Kung dumating ang panahon,
Na ang ako ay kulang pa,
At ang salitang tayo, ay naging magulo
Wag kang mag-alala, hindi parin ako susuko.Dahil ang pagsuko ay hudyat ng pagbitaw,
Pagbitaw sa mga pangarap at pangako na balang araw
Ang salitang ikaw at ako,
Ay bubuo ng isang mundo, na magkasama tayo.Kung dumating ang panahon,
Na ang dati'y naging malungkot,
At ang ngiti ay napalitan ng luha at poot,
Wag kang mag-alala, hindi parin ako susuko.Dahil ang pagsuko ay hudyat ng paglisan,
Paglisan sa mga alaalang hindi ko magawang bitawan
At ang salitang ikaw at ako,
Ay pipilitin kong masaya, pangako ko iyon sa iyo.Kung dumating ang panahon,
Na nasasakal ka na sa relasyong ito,
Na para bang nabubuhay ka na lang sa isang ilusyon,
Wag kang mag-alala, natanggap ko na.Natanggap ko na, na kahit anong pangako, alaala, luha o salita
Ay hindi magiging sapat para manatili ka sa salitang tayo
At ngayon, malaya ka na, sumusuko na ko.
Patawad naging mahina ako, patawad dahil hanggang dito na lang ang kaya ko.