Distractions.

19 1 0
                                    

"Nagreview ka na?" Tanong kaagad sa akin ni Sophie when I entered the room. It's our examination day today, four subjects ang itatake namin ngayon at apat ulit bukas. I wanted to say na tapos na akong magreview sa lahat ng subject even though hindi pa talaga, but my mouth did the opposite. Hindi ko kayang magsinungaling kay Sophie, lying to her is useless anyway, she always finds out the truth.

"Oo, pero dalawang subject pa lang. How about you? May naaral ka na ba?" I asked Sophie. She nodded.

"Nakapagbasa na ako sa lahat ng subject, pero inaaral ko pa siya ulit ngayon for sure." Sagot niya sa akin at bigla naman akong nakaramdam ng pressure ngayong classmate ko na si Sophie. Back then, nung junior high pa lang ako, I used to study like that, pero ngayon ewan ko ba, unti-unti na akong nawawalan ng focus. Must be because of Renzo. Isa na siyang malaking distraction para sa akin ngayon.

Kinuha ko ang notebook at mga libro ko sa bag at lumabas ako ng room, I don't want to study there and so I went to the library. As usual, nakita ko na naman si Isabella na nasa usual seat niya sa library. Nagbabasa siya ng libro, it seems like nag-aaral din siya.

"Pwedeng tumabi sa'yo?" Tanong ko kay Isabella. She looked up at tumango laughingly.

"Why do you still need to ask? Sanay na ako na tumatabi ka sa akin." She said and I just giggled. That made me feel good, does this mean, close na talaga kami ni Isabella?

"You look stressed. You're smiling pero may kakaiba sa mga mata mo, is there a problem?" Tanong ni Isabella habang nakatingin siya sa mga mata ko ng diretso, it's so intense like she could read my mind and see through my soul. I gulped.

She has this intuitive ability that creeps me out.

"Wala naman. It's just that, medyo pressured ako sa mga exams namin mamaya." Sagot ko. Oh please, Isabella, buy it.

"No.. Your eyes say something more. Perhaps, boy problem?" My face suddenly blushed dahil sa sinabi ni Isabella. How can she..?

"H-hindi ah!" Depensa ko pero mukhang mas nakahalata yata siya dahil dun. Ugh.

"Tell me Abigail, is it about Renzo?" She asked, smirking. I sighed in defeat.

"Oo." Sagot ko and she smiled.

She patted my shoulder. "Just let serendipity do the magic." I looked up at Isabella and she's still smiling, so I smiled at her too.

"Yeah."

Isabella's weird a lot of times but this is the first time na kilabutan ako sa kanya. It's like she could read my mind at nagprepretend lang siya na wala siyang kaalam-alam sa laman ng isip ko.

After nun ay hindi na kami nag-usap ni Isabella, sinubsob ko na ang mukha ko sa mga libro ko para mag-aral at hindi ko na sinubukan pang mag-open ng topic na pwede naming mapag-usapan. After a few minutes ay lumabas na din naman ako ng library, kailangan kong makabalik sa room before 7:00. Kay Ma'am Margo pa naman ang unang exam.

Nakarating ako ng room at 6:55 pero nandoon na agad si Ma'am Margo sa loob, nakasandal siya sa table niya at naka-cross arms.

"You're late Abigail." Sabi niya habang nakatingin ng matalim sa akin. I gulped pero hindi ako nagpadala sa takot at sumagot ako.

"It's only 6:55 Ma'am. You're just 5 minutes early." Tinaasan niya ako ng kilay at tumingin siya sa wristwatch niya. Nawala bigla ang matapang niyang mukha at ngumiti sa akin, sheepishly.

"Sorry, I guess I'm just excited. Sige na, maupo ka na sa upuan mo." Sabi niya at naglakad na ako papunta sa upuan ko. Ang seating arrangment namin ngayong examination ay nakaayon sa alphabetical order namin.

Serendipity's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon