Beep
What's that sound?
Beep
Dahan-dahan ay nararamdaman ko ang sakit sakit ng buo kong katawan.
Beep
Dahan-dahan ay nararamdaman ko ang katawan kong unti-unting bumabalik sa kamalayan.
Beep
Every inch ng katawan ko ay masakit, mahapdi, at di ko maintindihan ang sakit...
Beep
Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata.
Beep
Gusto kong umiyak sa nararamdaman kong sakit.
Beep
Ansakit sakit ng ulo ko! Ang kamay ko! Ang tagiliran ko!
Beep
Ang likud ko!ansakiiiiit! Lahat masakit.
Beep
Nasaan ba ako?
Beep
Nang naimulat ko na mga mata ko ay pinikit ko ulit ang mga ito dahil nasisinagan.
Beep
Kailangan pa mag adjust sa light.
Beep
Nasaan ba sila mommy at daddy?
Beep
Binuksan ko ulit ang aking mga mata. Ngunit masakit pa rin ang mga to.
Beep
Pinikit ko ulit ang aking mga mata. Pilit na inaalala kung anong nangyari.
Beep
Sumasakit lalo ang ulo ko sa kakaisip nang may narinig ako sa labas mg kwarto nag-uusap.
Beep
Kilala ko ang mga boses na yun pero hindi ako sigurado kung sino.
Beep
Familiar lng pero diko kilala. Hindi ko masyadong naiintindihan ang pinag uusapan nila.
Beep
Door opens
" Good morning, Nurse. Bibisita lang ulit kay maam Tricia"
Sabi nung isang lalake.
Beep
Ako pala hinahanap.
"ok, pero Isa lang ang pwedeng pumasok dito sa ICU ha. As usual. Ikaw lang ba mag-isa ngayon, Hero?"
nurse yata kausap nya.
Beep
Pero ano raw?
HERO ang pangalan niya?
Sounds familiar.gusto kong ibuka mga mata ko pero naluluha pa ang mga to.
Beep
Diko pa kase masyadong maibuka mga mata kase naninibago pa.
Beep
Ano ba itong nakakainis na tunog. Beep ng beep!
Heart monitor siguro.
Beep
Ayan na naman.
Beep
"Good morning, Trish."sabi nung lalake. Mas malakas na boses nya. Malamang mas malapit na sya sa akin. Familiar talaga boses nya eh.