saan siya pupunta? Sige po tita asahan niyo po gagawin ko ang lahat para mahanap ko siya. Bye." at tuluyan ng pinatay ni David.

TO BE CONTINUE..

Lesbiana Sa IslaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon