Confession

88 5 0
                                    

I don't know how to move on with this situation , so I decided to send a confession.

"Friend Request"


 Ang storyang nagsimula sa friend request, mauwi kaya sa pag-unfriend?


Matagal na ang nakalipas mula nang mangyari sa akin ito ngunit hindi ko pa rin maiwasang magbaliktanaw sa mga nangyari noong nakaraang buwan. Marso noon, patapos na ang pasukan ngunit di pa rin maiiwasan ang pagiging abala. Nagtambakan na rin kasi ang mga requirements para makapasa. Masakit man ang ulo sa sobrang pag-iisip ay di ko pa rin maiwasan ang ang isingit kahit na saglit ang mag-log-in at buksan ang aking Facebook account. Gamit ang cellphone na may keypad, agad kong ni-type ang aking username at password saka ni-click ang log-in. Hindi ako mahilig mag-load gaya ng iba kaya naman ang gamit ko lang ay free data. Matapos mag-loading ay agad kong tiningnan ang mga post sa newsfeed. 



 "Ano ba naman to puro hugot na naman." Nasambit ko na lang. 



 Natatandaan ko noong bagong gawa ko pa lang ng account ay puro joke ang laman ng newsfeed, tapos naging pick-up lines, hanggang sa naging banat, ngayon ay mga hugot naman ang nauuso. Natatawa na lang ako sa ideya ng mga tao kung paano nila ipahayag ang kanilang nararamdaman. Hindi kasi ako showy na tao, ni pati sa Facebook ay di rin ako mahilig mag-post; madalas na ang dalawang beses sa isang Linggo. Napukaw ang atensyon ko ng makita ang post ng isang tao sa group. Malamang hindi ko siya friend kasi ngayon ko lang nakita yung name niya sa timeline ko. Ni-click ang kanyang name at tumambad sa akin ang guwapong mukha ng profile pic niya. Nakakapanghinayang nga lang dahil hindi ko makita ang ibang photos niya. Hindi na ako nagatubili pa at nag-send na ng friend request. Laking tuwa ko ng agad niya akong in-accept. Mula rito ay pumasok sa isipan ko ang isang pilyang ideya.



 Simula nang maging friend ko siya ay palagi kong inaabangan ang status niya, hindi ko nakaliligtaang mag-visit sa kanyang wall, i-like ito at mag-comment para mapansin. Isang araw ay pumayag akong i-real talk niya ang profie pic ko, nagkataon noon na online ako sa web. Laking gulat ko nang makita ang notification na: Jae Shone commented on your photo and it states that "simple pero cute." Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko. Muntik ko nang makalimutan na nasa computer shop ako. Hindi ko naman magawang sumigaw dahil maraming tao. I just commented thanks with a smile emoticon. I can't forget the day he commented on my photo. I just found myself smiling whenever I'm visiting his wall. He asked what my reaction beyond his comment was. I commented on his post na: "Akala ko nga paasa ka lang eh." Kahit masakit ang kamay ko sa pagsusulat ng mga outlines a steno, hindi ko talaga pinalampas ang pagkakataon na iyon. I was surprised when he replied: "Marami na nga kayo eh." Dapat maasar ako kasi ganun yung repy niya pero imbis na inis ang aking madama ay nangibabaw ang tuwa. Days passed by until the Palm Sunday came. Nagsimula na ang Holy Week at tulad ng nakagawian ko nang gawin, I open my account. 



 Lumipas ang dalawang linggo mula noong in-accept niya ang friend request ko ngunit isang bagay lang ang aking labis na pinagtatakhan, ano kaya ang dahilan kung bakit hindi siya nakikipag-chat. I accidentally left my phone after I had commented on his post, but unfortunately my friend saw it.



"Uy wag kang papaloko, mukhang poser yan." She advised but I just ignore it. 



 "Wala namang masama. As long as I'm happy commenting on his post, I don't ever care anymore." I say to myself.



 Nang dahil sa accusation ng friend ko, I stalked his account. Wala pa siyang masyadong likers noong past few years but then on the year 2014, I found out something. Isa pala siya sa mga taong niwan at nasaktan. Paano ko nalaman? It's simple, puro lang naman patama yung mga post niya tungkol sa kanyang ex na di ko alam ang name. Mag-cocoment sana ako dun sa naunang post niya ng: "Ano? Musta puso? Wasak pa ba ? Kasi yung akin may crack pa." But something captured my attention at yun ang bagong status niya: "Hayop kang pa-fall ka!", then I burst out laughing. Alam kong medyo harsh yung word na nagamit niya pero hindi ko mapigilang tumawa. That was exactly my idea! Ang magpapansin sa kanya para ma-fall siya.



Kung iisipin mo ay mukhang imposible nung una,kasi famous siya at may hitsura, pero di pa rin siya nakaligtas sa taglay kong sipag at tiyaga. I may sound evil but who cares, all was just a game at ang pagkakamali niya ay nakipaglaro siya ng patas. I was just bored that time but unfortunately, yung feelings niya ang napag-trip-an kong paglaruan. Nagmumukha na akong baliw sa kakangiti ko, muntik na ngang makalimutan na noon ay Biyernes Santo. Marami nang nagbago mula nang maging friend ko siya, naging masayahin ako, palangiti, at tawa nang tawa. Hindi ko rin namalayan na naging dependent ako. Halos naging Facebook na lang ang buhay ko. Kapag na-lowbat, icha-charge, at pag full-battery na, tingin na naman sa newsfeed ko. Di ko tuloy maiwasan itanong sa isip ko; "Sino bang na-fall? Siya o ako?, Ako ba yung nanloko o ako ang naloko?" 



 Nung araw din na iyon nagpost siya na: "Natatakot akong umamin sayo na gusto kita, kasi baka iwasan mo ako kapag nalaman mo na. #mahal kita." I assumed na ako yung gusto niya. Pinaniwalaan ko na 'ako daw yung taong mahal niya'. Not until Trixie Domingo commented on his post na 'girlfriend daw niya sa personal'. Sinundan pa ito nung isa sa friend niya ng: "Ako po ba yung gusto niyo?". I got surprised by his reply na: "Ngayon nga lang kita nakita eh. Di naman kita kilala." The reality hits me badly. Sino nga ba ako sa kanya? Isa lang naman ako sa mga naging friend niya dahil ako pa ang nag-add sa kanya. He just accepted my friend request and nothing more. Wala nang dapat asahan pa dahil di naman niya ako kilala. I was just playing all along when he join me, pero imbis na i-enjoy ang laro nagkamali ako. Isang pagkakamali na labis kong pinagsisihan. Imbis na maging masaya, nasaktan ako nang sobra. Alam mo kung bakit? Kasi sobra kong sineryoso.



 It was Easter Sunday pero mukhang pang Biyernes Santo ang aking mukha. Paano ba naman sa comment box niya puro I Love You-han nilang dalawa. Sino ba namang matutuwa diba? Naiinis ako, hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa sarili ko. Marinig ko pa nga lang ang pangalang Trixie kumukulo na ang dugo ko. I tried to forget him pero sadyang makulit ang mga kamay ko. Kusa ko na lang kasing naki-click ang chat para tingnan kung online siya, at nata-type sa search box ang name niya para i-stalk ang kanyang timeline. Para lang maisakatuparan ko ang paglimot sa kanya, sinadya kong lumayo sa cellphone at hindi mag-online kaso di ko kinaya. Wala pang 24-hours ay sumuko na ako at tiningnan ang timeline niya. Umasa ako na single siya kasi yun ang nakalagay sa relationship status niya. Wala akong ibang magawa kundi titigan ang mga post niya. Hindi ko na rin kasi ito nila-like mula nang malaman ko na may Trixie na siya. 



 Marso noon nang magsimula ang lahat at tatlong araw bago matapos ang naturang buwan ay tuluyan na akong sumuko. Patuloy ko pa ring tinitingnan nag mga post niya pati na rin kung online siya ngunit dina gaya nang dati na inaabangan ko siya hanggang alas-dos ng umaga. Hindi ko sya ni-block ni in-unfriend. Para sa akin bitter lang ang gumagawa noon. Naging masaya ako sa sandaling pagtambay niya sa buhay koat sa sandaling iwan niya ako ay isang leksyon ang aking natutunan: "Wag kang makikipaglaro kung hindi ka handang matalo."


Nice Girl

PUP 

CLN 

BBTE

2015 

Friend Request (Ignore or Accept)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon