Comments

23 1 0
                                    


Oo, Pumatol ako sa isang Page ng Secret Files at nag-confess. Alam ko naman na wala akong mapapala kasi hindi naman niya iyon mababasa. Sa isang University iyon na secret files at panigurado akong hindi niya iyon makikita kasi nagkalat na ang mga confession pages sa facebook. Nagbakasakali ako na makahingi ng advice at matulungan ng mga nagbabasa sa page na iyon.


 Naging adik rin kasi ako sa pagbabasa ng mga confession. Madalas puro mga bigo ang nagco-confess na tao, kung di naman ay yung mga nangloko. Sana tulad ng ilan na nag-share ng kanilang experiences ay naging masaya rin ang ending nung akin. Sana hindi lang ako yung may pakialam. Sana kahit isang saglit napansin niya yung paglalaan ko ng oras para sa kanya, yung pagpupuyat ko para lang maabutan na online siya at pati na rin yung pagtambay sa timeline niya para makita ang latest na status niya. Sana nga , hindi lang ako puro asa. Palaging umaasa pero wala namang napapala.


 Anong magagawa ko? Na-broken hearted lang naman ako sa isang tao na hindi ko pa nakikilala sa personal, umibig sa kanya dahil sa nakakatawang mga post niya, naakit sa profile picture niya at ngayon ay mukhang baliw na umiiyak habang tumatawa. Wala pang isang oras ay marami nang nag-like at nag-comment sa confession na pina-post ko.


 Michael Angelo

 Ate tara sa Quiapo, hanap ka ng panggayuma.

 Like     Reply      Report 

 "Masyado siyang religious, Talagang isasama pa ako sa Quiapo kaso ang pakay lang ay panggagayuma."

 Luci Perez 

Samahan kita sa Lola ko, pakulam mo na lang. 

Like     Reply      Report

 "Nakakatakot naman 'to." 

 Kyle Kill Lee

 Hayaan mo siya, ako na lang magmamahal sayo. 

Like     Reply     Report 

 "Mahal agad! Di ba pwedeng pakilala ka muna."

 Mike Lee 

Add mo ko sa Facebook. Ako na lang mag-cha-chat sayo kung ayaw niya. 

Like      Reply      Report

 "Nisi-seen ko nga lang yung message sa fb ko. Makipag-chat pa kaya ako sayo? Malabo." 

 Jasmin Diaz

 Ganyan talaga mga lalaki, puro paasa. Hayaan mo teh, di lang ikaw ang sawi ang puso, ako rin. Kaya di ka nag-iisa, may karamay ka.

 Like     Reply     Report

 "Ayan! Gusto ko ng karamay." 

 James Red

 I love you, akin ka na lang!

 Like       Reply      Report 

 "Buti sana kung totoong si James Reid ka. Ayoko nga sa poser!!"

 Like Reply Report 

 Masa Keith 

Move on na kasi, WALANG FOREVER!!!!!!!

 Like      Reply      Report 

 "Ay, Grabe siya. Nasaktan lang, wala na agad 'FOREVER'?"

 Bitter Ocampo

 Yan ang hirap sa mga guwapo eh! Pag hindi timer, taken. Yung iba naman lalaki rin hanap nila, tapos pag straight, suplado naman. 

Like     Reply     Report 

 "Tama ka diyan! Ruler na nga lang ang straight ngayon."

 Jan Green 

Yung Single ang status tapos 'In a relationship' naman pala. Kaazar!! Grabe siya parang pang-wattpad yung story, ang haba ng confession. 

 Like      Reply      Report 

 "Mukhang magandang idea yan.  Mai-publish nga yung confession ko sa wattpad!"

 Trixie Domingo

 Kilala ko yan! 

Like      Reply      Report 

 "What the –" Did she just commented on my confession


Friend Request (Ignore or Accept)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon