Tumitig ka sakin, napangiti ako.
Ikaw na, best friend ko.
Lagi tayong magkasama, madalas napagkakamalan pa nga ng iba na tayo, eh. Pero pwede nga ba?
Ang hirap na kasing itago. Ang hirap na magpanggap. Ang hirap — ang sakit na kasi.
Nakakainis. Ang LANDI ko, sayo pa ako nagkagusto. Ikaw na, best friend ko.
Simula grade one, gusto na kita. Maaga ba akong lumandi? Sayo lang naman ako nagkaganito, eh.
College na tayo, pero hindi ko parin masabi sayo. Natatakot ako —baka kasi iwasan mo ako.
Kung ikaw siguro ang nasa posisyon ko, sobrang tagal mo na sigurong sumuko. Pero ako, maghihintay pa din.
Ang daming nagkakagusto sayo. Pero ni isa wala kang pinansin. Mali ba na umasa ako, na gusto mo din ako — kahit konti lang.
Ganito talaga siguro ang magmahal, hindi lahat masaya, kailangan mo ring masaktan.
Kaarawan mo na, at handa na akong sabihin sayo. Oo, handa na ako sa mangyayari pagkatapos kong sabihin sayo ang siyam na letra na may apat na patinig at limang katinig. Handa na ako.
Dumating ang araw ng iyong ika-labing siyam na kaarawan.
"Kurt, Maligayang kaarawan!" Masayang bati ko sayo. Napakagwapo mo, ikaw na best friend ko.
"Salamat, Eunice." Ngumiti ka, dahilan para makita ko ang dalawang biloy sa iyong pisngi.
"M-may sasabihin ako sayo, Kurt." Eto na, handa na talaga ako.
"Ano iyon, Eunice?"
Ipinikit ko ang mata ko at huminga ng malilim, at diretsong tumingin sa iyong mga mata.
"N-nasan ang banyo niyo?"
ASDFGHJKL. Haybuhay! Bakit iyon ang nasabi ko?
Tumawa ka at itinuro ang daan papuntang inidoro.
Nakakatawa nga siguro ang nangyari sakin.
Pinakamasarap na pakiramdam sa mundo ay ang gawin mo ang mga bagay na hindi alam ng iba na kaya mong gawin.
Siguro sa susunod na kaarawan na lang ulit nya. Oo, sana nga.
---X
© IyaMii █║▌│█│║▌║││█║▌║