Complicated.

10 1 0
                                    

"Huy, kanina pa dito ah? Wala ka bang balak maglunch?"  Sophie asked me habang pinapanood niya akong mag-edit ng mga shots ko mula sa DSLR. I looked at my wristwatch, it's only 10:45.

"Mauna ka na kung gutom ka na Sophie, I have to finish this para naman hindi ako matambakan ng trabaho." Sagot ko sa kanya habang diretso pa rin akong nakatingin sa screen ng laptop ko.

"Are you sure? Eh sinong kasabay mo pag kumain na 'ko?" Tanong niya sa akin. I was about to say Enzo's name, pero busy nga din pala siya.

For sure naglunch na 'yun kasama ng bandmates niya, kasama ni Jewel.

"Bahala na, baka si Isabella kung hindi pa din siya naglulunch." Sabi ko and I looked at Isabella on the other side of the room typing an article on her laptop. Kanina pa siya nakaheadset kaya walang kumakausap sa kanya.

"Hmm. Okay, just call me if you need me." Sabi ni Sophie sa akin at lumabas na siya ng room ng club namin. Ilang minutes after niyang lumabas ng room ay pumasok naman si Jasline, ang editor in chief namin.

"Uy! Ang sisipag niyo ha? Maglunch na muna kaya kayo? Besides, marami pa namang time, hindi naman tayo nagmamadali na matapos yung newspaper." Sabi niya sa amin habang inaayos niya yung mga naiwan niyang gamit sa table.

I looked at Isabella na sinarado na ang laptop niya at nag-umpisa na ring ilagay sa bag ang mga gamit niya. I sighed. Mukhang maglulunch akong mag-isa ngayon. Kailangan ko kasi munang matapos 'to ngayon dahil magiging busy na ako mamaya sa mga schoolworks at projects ko.

"Ikaw Abigail, hindi ka pa ba kakain?" Tanong sa akin ni Isabella. Umiling na lang ako at ngumiti sa kanya. She smiled back at lumabas na siya ng room.

Sunod namang lumabas ng room si Jasline. Ugh. Now I'm all alone in this room.

After 45 minutes ay natapos din ako sa ginagawa ko, I quickly fixed my things at lumabas na agad ako ng room, gutom na gutom na talaga ako. I rushed to the canteen at pumila na agad ako para bumili.

Unfortunately, sobrang haba ng pila sa canteen at inabot pa ako ng 10 minutes bago ako nakabili ng kakainin ko. I tried to call Sophie para naman may kasabay akong kumain pero hindi siya sumasagot. Don't tell me siya naman ang busy ngayon?

Sunod kong tinawagan si Enzo pero katulad ni Sophie ay hindi niya rin sinasagot ang mga calls ko. Maybe he's still on rehearsal with his bandmates, with Jewel. Naiirita na talaga ako, there's a part of me na nagseselos deep inside pero parang hindi tama eh, hindi ko nagugustuhan yung pakiramdam.

After a few calls na hindi nasagot ay sumuko na ako, I just ate alone. Nung patapos na akong kumain, nagvibrate ang cellphone ko kaya binitawan ko na muna yung spoon and fork at tinignan ko kung sino yung nagtext sa akin. It was Sophie.

From: Sophie

Nasaan ka na ba? Nandito na si Sir sa room. Don't tell me, kumakain ka pa lang ngayon?

Gusto ko sanang replyan si Sophie pero late na late na ako sa class ko, masiyado yata akong nagpabaya sa time management ko ngayon. Tumayo na agad ako at iniwan ko na ang pagkain ko na hindi ko pa nauubos.

Habang naglalakad ako papunta sa room, I felt something strange at nagkagoose bumps ulit ako, I stopped for a while at lumingon ako sa paligid ko, I saw him again finally after a week, he's there with his friends on the other building. I can never get used to this feeling tuwing nakikita ko siya, this weird feeling na para bang may nagkokonekta sa aming dalawa. It's like how a wayward feels whenever he's near with his caster, like Ethan Wate to Lena Duchannes.

I shrugged the thought off my mind, hindi ko na dapat isipin pa ang mga bagay na 'yun. Nagpatuloy na ako sa paglalakad nung titingin na siya sa direction ko, hindi ko gusto na magtagpo pa ulit ang mga mata namin.

Serendipity's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon