Daggers Of Pain

15 0 0
                                    

"Ma, ito na yung grades ko." I just stared down habang inaabot ko kay Mama ang card ko for the second quarter. Hinahanda ko na ang sarili ko sa reaction niya kapag nalaman niya na bumaba ang grades ko.

Kahit ako mismo ay nadisappoint sa sarili ko, I've been so distracted ngayong quarter na ito, ang dami-dami kasing nangyayari sa akin, unang una nung nagfail yung mga plan namin ni Jane, sumunod yung pagkamatay ni Lolo, tapos yung biglaang panliligaw sa akin ni Enzo, at ito naman ngayon.

I waited for her to speak, pero nakalipas na ang ilang segundo ay wala pa ni isang salita ang lumabas sa bibig niya. Dahan-dahan kong itinaas ang mukha para tignan siya sa mukha. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin, this is not what I expected to be her reaction.

"It's okay, Abigail. Alam ko naman na may pinagdadaanan ka lang kaya ka nagkakaganito, saka marami ka ng napatunayan sa amin kaya alam ko na babawi ka next time. Wag na lang muna natin 'tong ipaalam sa papa mo, okay?" I nodded smilingly at niyakap ko pa si Mama ng mas mahigpit. I'm glad na naiintindihan niya ako at ang pinagdadaanan ko, even though hindi ko masabi sa kanya kung ano ito.

Ilang araw na din ang nakalipas simula nung magkasagutan kami ni Renzo dun sa room ng club namin, ilang araw na din siyang hindi nagpaparamdam. Siguro dahil ito sa nasabi ko sa kanya na about sa amin ni Enzo, mali ba yung nagawa 'ko? I feel like I'm losing him all over again.

"Halika na, kain tayo sa labas." She said at naglakad na kami palabas ng campus at papunta sa sasakyan namin sa parking lot. Sakto naman na nakasalubong namin si Enzo at kasama niya ang isang babae na based on it's physical appearance ay nasa mid 50's na. I didn't know na ngayon din pala release ng grades ng college.

"Abigail! Ano? Kamusta grades mo?" Tanong niya sa akin habang nakangiti. Mama shot me a look na para bang tinatanong niya sa akin 'who the hell this guy is?'

Hindi ko pa nga pala napapakilala si Enzo kay Mama. Ugh.

"Okay naman, although medyo bumaba siya. Ikaw? How's yours?" I pretended na okay lang ako habang tinatanong ko si Enzo and then I looked at my mom like I was saying 'I'll explain about this later'. Bumalik agad ang tingin ko kay Enzo as he answered my question.

"Okay lang din naman, tumaas naman ng konti." Tumingin siya sa kasama niya at bumalik din agad sa akin. "Ah, ito nga pala si Tita, yung kinukwento ko sa'yo. Naalala mo pa ba?"

"Ah yeah. Hi po, nice to meet you po." Sabi ko at nginitian ko naman ang tita niya. His Tita smiled back at me.

"Ikaw pala si Abigail, palagi ka sa aking nakukwento ni Enzo." Sabi nito sa akin. Naramdaman ko naman ang mahinang pagpisil ni Mama sa braso ko. I think I have a lot to explain to her after this. Ever since nung umuwi ako galing ng batanes, wala na siyang nalalaman sa akin.

"Ah. Ito nga pala si Mama, Enzo. Ma, si Enzo.. Boyfriend ko." Sabi ko sa kanya at naramdaman ko ulit ang mahinang pagpisil ni Mama sa braso ko.

"Hi po Tita." Pagbati ni Enzo kay Mama.

"Nice to meet you Enzo and your Tita, gusto ko pa sanang kayong makausap pero may pupuntahan pa kami ni Abigail. So bye!" Sabi ni Mama kay Enzo at sa Tita niya, hinila naman agad ako ni Mama papunta sa sasakyan namin at pinapasok ako sa loob.

Nag-umpisa ng magdrive si Mama at nakaalis na kami ng school.

"Sino si Enzo?" Kalmado niyang tanong sa akin but I can feel na nagpipigil lang siya ng emosiyon.

"My boyfriend." I felt bad as I said it. Boyfriend ko nga siya pero si Renzo ang mahal ko. Kung naghintay lang sana ako, hindi magiging ganito ka-complicated ang sitwasiyon ko ngayon.

"I mean, kailan pa? At anong nangyari sa inyo nung manliligaw mo dati?" Tanong niya sa akin. Napakagat ako bigla sa labi nang itanong niya pati ang nangyari sa amin ni Renzo, pinigilan kong umiyak pero wala na akong nagawa, tumulo na ang mga luha ko pababa sa pisngi ko.

Serendipity's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon