Unknown # 5

16 1 0
                                    

Kung ang dulo ay magiging simula,
Kung ang pagsisisi ay laging nasa una,
Kung ang gabi ay magsisilbing umaga,
Kung ang paalam ay hudyat ng pakikipagkilala,
Hindi na sana ako nanatili at nagpakatanga.

Isa. Dalawa. Tatlo.
Tatlong salita ang bumasag sa katahimikan ng alon,
mga alaalang patuloy na dinadala ng kahapon,
Para bang isang lenggwahe na hindi maintindihan ng isipan,
ngunit naramdaman ng bawat parte ng katawan.

Tinapos mo na.
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa apat na sulok ng kwarto
pagkatapos mong pagsawaan ang katawan ko,
at iparamdam na wala akong halaga para sa'yo,
Nakakagago.

Nakakagago na sa mismong silid na ito ay saksi
kung pano ko sinambit sa iyong 'Mahal kita.'
Kung paanong ang mga dingding ay narinig ang ating halinghing
sa mga panahong pareho tayong walang wala.

Ngunit saan tayo neto dinala?
Puro kasarapan nga lang ba ang sagot
sa mga tanong at pangyayaring hindi malimot
at humantong sa puntong naging bulag dahil sa takot?


Pero tapos na.

Tapos na at ubos na ubos na ko.

At sa susunod na magmamahal ako,
sisiguraduhin kong hindi isang putanginang katulad mo.

Spilled InkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon