Take Your Shirt Off

30 2 0
                                    

"Paki-explain nga! a-anong ginagawa mo dito? Bakit? Nasaan sina Ginny?" Sunod sunod kong tanong kay Abigail. Hindi pa rin kasi talaga ako makapaniwala na nandito siya sa harapan ko ngayon

"Ahh ganito kasi 'yun, nasa palengke si Ginny kanina, nakita ka niya kaya naisipan ni Ginny na tawagan yung kapatid mo para malaman kung anong address niyo saka pa lang niya sinabi sa akin. Kaya nandito ako ngayon" Sabi niya habang nakangiti sa akin

Nakita niya ako sa palengke? Bakit hindi siya lumapit sa akin?

"Ang galing no? Akalain mo yun, pareho pala tayo ng probinsiya!" Dagdag pa niya. Pagkatapos nun ay binalot na kami ng katahimikan

Diba namimiss mo siya Renzo? Oh ayan na, nasa harapan mo na! Magsalita ka, kausapin mo siya!

Pero anong sasabihin ko?

"Umm, malapit lang ba dito yung bahay niyo?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa sahig. 'Di ko alam kung bakit pero nahihiya ako sa kanya

"Medyo. 30 minutes lang yung byahe, bakit mo--" Naputol ang sinasabi ni Abigail ng biglang pumasok si Tita Arianne sa sala na may dalang mga biscuit at dalawang baso ng juice na nakalagay sa tray.

"Kumain ka muna Abigail" Sabi ni Tita at nilagay na niya yung pagkain sa maliit na lamesa sa harap namin

"Sige po, thank you po" Nginitian niya si Tita at saka lang niya binalik ang tingin niya sa akin nung nakaalis na si Tita "Ano nga yung pinag-uusapan natin?"

"Yung tungkol sa bahay niyo, malapit lang ba yun dito?"

"Hmm, medyo. Bakit mo natanong?"

"Ah wala, wala lang!" Yumuko ako at nag-isip ng topic na pwede naming pag-usapan ni Abigail. Wala akong maisip kaya nabalot uli kami ng katahimikan

Alam ko na! Bakit hindi ko na lang kaya siya igala dito? "Umm, gusto mong pumunta sa falls?"

"Sige. Pero pwede bang samahan mo muna akong umuwi?" Tanong niya sa akin

"Oo naman. Teka, ano bang gagawin natin dun?"

"Susunduin natin ang mga kaibigan mo"

*·*·*

Woah.

Understatement lang kung sasabihin ko na malaki ang mansion nina Abigail dito sa probinsiya, dahil sobrang laki talaga! At napakalawak pa ng lupain nila. Mas malaki ito kumpara dun sa bahay nila sa subdivision

Luma na ang style ng bahay-- este mansion nila pero maganda pa rin ito at mukhang hindi ito napapabayaan ng mga katulong dahil sa sobrang linis tignan. Magaganda ang mga handicrafts nila, pati yung tiles,yung design ng pintuan, lahat-lahat na!

Sa sobrang pagkamangha ko nga ay gusto ko sanang picturan ang loob ng bahay nila kaso nahiya ako ng biglang lumabas sa isang kwarto ang isang matandang lalaki, Lolo siguro ni Abigail.

Bumaba ng hagdan ang Lolo niya habang pinanliliitan ako ng mata, sinusubukan siguro niya akong mukhaan.

"Sino 'yang kasama mo Abigail?" Natakot ako bigla sa boses ng Lolo niya. Lalaking lalaki kasi at punong-puno ng awtoridad.

"Si Renzo po, Lolo." Tumingin sa akin si Abigail at nginitian ako na para bang sinasabi niya na 'Wag kang matakot, mabait si Lolo' 

"Umm, nasaan po sila Ginny?" Tanong ni Abigail sa Lolo niya.

"Nandun sila sa swimming pool kanina, tignan niyo muna. Pero pag wala sila dun pumunta kayo sa likuran ng bahay, baka nandun sila"

Pumunta kami agad sa swimming pool pagkatapos naming kausapin ang Lolo niya. Dalawa yung pool dito at may parang maliit na bridge na nasa gitna nito, meron ding slide na papunta dun sa malalim na parte ng pool.

Serendipity's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon