Flowers ♥

25 2 0
                                    

"You're Renzo, right?" Tanong niya habang nakatingin sa akin ng seryoso. Medyo kinakabahan na tuloy ako dahil sa tingin niya sa akin.

Paano kaya niya nalaman ang pangalan ko? Ano kayang ginagawa niya dito? Dito rin ba ang probinsiya niya? Sinusundan ba niya si Abigail? Bakit ba napakaliit ng mundo?

"O-oo, paano mo na-nalaman?" Nagsmirk siya bigla nang sumagot ako ng nanginginig ang boses. Mas matangkad pa naman siya sa akin kaya mas intimidating siyang tignan

"I have my ways." Ngumiti siya sa akin "Wag kang matakot. Hindi ako kumakain ng tao" Sabi niya at saka siya tumawa ng mahina pero sapat na para marinig ko.

"Relax. Enjoy my party Renzo" Sabi sa akin ni Eros bago siya umalis at naglakad palayo sa akin.

Saka, tama ba yung narinig ko na sinabi niya? Enjoy his party daw? Siya ba yung apo ni Don Hernandez?!

Nung makalayo na ng tuluyan si Eros ay lumapit na ako sa table nina Mama. "Ito na yung gift ma" Sabi ko at binigay ko kay Mama yung regalo na nabili ko kanina sa mall

Inalog ni Mama yung box habang nakadikit sa tenga niya. Tinignan ako ni Mama at bago pa man niya itanong sa akin kung anong laman ng box ay sinabi ko na

"Perfume" I mouthed. Tumango na lang si Mama at tumingin ulit sa unahan ng may nagsalita sa microphone.

Tumingin naman ako sa table na katabi namin, nakaupo dun si Ate Claire at Kurt, meron din silang kasamang lalaki na nasa mid 20's na, siya yung siguro yung fiánce ni Ate Claire.

Mahigit isang oras na ang nakalipas pero nandito pa rin kami, busy pa kasi sina Mama, Tita Arianne at Tita Minnie sa pakikipagtsismisan sa iba, si Papa ay nakikipag-inuman pa kina Don Hernandez sa loob ng bahay, si Ate Claire at Kurt naman ay may kanya-kanya ding kausap

Ako lang talaga yung naiwang nakaupo sa table, pero since nakacater naman yung handa at wala naman akong ginagawa, kumain na lang ulit ako para hindi naman ako mabore.

"So pinsan ka pala ni Claire? Huh" Nagulat ako ng may nagsalitang lalaki sa tabi ko, lumingon ako at nakita ko na naman si Eros.

Gusto ko sanang itanong sa kanya kung bakit bigla-bigla na lang siya sumusulpot at kung kabute ba siya, pero wag na lang. Baka kung ano pa gawin sa akin ni Eros pag nagalit siya

"Oo, bakit mo natanong? Magkakilala kayo?" Diretso kong tanong habang nakatingin ako sa kanya. Hindi niya sinagot ang tanong ko at nagsmirk lang siya bago umalis na nagpakilabot sa akin ng konti.

Hay nako. May pagka-kabute nga talaga siya.

Susubo na sana ulit ako ng biglang nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa, kinuha ko yung celphone ko at binasa ang text message na galing kay Jane at Ginny

From: Janey!

Magkita tayo bukas, may kailangan tayong pag-usapan.

From: Giandra

:)

Kinabahan ako bigla, hindi dahil sa pag-uusapan naming magkakaibigan bukas kundi sa meaningful na emoticon na sinend sa akin ni Ginny.

Ano kayang mangyayari bukas?

*·*·*

"Pupunta kang palengke Ate?" Tanong ko kay Ate Claire na kasalukuyang nagpapatuyo ng buhok niya gamit ang blow dryer.

"Oo, marami akong bibilhin. Bakit mo natanong?"

"Sama ako ha? May kailangan kasi akong puntahan."

"Okay"

Napag-usapan namin ni Jane kagabi through text na sa Mcdo na lang kami magkita-kita. Malapit lang naman ang palengke sa Mcdo dito kaya sasabay na lang ako kay Ate Claire. Makakatipid pa ako sa pamasahe

Pagkatapos kong samahang mamalengke si Ate Claire ay nagpunta na agad kami sa Mcdo. Maraming tao sa loob kaya nahihirapan akong hanapin kung saan nakaupo sina Ginny

"Renzo!" Hinanap ko yung tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Ginny na kumakaway sa akin. Lumapit kami ni Ate Claire sa table nila

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanila pero hindi sila sumasagot

"Uy?"

Tumingin sa akin si Jane ng diretso at may sinesenyas siya sa akin na hindi ko maintindihan. "Huh? Ano? Bakit ba ayaw niyong magsalita?"

Umirap si Jane at saka nagsalita "Baka may gagawin pa yung pinsan mo? Baka naman naaabala na natin siya" Sabi niya at diniin niya ang salitang 'Naabala'

Mukhang nagets naman ni Ate Claire yung gustong sabihin ni Jane kaya tumayo na siya. "Una na ako Renzo ha? Magluluto pa ako sa bahay eh"

"Sige Ate Claire. Alam ko na naman kung pano ako uuwi" Sabi ko kay Ate Claire habang nakangiti. Nung makalayo na sa amin si Ate Claire ay kinausap ko na si Jane.

"Ano bang pag-uusapan natin? Bakit kailangan niyo pang paalisin yung pinsan ko?" Tanong ko sa kanila. Nakakahiya kasi yung ginawa nila! Baka kung ano na ang iniisip ni Ate Claire sa amin ngayon

"Pag nandito kasi yung pinsan mo, baka hindi mo sabihin sa amin yung totoo. Naninigurado lang kami" Sabi sa akin ni Marcus.

Baka hindi ko sabihin yung totoo? Ano ba kasi yung pag-uusapan namin? Medyo kinakabahan na ako ngayon.

"Ano nga kasi yung kailangan nating pag-usapan?"

Tumingin sila sa isa't isa saka naman tumingin sa akin ng diretso si Jane. Lumunok ako at inihanda ang sarili ko sa mga pwede niyang itanong sa akin.

"Inlove ka na ba kay Abby?"

/Abigail Perez/

Kriing! Kriiing!!

Nagising ako dahil sa napakalakas na tunog ng alarm clock ko, nag-inat ako ng kaunti at tinignan ko kung anong oras na.

Ooh, 10:35 na pala. Medyo napasarap yata ang tulog ko ngayon ah?

Bumangon na ako at hinawi ko ang mga kurtina, nasilaw naman ako sa sobrang liwanag ng araw. Maganda ang panahon ang ngayon, ano kayang masaya na gawin ngayon?

Nagpalit na ako ng damit, nag-ayos ng mukha at nagtoothbrush bago ako lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina. Nadatnan kong nakaupo sa may dining table si Ate Gracia, siya ang tagaluto dito sa bahay ni Lolo.

"Gising ka na pala Abigail. Anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita" Tanong niya agad sa akin

"Hindi na po, malapit na ring nagtanghali eh. Brunch na lang ako mamaya" Sabi ko kay Ate Gracia habang nakangiti. Tumango siya at naupo ulit

"Nasaan nga po pala sina Ginny?"

"Umalis sila ng maaga eh pero hindi nila sinabi kung saan sila pupunta"

"Oh baka sila na 'yun Abby" Sabi ni Ate Gracia nang may narinig kaming ingay mula sa labas ng bahay.

Lumabas agad ako ng bahay at nakita ko sina Ginny, kasama nila si Renzo. Nagka-goose bumps ako nang makita ko ang hawak ni Renzo sa likod niya, isang bouquet ng bulaklak.

Para sa akin ba 'yun?

Unti-unti silang lumapit sa akin habang tinutulak-tulak si Renzo. Habang papalapit ng papalapit sa akin si Renzo ay mas lalong bumibigat ang paghinga ko. Pasimple kong kinurot ang braso ako para magising na 'ko kung panaginip lang 'to.

Totoo na ba talaga 'to? Does Renzo feels the same na for me?

Lumapit sa akin si Renzo at binigay niya sa akin yung bouquet habang nakayuko "Pa-para sa'yo Abigail"

Nanginginig ang kamay kong kinuha yung bouquet at inamoy ko ang mga bulaklak. Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili ko at napangiti ako.

"Tha-thanks"

★*゚*☆*゚**゚*☆*゚*★

Twenty Sixth Chapter Updated!

Vote and Comment Please ;)

- UaenaXOXO  

Serendipity's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon