A Matter Of Happiness

10 1 0
                                    

Three days have passed pero magulo pa rin ang utak ko sa nangyari nung Theatre play, I still don't know what to do, whether I should choose my own happiness or other's. It's me against my happiness now. Lahat nakasalalay sa desisiyon ko.

After nung lunch namin three days ago ay hindi pa ulit nasusundan hanggang ngayon ang paglabas naming dalawa ni Enzo, I'm worried na baka iniisip niya na iniiwasan ko siya dahil ayoko na, lalo na't I've been more busy these days, malapit na kasi ang examinations namin.

"And done." I said as I finally finished the layout for the magazine, project namin sa reading and writing. I was relieved dahil kahit konti ay nabawasan na ang gagawin ko, but when I checked my phone para sa listahan ng mga gagawin ko pa ay nastress ulit ako. I still have many things to do.

Naisipan kong mahiga muna sa kama para magpahinga kahit saglit, I've been working on my laptop since 8:00 in the morning at gabi na ngayon. Kahit weekend ay wala akong ligtas sa tambak na schoolworks ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at inopen ko yung facebook ko. I decided na tignan ko yung profile niya, matagal-tagal na din nung huli akong tumambay doon.

Napangiti ako nang puno ng mga papuri ang account ni Renzo, he really did a great job sa play nila three days ago. Nagscroll pa ako at mga pictures naman niya kasama ang ilang mga nanood ang nakita ko.

Pero may isang picture ang pinaka-nagstandout sa buong album, it's Renzo wearing the eyeglasses that I bought for his birthday. Naramdaman ko ulit ang muling paglipad ng mga paru-paro sa tiyan ko, it's been a while since I've felt this feeling.

Pero habang iniisip ko siya ay biglang pumasok ulit sa isipan ko si Enzo. Gustong gusto ko nang sumaya pero may humahadlang sa akin, alam ko naman na sarili ko lang din ang pumipigil sa akin na maging masaya pero bakit ko nga ba pinipigilan ang sarili ko? Dahil lang ba ayaw kong masaktan si Enzo? Or is there something more behind? Dahil ba nagkakaroon na din ako ng feelings for him?

No.

That's impossible. I swear, three days ago, nung sabihin sa akin ni Eros na binibitawan na niya ako; kami ni Renzo.  I felt happiness, happiness na hindi ko naramdaman kay Enzo, it's a different kind of happiness, yung parang nakawala na lahat ng pag-aalinlangan ko, lahat ng pain na naramdaman ko, yung bumalik na yung natitirang pag-asa at mas lumaki pa.

Maybe I should just stop overthinking everything. I should rest for a while.

*·*·*

"Abigail.. Gising na.. Abigail."

I woke up to the sound of Mom's voice. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko siyang nakatingin sa akin habang nakahawak sa hips niya. Wait, what time is it?

"Anong oras na Ma?" I asked huskily.

"6:00 na, malelate ka na." Sagot sa akin ni Mama na ikinagulat ko. Umaga na? Omg. Nakatulog agad ako kagabi! I was supposed to finish the other projects pa naman.

Bumangon na agad ako sa kama ko, kinuha ko yung towel ko at tumakbo na ako pababa ng hagdan at papunta sa CR. Kailangan kong magmadali kung gusto ko pang maabutan ang first class ko and I don't wanna be late.

I looked at the wall clock when I got out of the bathroom, it's 6:15. Konting minutes na lang at late na ako, kaya sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na naisip pang kumain at sa loob na ng kotse ako nagsuot ng uniform ko.

Pero despite of my efforts, hindi pa din ako nakaabot sa umpisa ng first class ko. Terror pa naman yung teacher namin tuwing monday ng umaga, pag late ka, you have to wait outside hanggang matapos ang buong time niya. Nice.

Habang nag-iintay ako sa sunod kong klase, nagpunta na muna ako sa canteen para mag-almusal. This is my first time na magbreakfast sa school, sana lang masarap ang sinangag nila.

Serendipity's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon