Kabanata II

112 38 3
                                    

"Nandito pala si Ellyn Tybalt," anunsyo ng umaastang pinuno ng tatlong bata, "Na mag-aala bayani. Paalala lang na hindi ikaw ang yumao mong ama." Base sa kumpiyansang dala ng bata ay pakiramdam ata nito'y nabasag niya ang komposisyon ng misteryosong babae.

Ngunit ngumiti lamang ito.

"Hindi ko naman pinapangarap na maging kapalit ng aking ama. Hindi ko pinangarap na maging kung sino man bukod sa kung sino ako ngayon. Dahil kung wala ako ngayon, matutulungan ko ba ang kawawang prinsipe na ito?" Luminga siya sa naturang binata. "Hindi ba?"

"Ha. Ha," sarkastikong usal ni Topher. Sa katunayan ay wala siyang naintindihan sa proklamasyon ng dalaga ngunit alam niya na nagbanggit ito ng prince, at hindi niya nagustuhan iyon.

Dahil dito ay napataas ng kilay si Ellyn. "Oh ano? Magsisindakan na lang ba tayo rito? Alis na, mga bata! Maligo muna kayo!"

"Aba! Nagsalita!" Napabuntong hininga ang dalaga sa ipinapakitang katigasan ng ulo ng mga ito.

Humakbang siya papalapit sa kanilang pinuno na bahagyang nagtaas ng balikat at dibdib upang magmistulang malaki kaysa sa kasing-taas niyang si Ellyn. Sa tantiya ni Topher ay nasa limang talampakan at tatlong pulgada ang taas nito bilang hindi nalalayo ang dalaga sa taas niyang 5'6".

"Hindi talaga kayo uuwi?" mababa ang boses ni Ellyn at mapagbanta. Kahit hindi ito naintindihan ng binata ay alam niyang hindi maganda ang ibig sabihin nito.

"Bakit, may magagawa ka?" taas noong tugon ng bata. "Bakit hindi mo gayahin ang duwag mong kuya na tuta ng mga elitista?"

Ngumisi si Ellyn Tybalt na nagpalukso sa pintig ng puso ng bata.

Sinunggaban ng dalaga ang kwelyo ng damit ng kaharap at marahas siyang pinaikot. Mabilis niyang itinukod ang kaliwa niyang siko sa batok nito habang ang kamay ay nakahawak sa kaliwang braso ng bata, dahilan para hindi ito makawala sa kainya.

Ang libre niyang kanang palad ay humampas sa pang-upo nito na nagpaumyak sa kaniya kung hindi dahil sa pagkabigla, ay sa lakas nito.

Napatakip ng bibig si Topher habang nanlalaki ang mata sa pagpipigil ng tawa dahil sa ikinilos ng babaeng nasa harap niya. Ang dalawa namang batang kasama nito ay nanonood lang at nag-aalangan sa gagawin.

"A-ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" bulalas ng batang nasa bisig ni Ellyn habang patuloy pa rin itong pumapalo.

Tumakbo ang mga kasama nito nang walang salita at ang isa'y natalisod pa. Nagpupumiglas ang pinuno nila hanggang sa umaalik-ik na bumitiw ang dalaga.

Naghahabol ng hininga ang bata, masama ang tingin kay Ellyn at tila may sasabihin pa nang taasan siya ng kilay ng babae at napakaripas siya ng takbo.

Nagkatinginan ang dalawang natira.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Sumabog sila sa katatawa hanggang sa sumakit ang mga tiyan. Maluha-luha si Topher nang tumigil para muling babarin ang mata niya ng tabas ng babae.

"What? First time you've seen someone so beautiful?" biro ng dalaga na nagpabigla sa kaniya. "Now, you're insulting me. The higher caste isn't the only one with the right to learn english."

"T-that's not-"

"It's fine. I can't really blame you, can I? I guess it's your first time here." Pinirme niya ang kaniyang mga kamay sa malaki niyang diyaket na lalong binigyang diin ang payat niyang pigura. Sa munti niyang baywang ay may nakasabit na belt bag.

Safrole [PUBLISHED UNDER THINKTA PUBLISHING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon