One Magical Moment

25 3 0
                                    

"Woohoo! Parteh parteh!" Sigaw ni Ginny ng mag-umpisa na ang sayawan. Napakalakas ng tugtog sa buong pavilion, pinatay na rin ang mga ilaw at pinalitan ng mga makukulay na ilaw na umiikot sa loob ng pavilion.

"Renzoo~! Sumayaw ka naman! It's party time bro!" Sabi sa akin ni Rex habang nagsasayaw at tumatatalon siya.

Sinubukan kong sumayaw at mafeel yung party. Pagkalipas ng ilang minuto, hopefully ay unti-unti ko ng nararamdaman yung essence ng party at nakapagsayaw na ako kahit papaano. Unti-unti ko ng naeejoy itong Prom

Pagkalipas ng isang oras ay tumigil na muna ang sayawan at kainan naman. Kumuha na ako ng maraming pagkain para hindi na ulit ako pipila ulit dun sa nagcacater.

"Uy patikim ng carbonara!" Sabi ni Ginny kay Jane, kukuha na sana siya ng carbonara sa plato ni Jane pero pinigilan siya nito

"Kulang pa sa akin 'to, kumuha ka kaya ng sa'yo!" Sabi ni Jane kay Ginny. Nagpout si Ginny at sinubukang magpacute kay Jane pero wa epek, inirapan lang siya ni Jane

"Pumila ka na lang ulit. Bakit ba kasi hindi ka kumuha kanina?" Tanong ko sa kanya

"Puno na kasi yung plato ko" Sabi niya habang nakasimangot, tinawanan ko na lang siya at nagpatuloy sa pagkain ko.

*·*·*

Pagkatapos namin kumain ay may ilang nagperform sa baba ng stage. May kumanta, may nagsayaw, may nagbeatbox at nagpatawa. Pagkatapos ng mga performance ay nag-umpisa ulit ang sayawan

Naghiyawan ang lahat ng biglang patugtugin ang Marvin Gaye by Charlie Puth at pinatay na ulit ang mga ilaw na pinalitan ng mga makukulay na ilaw.

"Jane, can I da-dance with you?" Nauutal na tanong ni Rex kay Jane. Umirap si Jane na nakapagpatense kay Rex pero ngumiti din ito at hinawakan ang kamay ni Rex

"Sure" Napangiti si Rex ng pumayag si Jane na makipagsayaw sa kanya. Pinanganak yata talagang torpe si Rex kaya hanggang ngayon ay hindi pa niya naamin kay Jane ang nararamdaman niya

"Uhh, Ginny. Alam mo na, pwede?" Tanong naman ni Marcus kay Ginny. Ngumiti si Ginny kay Marcus

"Sige ba!" Sabi ni Ginny kay Marcus. Magsasayaw na sila ng biglang lumapit sa kanila si Xander

"Sorry Dude, pero ako dapat ang first dance niya" Hinawakan ni Xander sa braso si Ginny at inilayo kay Marcus.

Ano bang nangyayari? Sila na ba ni Ginny? Bakit hindi ko alam?

Wala ng nagawa si Marcus kundi hayaan na silang dalawa at naghanap na lang siya ng ibang maisasayaw, habang ako naman ay naiwang mag-isa sa table namin. Nice, iniwan na ako ng mga kaibigan ko

Tumingin ako sa table nina Abigail at nakita ko na nakaupo pa rin siya dun. Wala pang nagyayaya sa kanyang magsayaw?

Tumayo ako at naglakad papunta sa table nina Abigail, yayayain ko na sana siyang sumayaw ng maunahan ako nung Eros. Hindi na ako napansin ni Abigail at nag-umpisa na silang magsayaw ni Eros sa gitna

"Aww! Wawa ka naman Renzo. Ang mabuti pa, tayo na lang ang magsayaw!" Sabi sa akin ni Kimberly. Nginitian ko siya at nagpunta na kami sa gitna para magsayaw

/Abigail Perez/

Ilang minuto lang makalipas naming kumain ay nag-umpisa na ulit ang sayawan. Biglang nagplay yung Marvin Gaye by Charlie Puth at naghiyawan ang mga estudyante, nag-umpisa na rin silang magpuntahan sa gitna para magsayaw

"Abby.." Tinignan ko kung sino yung tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Eros na may hawak na isang pulang rose

"Hmm?"

Serendipity's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon