Delete History

22 1 0
                                    



A/N: Ano nga bang feeling ng broken? Hindi ko na kasi alam, nakalimutan ko. Este kinalimutan ko na. Salamat sa paghihintay. Enjoy! Kahit kakaunti lang. Don't worry hahabaan ko na talaga yung next. Susubukan kong maka-update kaagad. Puyat lang talaga si Author tapos pumasok ako ng alas otso then 7:30 na ng gabi ang uwi. Hahaha... Share lang.


Burahin ang mga alaala. Kalimutan ang nakaraan. Magsimulang mag-move on at harapin ang kinabukasan.

"Diba Cassandra matalino ka. Hindi ka dapat basta- bastang umiiyak dahil sa mga walang kwentang bagay. Kung hindi ka mahalaga sa kanya, okay lang. Kaya ngumiti ka na. Kalimutan mo na siya. Kung hindi niya makita ang halaga mo, pabayaan mo na lang. Ayos lang yon. Makakahanap ka rin ng taong mamahalin ka. Yung di ka sasaktan. Yung hindi ka lang pasasayahin ng saglit tapos bigla ka na lang iiwan, maghahanap ng iba, habang ikaw, mag-isang umaasa. Hindi mo naman kasalanan diba. Masama bang nagmahal ka? Siya ang masama kasi sinaktan ka niya. Dapat kasi sa simula pa lang hindi ka na naniwala. Naniwalang posibleng magkagusto siya sayo. Naniwala na posibleng maging kayo."

Kahit na kausapin ko pa ang sarili ko at kumbinsihin na maging masaya ay hindi pa rin maiwasang muling pumatak sa pisngi ko ang mga luha. Luhang hindi dulot ng saya ngunit dahil sa sakit na dinulot niya. Nasaktan ako kasi may pakialam ako sa kanya. Mahalaga siya sakin. Siya ang isa sa mga dahilan kung bakit palagi akong nakangiti. Kung bakit masaya ako palagi. Kung bakit laging maganda ang gising ko sa umaga. Kung bakit natututo akong maghintay. Maghintay kahit na sanay akong nakukuha ang mga bagay na gusto ko. Kasi mayaman ako. Konting sabi ko lang sa mga magulang ko ibinibigay na nila kaagad. Hindi ko na kailangan pang lumuhod o magmakaawa. Pero kahit mayaman ka pala napagtanto ko na may mga bagay na hindi mo maaaring makamit gamit ang pera.

Iniwan na ako nung lalaking mayabang na naka-cap matapos niyang ipa-realize sakin na hindi talaga ako mahal ni Shone. Naiwan akong nakatayo habang umiiyak at kinakausap ang sarili ko. Kinuha ko sa aking bulsa ang isang panyo para punasan ang aking mukha ngunit bigla ko itong nabitiwan. Sa pagluhod ko upang pulutin ang panyo ay nakita ko ang isang libro. Baka ito yung libro kanina nung lalaki na naka-hoodie jacket at naka-cap na sobrang yabang. Pinulot ko ito at tinitigan ang libro habang dahan- dahang tumatayo.

"Cassandra." Rinig kong tawag ni Daddy.

"Baby, halika na." Tawag naman ni Mommy.

Dali- dali kong pinulot ang nahulog kong panyo at saka pinunasan ang basa kong pisngi at mga mata. Tumayo ako at hinarap sila na may ngiti sa mukha. Tandaan mo Cassandra, hindi pinag-aaksayahan ng luha ang mga taong walang kwenta pero hindi ko maipagkakailang interesado ako dun sa lalaking mayabang kanina.

"Mommy, Daddy. Aalis na po ba tayo?" Nakangiting tanong ko. Pilit na tinatago ang sakit na kasalukuyang nararamdaman ko. Sabay- sabay kaming tatlo na lumabas sa exit ng Waltermart Tanauan. Sa wakas ay makakaalis na rin ako sa lugar na ito. Lugar kung saan nawasak ang aking puso

Tahimik lang ako sa buong biyahe. Nakikinig ng kantang "tuloy pa rin" sa cellphone ko habang kumakain ng burger Mcdo na binili ni Daddy nung dumaan kami sa may drive tru. Paulit-ulit na pinakikinggan yung kanta na animo'y di nagsasawa. Sana nga ganun lang yun kadali; katulad nung sa commercial sa tv. Na pagkakain mo bigla ka na lang magiging manhid. Bigla ka na lang makakalimot. Bigla na lang mawawala yung sakit. Parang magic. Tapos hindi ka na malulungkot. Hindi ka na iiyak. Hindi ka na masasaktan, kasi para ngang magic eh...biglaan. Sana nga parang magic na lang ang love. Kapag nasasaktan ka na nang sobra sa taong mahal mo, isang kumpas lang sapat na para maglaho lahat ng feelings mo.

Pagkababa ko ng kotse matapos ang mahabang biyahe ay dumiretso agad ako sa kwarto ko, nagbukas ng pc at nag-log-in sa fb. Bakit ko pa nga ba gagawin to kung masasaktan lang ako. Simple lang, para malaman ang totoo. Tiningnan ko ang mga post niya bago pa ang aming unang pagkikita at nakita ko ang pangalan na noon pa man ay kinaiinisan ko na. Si Trixie, siya nga. Si Trixie Domingo nga yung girlfriend niya. Bakit kailangan niya pa akong lokohin? Para may mapagtawanan siya? Sabagay, sino nga ba ako? Famous nga pala siya. Masyado lang akong nadala sa ngiti at sa tawa niya. Kahit na masakit ay pilit na binalikan ko ang mga conversation nila na sa comment box lang makikita. Halata naman na In a Relationship siya pero bakit niya pa sinabi sa akin na single siya. Para lang mag-paasa?

Humiga na lang ako sa kama ko. Hindi ko na siguro kakayanin pang mabukas muli ng facebook account ko. Nakita ko pa kasi kanina yung post niya almost a week ago matapos niyang samahan akong hanapin yung address namin. Yun sana yung panahon na maipapakilala ko na sana siya sa parents ko. Siguro nga 'everything happens for a reason'. Marahil, ay iyon din ang dahilan kung bakit wala sila Mommy nung hinatid niya ako. Mabuti na rin siguro at hindi pa sila nagkakakilala kasi ayoko rin namang malaman nila Daddy na nasaktan ako ng lalaking nakilala ko lang sa facebook.

"Masaya akong nakasama kita. Kahit na sandaling panahon lang, sapat na." Ito yung mga salitang saktong nabasa ko sa status niya. Mga salitang nakalagay sa newsfeed niya. Mga salitang eksaktong nagpaniwala sa akin na may pakialam siya. Nung araw na nag-reaction ako ng love sa post niya, actually hindi lang basta reaction yon. Kasi nung pinusuan ko yung saktong status niya na iyon dun ko tuluyang isinuko ang puso ko. Walang pag-aalinlangan kong ipinaubaya sa kanya kahit na wala namang assurance na aalagaan nga niya.

Nakatulog ako na basa ang kumot at mga unan ko ng aking sariling luha. Inisip ko na lang na kung hindi ako iiyak at ilalabas lahat ng hinanakit ko ay mas lalo lang akong mahihirapan. Hindi naman talaga maituturing na mahina ang isang tao kapag nakita mo siyang umiiyak. Sa tingin ko mas matapang pa nga ang mga taong kayang ipakita na nasasaktan sila kasi hindi sila nahihiya na malaman ng iba na minsan nabigo sila. Na dumating sila sa punto na hindi nangyari yung inaasahan nila. Pero imbis na sabihin ang salitang "suko na 'ko" mas pinili nilang tanggapin na lang na may mga bagay na hindi inilaan para sa kanila kundi para sa ibang tao.

Hindi ko na namalayan kung ilang araw na nga ba ang lumipas mula nang ma-broken hearted ako. Namalayan ko na lang isang araw na gumigising na lang ako ng maaga. Hindi dahil sa kanya kundi para pumasok na sa eskwela. Transfered student nga pala ako dito kaya wala pa akong masyadong kakilala. Ang nakakausap ko pa lang na mga tao ay yung mga ka-blockmate ko. Walang nagbago. Hindi pala, meron pala. Ako mismo ang nagbago. Ayoko nang masaktan takot na ako.

Hindi man ngayon, bukas, sa isang araw o sa isang linggo. Balang araw, Jae Shone. Malilimutan rin kita gaya ng ginawa mong paglimot sakin. Kakayanin ko rin to.


Friend Request (Ignore or Accept)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon