PROLOGUE

596K 9.4K 273
                                        

PROLOGUE

"WHAT'S THE big deal, Dawn?" Nakakunot ang nuong tanong sa kaniya ni Dust, ang kakambal na kapatid. "Isang buwan lang naman. No one would know. Kung kaya ko nga lang, hindi ko hihingin ang tulong mo."

Dumako ang tingin niya sa paa nitong nakabalot ng puting tela habang naka-angat iyon sa ire. Nabaril ito sa paa dahil sa misyon nito na katatapos lang at may nabaling buto kaya kailangan yon sementohin at ilang linggo ang bibilangin bago ito maging maayos ulit.

Napabuntong-hininga siya. "Dust, may iba rin naman akong responsabilidad—"

"Sis, isang buwan lang." Pamimilit ni Dust sa kaniya. "No one would know. Hindi pa ako nakikita ng susunod naming kleyente kaya safe tayo."

Umiling siya. "I can't do it, Dust." Bumagsak ang balikat niya. "You know how mom thinks about this."

He groaned. "Sis, Dawn, please..." his eyes were pleading at her. "My next client is in deep shit, some dangerous men wanted him dead and I'm here in the Hospital with my leg broken. I need you. Hindi ko siya kayang protektahan habang narito ako."

Umiling siya at bumuntong-hininga. "Tawagan mo ang superior mo." Suhestiyon niya. "Explain to him why—"

"I already did. As of now, may nagbabantay na kay Mr. Laxamana mula sa malayo. But it's risky. Nanganganib pa rin ang buhay niya."

"Sabihan mo ang superior mo na magpadala ng ibang magbabantay, hindi ako. Kuya, nasa isang private agency ka, ako sa gobyerno nagtatrabaho."

"I know that, Dawn." Bumuntong-hininga ito. "Pero kailangan pa rin namin ng tao sa loob. At ako yon dapat pero nabaril ako. Ilang linggo lang naman. Kailangan ko lang magpahinga. At saka payag naman ang Superior kona hingin ang tulong mo, medyo kulang kasi kami ngayon sa tao. All Agents had been deployed to their next mission, ang natira nalang sa Agency ay 'yong hindi mga Field Agent."

Umupo siya sa gilid ng kama nito. "Sabihin na nating tinulungan kita..." binitin niya ang sasabihin ng ilang segundo, "hindi ba delikado 'yon para sa'kin?"

"No." Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil. "Babantayan mo lang si Mr. Laxamana. My team will be behind you all the time to assess and help you in everything. Ang kailangan mo lang gawin ay umaktong bodyguard ni Mr. Laxamana at samahan siya kahit saan magpunta, wala ka nang gagawing iba."

She puffed a loud breath and rolled her eyes. "That's boring, brother dear."

Dust smiled. "Boring is safe and I want you safe, Dawn."

"Ano ba kasi ang ginawa ni Mr. Laxamana para habulin siya ng masasamang loob?"

"He made software."

Kumunot ang nuo niya. "A what?"

"A software." Anito. "Software that bad guys wants. This is a dangerous mission, Dawn, I want you to be safe even when you're helping me."

"At paano mo gagawin 'yon?" Umikot ang mata niya at sarkastikong ngumisi. "Dust, baka nakakalimutan mo kung anong trabaho ko. Huwag mo akong mamaliitin, baka bigla kong mabaril yang isa 'mong paa."

Inabot nito ang ulo niya at ginulo ang buhok niya. "Hindi mo naman maiiaalis sakin na gustuhing hindi ka mapahamak." He patted her arm. "Tatanggapin mo ba? Tutulungan mo ba ako?"

Dawn blow a loud breath and shook her head. "Hindi dapat pero sige na nga." Napipilitang desisyon niya. "Isang buwan lang, brother dear, after that, I'm out."

Dust grinned and pumped his fist on the air. "Yes! Thanks, Dawn!" Hinila siya nito palapit at niyakap siya ng mahigpit.

Itinulak niya ito palayo sa kaniya saka nagbibirong sinuntok ang kapatid sa braso. Mukhang napalakas iyon dahil napangiwi ito.

Napangiwi rin siya. "Sorry."

Natatawang hinimas nito ang parte ng braso ng sinuntok niya. "It's okay. Anyway, you have to go and get ready." May ini-abot itong susi sa kaniya. "Iyan ang susi ng Pad ko, ikaw na bahala do'n habang nandito ako sa safe house."

"At paano ka naman dito?" Tanong niya habang kinukuha ang susi na inaabot nito.

"Just play dress up really good, or else, both of our asses will be burn. That's for sure."

Inirapan niya ito. "Fine. Gagalingan ko."

"Good. Anyway, take care, okay?" Sansala nito sa iba pa niyang sasabihin.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "Fine. I'll play dress up really good, no one would be the wiser but us."

Dust smiled triumphantly. "That's my little sister."

She glared at Dust. "Ilang segundo lang ang tanda mo sakin." Inirapan niya ito saka naglakad patungo sa pinto ng silid. "Sige, maiwan na kita, I'll call you after I settled in."

"Thanks, sis. I owe you." Pahabol na sabi no Dust ng makalabas na siya.

Napailing nalang siya Dawn.

She's doing this for her brother. Alam niya kung gaano ka importante kay Dust ang trabaho nito at ang binibigay na misyon dito.

And anyway, she'll just guard someone, how hard could it be?

#StartOfSomethingInnocent

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon