Watch the video above...
Hindi yung pagre-rate niya base sa profile pic mo kundi yung pag-uusap niyo ng harap-harapan at totoo.
#realtalk
"Jae Shone miss na kita."
Sinadya kong mag-post habang online siya at napasigaw ako nang makitang pangalawa siya sa nag-like ng status ko. Naiinis ako sa kanya, halos paulit-ulit ko ngang binabato yung cellphone sa kama. Lagi ko ding sinasabi na: "Pag nagkita tayo, talagang susuntukin kita." Mahabang panahon akong di nakapag-online, siguro mga apat na raw. Wag kang magreact , sadyang mahabang panahon na iyon para sa facebook addict na tulad kong hindi mabitiwan ang cellphone kahit na naka-charge. Nakakaasar kasi naging busy ako. Inayos ko kasi yung mga requirements ko sa pagta-transfer ng school. Taga-Laguna ako samantalang sa Maynila naman ako lilipat, ang layo no? Mula kasi nung bata ako ay si Lola ang nag-alaga sa akin, tutal naman at college na ako, sa Maynila na daw ako tumira. Hindi naman kasi pwede na dito ako mag-aaral tapos sa Maynila pa ako uuwi kaya kailangan ko talagang mag-transfer.
Sa paglipat ko ng tirahan ay sana makalimutan ko na rin siya. Ayoko rin namang umasa kasi may gf na siya. Bago tuluyang umalis ng bahay ay tiningnan ko muna ang timeline niya. Aba! Ginaya pa ako na hindi nag-online nang matagal. Paano ba naman kasi yung post niya ay nung last four days pa, gaya nung huling pag-o-online ko bago ko ayusin ang aking mga transfer papers. Andito na ko ngayon sa Maynila at bitbit ang mabigat ko na bagahe at hawak ng isang kamay ko ang maleta. Hindi na ako nag-abalang magpasundo pa kasi alam kong busy na naman sila. Dahil na rin sa abala ako sa pagtingin sa naglalakihang mga gusali ay may nabangga tuloy akong isang lalaki. Yumuko ako upang pulutin ang phone niya ay nang magtama ang aming mga mata, isang pangalan ang aking nabanggit; "Jae Shone?"
Saglit akong napatulala. Pakiramdam ko tumigil ang paggalaw ng mga tao sa paligid naming dalawa. Saglit na nawala ang mga tunog na galing sa motor ng sasakyan, tsismisan ng tao sa daan at maging hiyawan ng mga batang naglalaro sa kalsada. Tanging tibok lamang ng puso ko ang aking naririnig sa mga sandaling iyon na naging musika sa aking tenga.
"Ikaw si Cassandra?" At talagang nagtanong pa siya, gaya-gaya talaga! Inaya niya akong kumain muna sa Karinderya. Natawa ako nung tinanong niya na: "Naglayas ka ba?", hindi man lang talaga muna ako kinamusta. Ba't ba naman kasi nakatira ang mga magulang ko sa Maynila? Ayan tuloy, tuluyan na naman akong aasa.
Ang una kong tinanong ay kung may girlfriend ba siya at ang sagot niya ay wala. Nasigawan ko tuloy siya ng: "Eh sino yung ka-I love you-han mo sa comment box!" At tinawanan pa ako ng loko.
"Bakit, nagseselos ka ba?" Sabi niya pa. Gaya nang pinapangarap ko sinuntok ko siya sa braso. Iba pala kapag narinig mo yung totoong tawa niya, kaysa sa Facebook mo lang nakikita na "Hahaha..." at may blush emoticon pa.
"Anong gusto mong kainin? Libre ko." Yun ang sinabi niya. Nag-aalangan akong sumagot dahil hindi pa ako nakakapunta sa karinderya. Hindi ko rin alam kung bakit ako sumama eh sa totoo lang di ko pa naman talaga siya lubusang kakilala. Pero sa pagkakatanda ko, kapag napapadaan ako sa may kainan ay ulam ang tinda nila.
"Kahit ano, basta libre mo." Sagot ko sa tanong niya. Pumunta siya sa may lamesa na may mga nakapatong na kaserola at isa-isang binuklat ang mga takip nito. Wala ba talagang nagse-serve dito tulad ng sa restaurant na inaasikaso ng waiter at pinapipili pa ng menu.
Lumapit siya sa akin na may dalang dalawang plato ng kanin at isang mangkok na may laman na itim na pagkain. Muli siyang bumalik sa tindera at nang lumapit sa aming lamesa ay may bitbit na siyang sabaw. Nagtataka kong tiningnan ang pagkain na nilapag niya habang bahagyang nakakunot ang noo. Bago ko pa man tanungin kung ano yung binili niya ay nagsalita na siya.
"Ganito talaga sa karinderya may libreng sabaw. Libre lang to kaya walang laman. Ito namang nasa kabilang mangkok ay dinuguan, gawa sa dugo ng baboy.
Kahit na naipaliwanag mo na ang bagay na gusto kong malaman ay hindi ko pa rin inaalis ang paningin ko sa pagkaing nilapag mo na naging dahilan upang tanungin mo ako.
"Bakit ayaw mo ba? Gusto mong palitan ko?"
"Hindi, ang weird lang na kumakain ka ng dugo. Bampira ka ba?"
"Bakit?" Tanong mo sa akin habang pinipigil ang iyong pagtawa
"Ba't bakit ang sinagot mo hindi naman pick-up lines yon, tsaka wag mo nga akong tawanan. Ang puti-puti mo kasi, kumakain ka rin ng dugo, tsaka may hitsura ka. Sabihin mo nga sakin ang totoo, bampira ka ba?"
Okay lang naman sa akin kahit bampira siya. Kung siya si Edward Cullen, ako naman si Bella. Handa akong mamuhay kasama siya kahit ano pa man ang kapalit. Kahit na malayo ang pag-kakaiba namin sa isa't-isa, ayos lang sakin. Basta ang mahalaga sabihin niya sakin na ako ang mahal niya. Kaso hindi ang isinagot niya.
Para saan nga ba ang isinagot niya na 'hindi'? Dun sa tanong ko na bampira siya o sa nasa isipan kong ako ba ang mahal niya?
Ayokong ipahalata na gusto ko siya, lalo na nung nalaman kong totoo ngang single siya. Kinuwento ko sa kanya na dito na ako titira. Napakasaya ko kasi di niya ako tinuring na iba, parang close na close kami, ayun tuloy nasuntok ko siya sa braso at bilang ganti, pinisil niya ang pisngi ko.
"Grabe kung makapisil ah! Parang ang taba ko naman."
"Ikaw nga ang lakas mong manuntok, daig pa si Manny Pacquiao."
Nakalimutan kong kakain nga pala tayo at muling natauhan nung sabihan tayo ng tinderang: "Uy, ang babata niyo pa magtatanan na agad kayo? Hindi niyo manlang ba inisip na pinaghirapan kayong palakihin ng mga magulang niyo. Mga kabataan nga naman ngayon padalus-dalos sa mga desisyon, masyadong mapupusok."
Kapwa kaming napalingon sa tindera, napatingin sa maleta at nagkatitigan sa isa't-isa bago tuluyang humagalpak sa katatawa.
Hindi ko napansing kumakain na siya. Napansin ko na lang na nabulunan na pala siya nung nakita kong hinahampas niya ang kanang parte ng kanyang dibdib.
Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na nung napansin kong kami na lang ang naiwan sa karinderya. Siguro naasar yung tindera nung pagtawanan namin siya. Lumingon ako sa paligid at nakita ang pitsel ng tubig at mga basong nakataob sa tray. Dali-dali ko itong kinuha, natapunan ko pa nga siya ng tubig bago ko maisalin ito. Hindi ko alam kung sinadya niyang hawakan yung kamay ko habang umiinom siya sa baso, pero di ko maipagkakailang kinilig ako.
"Mukhang mamamatay pa yata ako bago kita tuluyang mapakasalan." Bulong niya pero narinig ko.
"Anong kasal yung sinasabi mo."
"Wala, ang sabi ko parang sinakal ako kanina. Hindi ako makahinga." Maniniwala na sana akong mahal mo na ako kaso mukhang nagkamali lang ang pandinig ko.
Nabigla ako nung tumayo siya kaya napatayo rin ako. Hinigit niya ang kamay ko at sabay kaming tumakbo. Akala ko perfect moment na kasi masaya na akong kasama siya, not until maalala kong naiwan ko ang bag ko at yung maleta.
"Ba't ba tayo natakbo?" Tinanong ko siya.
"Kasi di ko pa nababayaran yung pagkain sa karinderya."
"Ikaw ah, may pagkapilyo ka." Hinarap niya ako nang may ngiti sa kanyang labi.
"Balik tayo, samahan mo kong kunin yung mga gamit ko." Ngunit agad na naglaho noong marinig niya ang mga salitang binitiwan ko.
BINABASA MO ANG
Friend Request (Ignore or Accept)
RomanceSi Cassandra Miguel ay isang simpleng babae na na-in love sa isang lalaking nagngangalang Jae Shone na nakilala niya lang sa Facebook. Sa simpleng pag-send ng friend request nagsimula ang lahat. Ano kaya ang maaaring kahantungan kung wala naman ta...