Pauwi na kami after practice sa choir. Gabi na kaya tanging lights sa hallway ang nagbibigay liwanag sa main building. Nauna ako ng ilang footsteps from the choir members including Hero nang tumawid na kami sa pedestrian lane na nasa harap lang mismo ng first gate ng school. Hawak-hawak ko ang phone ko sa kanang kamay at ang shoulder bag kong kulay dilaw na may malaking buckle sa harap at ang mga photocopies ng pyesa naman ng kantang Kaisa-isa nyan composed ni Nilo Alcala Jr. ay hawak ko sa kaliwang kamay. Imagine-nin mo na lang nahihirapan ako. Kung bakit kase hindi ko tinanggap ang tulong ni Hero kanina. Ayan tuloy nahihirapan akong bitbitin lahat ng ito.
Bumibigat ang dinadala ko lalo na ngayon na parang nahuhulog na ang mga pyesa sa pagkakahawak ko.
Bakit ko nga ba bitbit tong mga to? Ay tama! Plano ko pala tong i-staple sa bahay kase sira sira na at wala akong staple sa room.
Kailangan ko bang dalhin ito? Pwede naman pala akong manghiram na lang ng staple sa mga co-teachers ko.
Ayan na nga sinasabi ko! Nangahulog na nga mga pyesa at tyempo pang nasa gitna ako ng kalsada. Diniinan ko pa ang pagkakahawak ko sa mga papel against my body para di tuluyang mahulog pero may nakalusot pa ring mangilan-ngilan ding mga pyesa.
"Naman , oo!" napasigaw ako. Hinawakan ko ang mga pyesa gamit ang kaliwang kamay at di ko inasahang nagvibrate ang phone ko at nawala na ang concentration ko sa aking pagtawid. di ko namalayan na ako na lng pala ang naglalakad mag isa. Lahat sila huminto sa gitna ng kalsada. Narinig ko ang pag-screech ng gulong sa semento at bahagyang naramdaman kong may nag-tug ng hem sa suot kong uniform sa bandang likuran.
"
Peeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep" busina ng motorsiklo
"Maaaaaaaaaaaaaaaam!"
Nagchorus ang mga choir sa pagsigaw. Choir talaga.
" TUGGSSSSSHSSSSSK!"
I felt every inch of my body slam against every inch of something that hit me. Yung feeling na nagdive ka sa pool at sumalpak katawan mo sa tubig. Nagbelly flop ka. Yung feeling na ganun kasakit.
Ang busina na narinig ko ay nakakabingi.
Parang buong motorsiklo mismo ang pumasok sa tenga ko sa lakas ng busina nya. Bakit ganun?
Huli na para marealize ko kung bakit nakakabingi ang busina na yun.
Then everything went black , i felt cold and suddenly faces flash before my eyes...
Mukha ng parents ko.
Mukha ng bestfriend kong si B.
At lahat ng napamahal sa akin...
At ... boses ni Hero... Di ko makita mukha nya...
He's blurry. But I can hear his voice yelling my name.
"Maam Trish!"
But the sound is faint. Like it's from afar.
His voice.
Bakit parang nag iba ang tono ng boses nya?
Parang...
Parang...
Then I closed my eyes and fell asleep.
------------------------
Hero's side of the story
"Maam Trish, tulangan na kita."
Yeah! That's how she likes to be called.
Maam Trish. Short for Lartricia V. Patriarca.