CHAPTER 4

264K 7.4K 732
                                    

CHAPTER 4

IPINARADA ni Dawn ang motorsiklo malayo sa Asia's Pearl Hotel. Nag-iisip siya kung paano makakalapit kay Hawk na hindi siya nito nakikita. Easy to say, hard to do. Kilala siya nito. Nasisiguro niyang malayo pa siya, makikilala na siya ng dumuhong 'yon. She has to know what he's up to.

At kapag nalaman niya kung anong balak nito, at nasiguro niyang hindi ito mapapahamak, aalis na siya.

Ihinalamos ni Dawn ang palad sa mukha habang nag-iisip ng tamang gawin.

Susuko na sana siya at magpapakita nalang sana kay Hawk ng may pumasok na ideya sa isip niya.

It could work. Yes. It could.

Hawk knew Dust, but he doesn't knew Dawn. Magkamukha nga sila ni Dust pero hindi naman yon masyadong halata lalo na kung ilulugay niya ang kaniyang buhok.

Ipinalibot niya ang tingin sa paligid at napangiti ng may makitang maliit na boutique sa tabi ng Hotel.

Mabilis ang bawat hakbang niya papasok sa boutique. Hindi na siya pumili pa, basta kung ano ang damit, sapatos at sunglasses na una niyang nagustuhan, yon ang dinala niya sa counter at binayaran saka bumalik siya sa kaniyang motorsiklo.

Para siyang magnanakaw na nagtago sa dalawang malaking halaman at doon nagbihis. Nang maisuot na niya ang damit na nabili, tinanggal niya ang wig na buhok saka lumabas sa pinagtataguan.

Itinago niya ang wig sa u-box ng kaniyang motorsiklo saka tiningnan ang suot na damit.

Tight leather short, tube top and black leather jacket. Pinaresan niya iyon ng kulay itim ng ankle boots.

"Here we go." Dawn took a deep breath before walking towards Asia's Pearl Hotel.

TUMIGIN ULIT sa pambisig na orasan si Hawk. Thirty minutes na ang nagdaan simula ng makarating siya sa Asia's Pearl Hotel pero wala pa rin si Georgina.

Naiiritang tinawagan niya ulit ang dalaga.

"Nasaan ka na?" Naiirita niyang tanong habang magkasalubong ang kilay niya.

"Sorry, baby. Traffic e." Halata ang iritasyon sa boses ng dalaga. "I'll be there in a minute, okay?"

"Okay. Pero mauuna na ako sa room natin. Text ko nalang sayo ang room number."

"Sure, baby."

Pinatay niya ang tawag.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa na nasa lobby saka naglakad palapit sa counter.

"Give me your Royal Suite." Aniya.

The Receptionist smiled and gives him the key. In exchanged, binigay naman niya rito ang Credit Card niya.

"Here you go, Sir." Anang Receptionist na may ngiti sa mga labi na ibinalik sa kaniya ang Credit Card. "Enjoy your stay."

He just nod and walk towards the elevator.

Ilang segundo pa ang biniling ni Hawk bago bumukas ang elevator. Nang magsilabasan ang sakay niyon, sumakay siya saka pinindot ang floor kung saan naroon ang Royal Suite.

But before the elevator door closes, a woman gets in and pushed the button of more than seven floors.

Napatitig si Hawk sa babae. Tanging sila lang dalawa ang sakay ng elevator.

The woman's back is on him. Napakahaba ng kulay brown at kulot nitong buhok na hanggang beywang. Halos kasing tangkad lang niya ito, mas mataas lang siya ng ilang pulgada. Napakakinis din ng morena nitong balat.

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon