CHAPTER 5
"THANKS FOR saving me." Sabi ni Hawk ng makapasok sila sa loob ng bahay nito.
Nagkibit-balikat si Dust. "Trabaho kong iligtas ka."
"Salamat pa rin."
"Okay." Inayos niya ang nagusot na damit dahil sa pagsakay ng motorsiklo. "Pero sa susunod magsabi ka kung saan ka pupunta at kung anong gagawin mo do'n. What you did tonight is stupidity. You put your life on the line and that pissed me off."
Hindi ito umimik. Umingos naman si Dust.
"Matulog ka na." Sabi niya.
"Ikaw, matutulog ka na rin?"
"No. I'll check the perimeter first before sleeping." Kinusot niya ang mata na mahapdi na dahil sa antok. Tatlong oras ba naman siyang naghintay sa labas ng Hotel room nito. "Matulog ka na."
"Okay."
Nang makaalis si Hawk patungo sa silid nito, lumabas siya ng bahay at sinuyod ang bawat sulok niyon. Para makasiguro siya na wala makakapasok at makakapanakit kay Hawk, doon siya nagkampo sa Security Camera room. Nag-uumpisa nang umatake ang kalaban, baka mapahamak ito kung hindi niya seseryusohin itong pagbabantay dito.
Nadagdagan ang paghanga niya kay Hawk habang nakatingin sa Monitor ng mga computer na gamit nito sa security room. Hindi lang pala ang kaguwapuhan nito ang dapat hangaan at ang masarap nitong labi. May taglay din itong katalinuhan na kahanga-hanga.
May heat sensor ang buong bahay at naka-program sa mga camera ang profile ng lahat ng tao sa bahay na yon at kung may makakapasok na kahit na sino na hindi naka-program ang profile, madi-detect yon ng Camera at mag-iingay ang alarm system.
And Hawk designed it himself. Matalino talaga ito. No wonder hinahabol ito ng masasamang loob dahil sa ginawang software.
Ang tanong, anong klaseng software kaya ang ginawa nito?
Nakatulogan ni Dawn ang isiping yon.
HAWK feels the grumpiness coating his mood as he walked to the kitchen. Ang aga-aga, masama kaagad ang mood niya. Hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil hindi mawala sa isip niya ang babaeng nakahalikan niya sa elevator.
Fuck it! Those sweet lips of hers keep him up all night. Mas okay na yon kaysa si Dust ang laman ng isip niya.
Speaking of which... Dumaan siya sa kuwarto ni Dust at kumatok. He has to thank this man again for saving his life last night.
Nakakailang katok na siya, hindi pa rin nito binubuksan ang pinto ng kuwarto. Napilitan si Hawk na pihitin ang door knob pabukas saka sumilip sa loob.
He stilled when he didn't saw Dust. Mayado pang maaga para magising ito. Isinara niya ang pinto at malalaki ang hakbang na tinungo ang Security room niya. Mas madali niyang malalaman kung nasaan ang bodyguard niya kung gagamitin niya ang software na dinisinyo niya na inilagay niya sa Security system ng bahay niya.
Hawk pushed the door to the security room open and stilled. Bahagyang umawang ang labi niya ng makita si Dust na nakaupo sa swivel chair sa harap ng monitor at mahimbing itong natutulog.
"...the fuck..." he whispered.
Anong ginagawa nito rito at bakit dito ito natulog?
Maingat at walang ingay siyang lumapit dito at pinakatitigan ang mukha nito. At dahil tulog ito, nabigyang laya siya na pagmasdang mabuti ang mukha ng bodyguard niya.
Mas tumiim ang tingin niya sa mukha nito sa bawat segundong lumilipas. Dahil malapit siya sa mukha nito, ngayon lang niya napansin ang mahahaba nitong pilik mata at kulay rosas nitong mga labi na hugis puso. And not to mention the sweet scent that is invading his nostrils again.
BINABASA MO ANG
Captivated
General FictionSYNOPSIS It was supposed to be a simple favor. Pretend to be her brother until he gets back his perfect health. No one would know. No one would be the wiser but her. No one would even realize the difference. She's good at playing dress up. She'd do...