CHAPTER 3
ONE MORE WEEK of being Hawk Laxamana's bodyguard and Dawn will really loss her mind. Mababaliw siya sa ka-istriktohan nito, dapat lahat ng galaw niya ay alam nito, bawal makipag-usap sa sekretarya nitong si Maya at mas lalong bawal makipagkuwentuhan sa kapatid nitong si Hailey.
Dawn cannot take it anymore. Sasabog na ang pasensiya niya na ngayon ay napakanipis na at malapit nang maputol iyon.
"May pupuntahan akong party, kailangan naroon ka, naiintindihan mo?" Pagkausap sa kaniya ni Hawk. "Matatagalan ako do'n kaya dapat—"
"Look, Mr. Laxamana," napipikon na siya, malapit nang sumabog ang pasensiya niya, "huwag mo akong diktahan sa dapat kong gawin. I am your bodyguard, i know what to do. Hindi ito ang una kong misyon kaya puwede bang manahimik ka at hayaan mo akong bantayan ka?"
Hawk stilled and looked at her. "Galit ka?"
Tumalim ang kislap ng mga mata niya. "Ako? Galit? Nope." She faked a smile. "I'm just excited."
"Excited?"
"Yes."
Halatang hindi ito naniniwala sa kaniya. "You don't look excited to me."
Tumaas ang dalawa niyang kilay na nagtatanong. "Ano ba ang itsura ko?"
"You look angry at someone."
"Really?" Mas tumalim pa ang kislap ng mga mata niya. "Kanino naman kaya."
Hawk blow a loud breath. "We both know kung kanino ka galit."
Gusto na ni Dust na suntokin sa mukha sa Hawk. "Sinong hindi magagalit sayo? I spent eight hours outside your office every day and you won't let me talk to Maya." Galit siyang tumingin dito. "At ayaw mo akong makipag-usap kay Hail. Hindi 'yon normal!"
"Huwag mo akong sisigawan!" Galit din ito. "Wala akong tiwala sayo kaya ayokong nakikipagharotan ka sa kapatid ko."
Sarkastiko siyang tumawa. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Wala kang tiwala sakin? For God's sake! Ako ang bodyguard mo!"
"Sabi nang huwag mo akong sigawan!" Hawk took a threatening step towards her. "And yes, i don't trust you. I hardly know you—"
Nabitin ang pagsasalita nito ng hugutin niya ang baril na nakatago sa likod ng pantalon niya, ikinasa iyon, itinutok kay Hawk at kinalabit niya ang gatilyo.
"Fuck..." with huge eyes, Hawk cursed again. "...Fuck."
Ibinalik niya ang baril sa likod ng pantalon saka matiim itong tiningnan. "Kung wala kang tiwala sakin, wala na akong magagawa do'n. But let me tell you this..." tumuon ang mata niya sa dingding na nasa likod nito na tinamaan ng bala. "... i don't miss my target specially in close range. At kung balak kitang patayin, kanina ka pa sana nakabulagta sa sahig at nilalangaw ang bangkay mo. So i suggest you trust me, kasi sa ugaling mayroon ka, ako lang ang bodyguard na magti-tiyaga sayo."
Pagkasabi no'n ay lumabas siya sa opisina nito na nasa bahay saka nagtungo sa harden para magpahangin.
"Hindi kaya siya magsumbong kay Superior, Team Leader?" Tanong ng lalaking boses mula sa mini speaker na nakakabit sa taenga niya.
"Wala akong pakialam." Inis niyamg sagot. "E di magsumbong siya. Bahala siya sa buhay niya."
"Hindi talaga namin akalain, Team Leader, na masasagad niya ang pasensiya niyo. We've known you for years, pero ngayon lang kayo napuno at napikon."
Napakagat labi si Dawn. Shit! Sa kanilang magkambal, si Dust ang mahaba ang pasensiya, siya naman ang madaling mag init ang ulo. At kahit nagdadamit niya pang lalaki at nagpapanggap na si Dust, lalabas at lalabas talaga ang tunay niyang pagkatao.
BINABASA MO ANG
Captivated
General FictionSYNOPSIS It was supposed to be a simple favor. Pretend to be her brother until he gets back his perfect health. No one would know. No one would be the wiser but her. No one would even realize the difference. She's good at playing dress up. She'd do...