Pluviophile (n) a lover of rain; someone who finds joy and piece of mind during rainy days.
----X
Sa bawat patak ng ulan, katumbas ng ligaya. Oo, simple lang ang kaligayahan ko. Iyon ang ang pagbuhos ng ulan.
Hindi naman ako babalik dito at maghihintay kundi dahil sa kanya.
Sabi niya kasi, babalikan niya ako at mahahalin gaya ng pagmamahal na ibinigay ko sa kanya.
***
Umaga. Dito nagsisimula ang lahat ng tao na kumilos, natural dahil kapag umaga senyales na gigising ka sa pagtulog, gagayak pagpasok ng trabaho o kaya sa eskwelahan.
Pero para sakin ang umaga ay hudyat ng panibagong pag-asa. Pag-asa na sana dumating siya.
Kababata. Ang sarap magkaroon niyan. Iyan yung lagi mong kasama noong bata ka pa lamang.
Nandito ako ngayon, sa playground kung saan una kaming nagkita.
Somewhere in every childhood there's someone we can't forget. Somewhere in every heart there's a way to come back.
May mga batang naglalaro. May napansin ako, isang batang babae at lalaki at tingin ko nag-aaway sila tapos biglang umiyak yung babae. Tumayo ako at lumapit sa kanila.
"Uy, sorry na. Eto na yung teddy bear mo oh. Niloloko lang naman kita eh. Sorry na." Sabi nung batang lalaki, napangiti ako. Nakakatuwa silang tignan, parang dati kami din ganyan.
"I-ikaw kasi eh. A-ayoko. H-hindi kita bati." Sagot naman nung batang babae na umiiyak.
"Ano bang gusto mong gawin ko." Naks! Pa-chicks kasi masyadong si baby girl eh, cool naman ni baby boy.
"K-kiss mo ako dito." Tapos tinuro nung batang babae yung labi niya. Nagulat naman si baby boy tapos ngumiti.
Muntik ng lumabas yung mata ko sa sobrang gulat. Jusko! Ganito na din ba ang mga bata ngayon! Nakakaloka!
"Oy mga bata. Anong nangyayari dito?"
"W-wala po." Sabay nilang sabi habang nakayuko.
"Nakuuu, kayo talaga. Narinig ko ang pinag-uusapan niyo ah." Tumingin ako kay baby girl " Baby girl, bawal nyo pang gawin yun ah. Mga baby pa kayo."
"J-joke ko lang po yun." Sagot niya.
"Gusto niyo bang kwentuhan ko kayo?" Tanong ko. "Yay! Sige po."
"May isang batang babae at isang batang lalaki, simula pagkasilang nila lagi na silang magkasama madalas nasa playground sila tapos naglalaro o kaya sa may burol. Napakasaya nilang dalawa kaso isang araw biglang dumating ang hindi inaasahang bagay, kailangan nilang magkalayo."
"Bakit po sila nagkalayo?" tanong ni baby girl.
"Namatay kasi yung magulang nung batang lalaki, kaya kailangan nyang pumunta sa Maynila dahil duon na daw siya titira pero bago iyon nagpangako ang lalaki na babalikan siya nito."
"Nakakalungkot naman po pala. Eh nabalikan na po ba nung lalaki yung pangako niya?" tanong ni baby boy.
"Oo, alam kong tutuparin niya iyon." sabi ko ng mahina. "Osiya sige aalis na ako ah. Nakalimutan kong magpakilala sa inyo, ako nga pala si Yana." at ngumiti ako sa kanilang dalawa.
"Ako po si Jasmine ay siya naman po si Seth." sabi ni Jasmine.
"Natutuwa akong makilala kayo. Sige Jasmine at Seth, aalis na si Ate Yana, sana magkita pa ulit tayo dito." at sinuklian naman nila ako ng ngiti.
At umalis na ako. Malapit na, malapit ng umulan.
Pumunta ako sa ituktok ng burol at hinihintay ang isa isang pagbagsak ng ulan.
I felt a hot liquid that running in my chicks. I feel like I'm waiting for something that isn't going to happen but I think a part of me will always be waiting for me, I know that, he promised.
Another days, weeks, months had been passed, I'm still waiting and wishing cause good things comes to those who waits.
Nandito ako ngayon sa burol, naghihintay parin sa pagbabalik mo. Nahulog na yata ako sa ulan, lagi kasi syang andyan kapag malungkot ako at walang nakakakita saking lumuluha.
I think I will be waiting for sadness to kill me, again.
Cause just like other people wait all week for friday, all year for summer, all life for happiness.
I waited,
Still waiting,
But you never came,
Cause I have died everyday waiting for you, Rain.
Nang umuwi ako ng bahay may balitang dumating na akala ko ikasasaya ko,
Ikakasal ka na pala, Rain.
And there I felt like the world left me, alone. My heart is taken by you, broken by you, and now it is in pieces because of you.
----X
Iya's Message: Yay! I hope you like it! :*
© IyaMii █║▌│█│║▌║││█║▌║