Aftermath
Ang crush kong panget
Entry 2Author's note: ang estoryang ito ay bunga lang ng aking imahinasyon at pawang kathang-isip po lamang. Maaari po lamang na wag ninyong ikukumpara sa mga pangyayari sa totoong buhay.
(*.*)
Ang mga karakter sa estoryang ito, kung may pagkakahawig man sa totoong buhay ay di po sinasadya ng author.
Ito ay isang plugging para sa next story ko na matagal ko ng pinagplanohan.. Ang Finding Mr. Prince in shining armour ( on hold). Pls basahin nyo. Leave a comment or two then remember to vote.
:)
----------------------In times of despair and shame nakaya ko pang magselfie. Asese!
(*^*)
I sat on the throne and I feel something strange...
parang may nararamdaman akong mabigat sa dibdib ko...hindi po sa pwet. Sa dibdib.
Nang bigla kong naalala ang nangyari kahapon....The Confession ...
Kakahiya talaga. Bakit kase inamin ko pa kay Hero na crush ko sya. Pwede naman sanang hindi na lang di ba? Ano ba ang in-expect ko? Ang sabihin nya sa akin na maganda ako? O di naman kaya ay sasabihin niyang naiisip nya rin ako o di naman kaya affected din sya kung nandyan ako? Nababaliw na yata ako. Nag- i-ilusyon. Iyong mga kaklase nga niya na sobrang seksi at magaganda pa eh di nga nya yata sinabihang crush niya. Ako pa kaya!? Sana naging high school ulit ako. Para posibleng magkaganun nga.
Eh kung naging magkaklase naman kami, mapapansin kaya niya ako? Kung ipinanganak sana kaming pareho ang taon, at naging magkaklase kami, magugustuhan kaya nya ako? Imposible!!! Alam nyo bakit? Kase may naririnig akong chismis tungkol sa kanya... Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong bakla sya? Kase sa sobra nyang vain, wala pa syang gf at masyadong picky sa girl... Di ka kaya magduda?
Hay naku! Girls nga naman. Mag-iimbento ng anu-ano para gawing defense mechanism kung di sila crush nung crush nila.Tapos na akong magbawas (ew!) at naligo na.
Bagong rebond hair ko kaya marami ang nilalagay kong Dove conditioner. Pink ginagamit ko kase mabango. At habang mina-massage ko hair ko with the conditioner on my hair, siya pa rin nasa isip ko.
" There's a hero... When you look inside your heart...
Mmm mmmm mmm mmmm
Nah naaa na naaaaah.."
Dko alam lyrics kaya naghum na lng ako. Dko napansin kumakanta na pala ako.. Tinutukso ko kase sya ng kantang iyon.
(~ ~)" OB ka talaga!"
Nag-echo na naman ang kunsensya sa utak ko. Ay, di pala. Boses ni Bess pala iyon.." Obsessed na kung obsessed".
I talked to myself while rinsing my hair. And when I'm done, lumabas na ako sa banyo at nagbihis na.Habang nagbibihis ako,
" kaya ko bang harapin si Hero ngayon? Paano kung malalaman ng mga estudyante ko ang ginawa ko kahapon? Magpapaka-epal na lang ako.
"oo, inamin ko sa kanya. Ganun lng iyon. Walang malisya. Basta na-amaze lng ako sa ngipin niyang sungki!" pagju-justify ko sa aking ginawa sa harap mismo ng salamin kaharap ang sarili kong mukha. Parang kinakausap sarili ko at nagpapractice. Para na ring kinu-convince ko ang sarili ko na ok lang ginawa ko at para magkaroon ng courage na harapin sya. Kahit hindi.
Dahil wala.
Pagkarating ko sa school, mukha niya kaagad hinahanap ko. Ang kahihiyan ay napalitan na ng excitement. Akala ko ba effective ang pag-fess up ko sa kanya? Eh bakit hinahanap ko pa rin sya? Ayyyy! Anak ng tipaklong.
Napamahal na kaya ang panget na iyon sa akin? Wag naman sana.
Nagmamadali akong naglakad para magtime in hindi dahil male-late na ako kundi dahil gusto ko ng pumunta sa rehearsal room.
" Napaka Obsessed mo!" naririnig ko na naman boses ni Bess. Siya ang may kasalanan nitong lahat, eh.
Mag isa lang ako sa rehearsal room. Di ko sya nakita. Nakababa kase blinds ng room nila. Diko tuloy makita si Hero kahit nasa kabilang room lng sya.
Hmp!
Napag -isipan ko na lng magkeyboard at kumanta.Kailan by smokey mountain
"Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika'y nakikita
Sana nama'y magpakilala
Ilang ulit nang nagkabangga
Aklat kong dala'y pinulot mo pa
'Di ka pa rin nagpakilala