Confrontation

35 2 2
                                    

The confrontation

Kinaumagahan, as expected, maga na naman ang aking mga mata. Sinipat ko iyon sa salamin na nasa banyo namin. Eversince inamin ko sa kanyang crush ko sya maaga na akong gumigising. Ewan kung bakit. Siguro excited akong makita sya.

Habang nagri-rinse ako ng hair. Napakanta na naman ako ng 'Hero by Mariah Carey'. Meaning, subconciously, naiisip ko na naman sya.

Kahit di ko na ime-mention name nya maaalala ko talaga sya. Kase sa tuwing naaamoy ko ang Pink Dove conditioner sa buhok ko sya palagi nasa isip ko. Kaya siguro nagiging automatic na. Parang naging routine ko na.

Ganun daw yun kase. May mga bagay na maaaring magpapaalala sa iyo dahil nai-incorporate mo sa kanya ang bagay na iyon. Parang transference... Sana di mali ang pagka-explain ko. Kase baka ibagsak ako ng prof ko sa psychology. Bawiin pa niya grades ko. Joke lang.

Nasa school na ako.

Nagtime in.

Pero di na nagmamadali para lang makita sya.

Nanlulumo ako sa nangyari. Sobra akong nasaktan sa ginawa nya.

Matamlay ako today...

Natapos ang klase ko nang diki namamalayan.

Sinipat ko ang relo ko.

Alas kwatro na.

Malapit na ang practice.

Tyempo namang papasok si Hero sa rehearsal room.

At nakasunod sa kanya si Aivon.

Nakita nya siguro si Hero na papasok sa room kaya nakaready na yong nanunuksong ngiti nya.

Pero matamlay ako ngayon.. Di ako naapektuhan sa kakulitan nya nang biglang...

"Kuya Hero! Anong favorite color mo?" nanunuksong face pa rin sya.

At sumagot na man si Hero na parang proud na proud sa sagot nya.

"Green."

Ayan na naman sya. Huwag ka ngang ngumiti! Ang cute mo eh! Napaka-unfair mo. Di ko pa nalimutan tweet mo ba.

"Sabi ko sayo, maam

Eh. Ayaw mong maniwala.. Green nga favorite color ni Kuya Hero."

Oo na! Ang kulit mong bata ka. Bigyan talaga kita ng bagsak na grade.

Makikita mo.

Joke lang. Di ako ganun.

Nag-nod na lang ako sa kanya. At lumabas na sya matapos nyang ilagay bag niya sa arm chair.

Kami na lng ni Hero sa room.

Dumaan yata si God kase pareho kaming di nagsasalita.

Ang tahimik naman.

Naalala ko ulit ang tweet nya.

Hero@

  She confessed to me that she likes me but I don't like her.

Posted August 13

At napayuko na lng ako sa alaalang yon.

Then, I lift my head up and bravely asked him ...straight to his face.

" Hero, nabasa ko tweet mo kagabi." and then yumuko ulit ako.

"mmmm. Ako ba yun?" I lift my face again to see his reaction.

He smiled.

" Ay! Yun ba, maam?  Hehee

Mali ang date nun, maam.

Matagal na yun. Late ang posting sa twitter, maam."

"what do you, mean?" (@@)

" kase maam, matagal ko na yung napost. parang sira yata ang twitter. Ipopost mo ngayon, next day na date niya."

"ganun ba? Akala ko kase ako pinupuntirya mo dun. Nasaktan talaga ako." nakayuko na naman ako. May halong pait sa bawat katagang binitawan ko.

Bakit ako nagkakaganito?

"Ayaw ko kase ng ganun."

I continued. I don't know kung maniniwala ba ako sa explanation niya. Pero mas gusto kong paniwalaan na hindi ako tinutukoy nya sa twitter. Naalala ko yong nagconfess ako sa kanya. Sabi nya noon may nakapagconfess na sa kanya dati. Kaklase nya. Sana sya tinutukoy nya. Sana nga...

Or baka naman nagsisinungaling sya. Obvious kaya maga yong mga mata ko. Ayaw lng siguro nyang saktan feelings ko.  Sana nga...

Natapos ang practice namin. Di katulad nong dati na grabe ako kung makatingin sa kanya... Nakahalata na yata ang choir na ginagawa ko yun sa kanya. Pero ngayon, hindi ganun ang nangyari.

Gusto ko munang makalimot sa kanya... Sa feelings ko... Sa lahat ng nangyari.

[scolding myself:]

'He's not worth it. Estudyante sya..

Teacher ka!unethical! Unprofessional! Bawal!'

Oo na. Aaminin ko. Diko nagawang pigilan damdamin ko. Nagpadalosdalos ako. Sinunod ko advice ng bestfriend ko. Ang tanga ko. Sino ba sa aming dalawa ang matured? Ako eh. Bakit pa ako naniwala kay Bess.

Ang crush kong panget.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon